“Ohhhh mahal ko,sabik
na sabik na ako.”
“Damhin mo ang init ng aking pagmamahal mahal ko.”
“Ohhhh...”
“Ihatid mo ako sa rurok ng kaligayahan”
“ahhhhh…”
Mga pigil na tinig at
matatamis na ungol at daing ang nagpagising sa aking natutulog na isipan noong
gabing yaon. Ang pagniniig na iyon noong gabi, pagkatapos ay katahimikan. Hindi
libog ang aking naramdaman, subalit sabik akong nakinig sa kanilang pagtatalik.
Nararamdaman kong may namumuong mainit na damdamin sa aking katauhan. Ito na
ang simula.
Matagal ding namahay sa akin ang kadiliman ng gabi, sa
pagsapit naman ng araw ay ang pag-ulan. At tulad ng pagbubukang-liwayway, ang
dilim, ang lamig at ang katahimikan ang bumubuo sa aking kamalayan. Nais kong
may makinig sa akin, iyong ako ay mauunawaan. Subalit walang tinig na lumalabas
sa aking bibig. Tanging palahaw lamang at hikbi ang naririnig sa akin sapagkat makapangyarihan ang tinig na syang
nangingibabaw. Tinig na huwad at namumutawi sa bibig ng iisa lamang. Ito ang
tinig na gumagapos ng aking mga kamay at pilit ikinikintal sa aking isipan.
Nabuo ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Hindi ko pa masasabing naging tagumpay ang libog ng
pagniniig na iyon. Mahabang panahon pa ng pagbubuntis ang kailangang tiisin at
pangalagaan. Alam ko, magiging piping saksi ako hirap ng pagdadalantao. May mga
panganib na maaring humadlang sa pagsilang ng sanggol na matagal ko ng
hinihintay. Gusto kong masaksihan ang katapusan at kamatayan ng delubyong aking
kalagayan at ang panibagong simula upang ako ay makapagsalita at maunawaan.
Ilang dahon pa ang nalagas sa matandang punong iyon, dahon ng pighati at kasakiman na iinihahampas ng hangin sa aking katauhan.
At sumapit ang araw
ng pagsilang. Marubdob ang damdaming nag-aalab sa simula pa lamang ng
pagniniig. Matinding unos man ang
humadlang at nagtangkang kitilin ang apoy subalit patuloy lamang ito sa
pagningas. Umapaw ang luha ng mga
nakasaksi sa pagluluwal ng pagbabago. Luha ng masidhing kaligayahan ang aking
namalas.
Demokrasya, ito ang aking tinig. Mula sa maalab na pagniniig,
nagningas hanggang sa masalimuot na pagsilang. Tinig na nagbubuklod para sa malayang kamalayan ng bawat isa. Tinig
ng bayan na nasa ating kapakinabangan.
Iba ang antas ng akdang ito.
TumugonBurahinSa kabila ng pagiging pipi natin noong nakalipas dahil sa takot at pagmamalabis sa kanyang nasasakupan. Naputol din sa wakas dahil sa laban ng nakakarami.
Muling namayani ang pagkakaroon na kalayaan ng bawat isa ng walang takot at iniinda. DEMOKRASYA!
Goodluck sir banjo!
Wala ka talagang kupas :)
Huli na itong reply ko..
Burahinmaraming salamat sir jay sa mga pagbisita mo sa bahay.
gudlack din sayo..
ikaw na ang aking idol ngayon :)
mahihirapan ang mga hurado nito! ang daming malikhain at mahuhusay!
TumugonBurahingoodluck sir salamat sa pagbisita
yung likha mo man ay sadyang napakahusay. bilib ako sa galing ng panulat mo..
Burahinmaraming salamat po
hello, nakiraan lang at nakibasa... ito pa lang ang nabasa kong lahok na may pagniniig, hihi. ^^ good luck sa patimpalak and regards. :)
TumugonBurahinHalos lahat ng nadaanan kong lahok ay naroon ka. at ang iyong akda. hindi rin matatawaran ang husay.
Burahinmaraming salamat po at gudlak din sa inyo :)
mapolitikang akda. mahusay
TumugonBurahinmaraming salamat sir bino :)
Burahinmahusay.. may simula at may katapusan... ikaw na sir banjo.. goodluck sa iyong akda.. :D
TumugonBurahinmaraming salamat shy, gudlak din po :)
BurahinAng berde tlga ng utak ko .. ewan ko ba ..haha
TumugonBurahinpero ang lupit nito .May dynamics at creative :)
Ayos.
Goodluck sa entry, saludo ako sa iyo.
yung akda mo ang makakakuha ng pwesto sir. tunay na napakagaling eh.. ang husay
Burahinmaraming salamat po... saludo din ako sayo :)
Ganito dapat ang mga nananalo. :) May puso.
TumugonBurahinmaraming salamt po sir...
Burahinmagandang araw po
ibang level nga ito (gaya-gaya kay kuya jay?) hehe. To the highest level, di ko maarok! imba ka talaga kuyakoy! Pinalalim mo ang mababaw kong pag-iisip. Goodluck sa iyo!
TumugonBurahinjhengpot, ung akda mo man akoy napahanga. habang tumatagal eh lalong humuhusay ang galing mo sa pagsulat. ipagpatuloy ha..
Burahinmaraming salamat po
mahusay...
TumugonBurahinkala ko berde un pala asul at pula ang kinalabasan dahil sa makabayan
salamat ng madami sir. mahusay din po ang inyong gawa.
Burahinmay pwesto sigurado :)
good luck....tama, mahihirapan nga ang mga hurado sa pagpili...mula kay Jay rulez ay napunta ako sa iyo...
TumugonBurahinsir arvin, iyong pahabol mong akda para sa KM3 ay makatotohanang pangyayari. mahusay, suporta man subalit naiparating mo ang iyong tinig..
Burahinmaraming salamat
naku....ang taas ng level nito.....mahirap itong makaligtaan sa pagpili...hehehe.....napadaan po....god bless sa lahok ninyo....
TumugonBurahinmaraming salamat po, napakaraming mahuhusay na likha.
Burahinang importante, maibulalas natin ang ating tinig.
:)
Kapag hindi pinaulit-ulit basahin ang akdang ito ay maghahatid ng kalituhan o hindi pagpansin sa napakagandang mensahe na nakatago sa lathalaing ito.
TumugonBurahinMarahil ang nagtanim ng punla ay mga yumao na, maaaring nagpaalam sa madugong paraan, maging nagpaalam na hindi nasaksihan ang pagsilang subalit heto tayo ngayo't ginagahasa naman ang DEMOKRASIYA.
Damang dama ko ang tinig ng Demokrasiya na siyang ginagamit natin ngayon upang maging malaya ang kamalayan natin na maipahayag ang ating mga tinig, dito man sa panulat, sa kalsada, sa paaralan, simbahan o maging sa bahay.
Ang Demokrasiya na kapag inabuso'y magdudulot din ng kapahamakan gayong kapag inibig ay maghahatid ng isang mapayapa at maunlad na pamayanan.
Maraming salamat sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 3. :)
sir jkul, una binabati kita sa tagumpay ng KM3, nakamit nito ang layunin. humahanga talaga ako sayo, nagawa mong pagbukludin ang hiwahiwalay na hinuha para maging isang tinig.
BurahinIkaw ay isang punong hitik na ang bunga. Marami ang pumitas ang nabisog sa tamis ng lasa nito.
Maraming salamat po
di nasusukat sa umpisa ang nilalaman ng likha... ayus...
TumugonBurahinsir kiko, maraming salamat po
Burahingudlak sa atin lahat
malalim at malupit, muntik n hinde maarok ng aking pag-iisip..
TumugonBurahinviva pilipinas!
God bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com
TumugonBurahinWhatsapp:- +2348123446245
he can help you out of that you situation.