Masaya akong nakikipaghabulan sa aking mga kababata, hawak ang sinelas, nakapikit ang isang mata na nakasipat sa latang nakatayo sa gitna ng kalsada. Unahan sa pag-akyat sa puno ng Mangga ni Mang Teban, sumisiksik sa loob ng isang drum para lamang hindi ma "pung" sa taguan. Nakikipagtagisan sa ilalim ng sikat ng araw, hawak ang pisi ng saranggolang tagpi tagpi na nakikipagsagupaan sa malakas na hangin sa itaas. Naliligo sa ilog kasabay ng paglalabada ni Nanay.
Ang punong matatag, kahit pa sabihing matanda pa ito sa lolo ng aking lolo, ang dahon nito ay unti unti din nanlalaglag. Kaparis ng paglipas ng panahon, ang walang tigil na pagpapalit ng araw, lingo, buwat at taon. Nagbabago ang lahat, pasulong man o paurong, walang makapipigil dito. Naging masalimuot ang pagtahak sa daan. Hindi maiwasan ang unos na nakaharang, ulang may kasamang malakas na hangin, hinahampas ang pagal na katawan na nakakapit sa maliit na posteng kawayan na nakatusok lamang sa lupa. Hindi natitinag, lumalaban ang isip at paniniwalang walang makatitinag sa sidhi ng damdamin at katuparan ng pangarap.
Gusto kong kumawala muna. Gusto ko muling maging bata. Gusto kong maging malaya. At yan ang aking ginawa, binalikan kong muli ang nasa aking alaala. Ang kumusmusang malaya sa lahat ng problema. Nakatingala sa langit. Nakakapit sa bisig ng kaisipang malaya.
At ngayon nga, tapos na ang panaginip, tapos na ang pagkukunwaring ilang buwan ding nanahan sa akin. Muli akong bumabalik, sa kabila ng aking pag-alis ng walang paalam, patawad. Tatahak na kong muli sa daan na walang kasiguruhan.
totoo ba ito?hindi ba ako namamalikmata?
TumugonBurahinwaaaaaahhhhhhhhhh...
banjo???kumusta???
kung ano man ang nangyari sa iyo sana napagtagumpayan mo...
mahalaga andito ka na at nagbabalik...
MALIGAYANG PAGBABALIK BANJO!!!
NAMISS KA NAMIN DITO...
welcome backkk.. :D
TumugonBurahinAng tagal mong nawala pre? Anu balita?
TumugonBurahinWELCOME BACK!
@Jay - weeeeeeeeee.. muli akong nakabalik.. nagbalik ang isipan kong tinangay ng kamusmusan.. maraming salamat parekoy... sana dirediretso na muli ako sa pagsusulat... :)
TumugonBurahin@EGG - parekoy.. salamat.. musta na?
@Moks - sir, maraming salamat.. medyo may katagalan din nga ko nawala... eto pogi pa din hehehe (dyuk).. medyo may hinanap lang sir...
At bakit ka nagbalik? hahaha... oist! musta na?
TumugonBurahinyehey!! WELCOME BACK Banjooooooo!! musta ka na? anong nangyari sau? ang tgal mong nawala ah.. BAKIT?????? maligayang pagbabalik Banjoooo
TumugonBurahinWelcome Back Istambay!!!!
TumugonBurahinwoowwwwww!!! welcome back!! tagal nawala. tagal ko ding nagantay!!! wala ko'ng masabi eh. basta welcome back :)
TumugonBurahinwelcome back istambay!
TumugonBurahinnamiss ko blog ko sobra!
nakakamiss ka talaga! wow!
ei banjo. welcome back!
TumugonBurahinat nagbabalik nga ba? :D
TumugonBurahinAko rin.. gusto kong maging isang bata.. walang problema. Malaya.. masaya.. Hehe.. Parang si peter pan lang ano? lols..
TumugonBurahinWelcome back, banjo.. :)
waaaahhhh banjoooooo!! namiss kitaaaa!!!! kamusta kana?!
TumugonBurahinmay kalaliman ng konti ang pagbabalik, you are most Welcome dude!
TumugonBurahinhala ang tagal mong nawala sa sirkulasyon chong...
TumugonBurahinDagli-dagling nanariwa sa aking kaisipan ang mga bagay na kay tagal kong hindi nasilayan.
TumugonBurahinNapadaan, at napangiti sa alaalang hatid ng iyong katha. Maraming salamat.
TwistedFates
hello, banjo! hmmn... akalako, may bago ka uling post. sulat ka lang, bok... regards sa 'yow! :)
TumugonBurahinbanjo nagbalik ka haha,,,
TumugonBurahinako gusto kong maging bata ng buwan haha,,
musta ka?
sarap talagang maging bata kahit ilang oras at sandali lang... isa sa pinagpapasalamat ko ay magkaroon ng sariling teritoryo o kuwarto. doon kahit maging bata ako at magkaroon ako ng sariling mundo. wa problema. hehehe!
TumugonBurahinsalamat nga pala sa pag-a-add mo sa akin dito sa blogroll mo! mabuhay!
para akong nililigawan ng post na ito.
TumugonBurahinhahaha..
nakakahalina ang bawat salita.
Doon kung saan ang lahat ay simple , doon kung saan ang lahat ay payapa.
tayo g bumalik sa ating kabataan :D
good and happy memries....good old days, back wen we'r still kids..sarap blikan sa isip..pero gang dun lan...sa isip na lan, never in reality...
TumugonBurahinHahaha.. sarap isipin ang mga nakaraa.. :))
TumugonBurahin