Akalain ko bang ganito ang pamilya ko? Ano ang nasa isip ko noon? wala... dahil wala pa naman akong muwang sa mundo noong nasa sinapupunan mo ako. Hindi ko alam ang buhay na tatahakin ko na ikaw ang magpapatakbo. Ang tanging nalalaman ko, nabuo ako dahil sa inyong pagniniig, ng init ng damdamin na sa puso nyo ay nananaig. Ng tamis ng pagmamahalan na inyong nararamdaman. Ng inyong pangarap na para din naman sa inyo. Mahabang panahon din sako sa iyong sinapupunan, naghihitay ng tamang panahon para ako ay iluwal at matupad ang inyong pangarap.
Dumating ang araw na ako ay isinilang, nagbunyi kayo aking mga magulang. Napalitan ng tamis at ngiti ang sakit na iyong naramdaman sa pagluluwal sa akin. Ipinakilala nyo ko sa buong sanlibutan. Ako ang inyong anak na magaahon sa inyo sa kahirapan. Ako ang tutupad ng inyong mga pangarap. Ako ang tatapos sa pananamantala ng aking kapatid. Oo, may kapatid pala ako na labis ang inyong pagkasuklam. Pero sa aking pagkakaalam. Noong araw na nasa sinapupunan mo ako, pinlano nyo ang pagkitil sa isa pa ninyong anak. At kasabay ng aking pagsilang, kamatayan naman sa aking kapatid. Aking kapatid na hindi na ipinagbuntis at sapilitang sa inyo ay isinilang. Ang aking kapatid na sa inyo ay nagpahirap. Batid yun ng lahat.
Dumaan ang maraming taon sa aking buhay. Mga taon ng aking buhay na kayo din naman ang may kagustuhan. Mga taon na naging malungkot sa akin. Dahil sa mga panahong iyon, kontrolado nyo ang aking pagiisip at damdamin.
Ngayon ang aking kaarawan, nalulungkot ako at nahihiya sa aking kapatid na inyong pinaslang. Nahihiya ako dahil sa inyong pagkakaalam, kalupitan at kahirapan ang ibinigay niya sa inyo. Kahihiyan para sa ating lahi. Pero ako, taon taon nyong ipinagdiriwang ang aking kaarawan, ano ba ang nagawa ko para sa inyo? Naghangad kayo ng kaginhawan sa akin noon pero naging masahol pa ang inyong kalagayan ngayon. Ano na lamang ang sasabihin ng aking kapatid sa akin?
Dalawampu't limang taon ang lumipas mula ng akoy isilang. Kung may kahilingan ang may kaarawan, pahihintulutan mo bang ako ay humiling ng aking nais? Hihilingin ko lang sana.. Ibalik nyo ang alab ng inyong damdamin at init ng pagmamahalan na inyong naramdaman noong ako ay binubuo nyo pa lamang. Ibalik nyo ang inyong mga pangarap noong akoy nasa iyong sinapupunan. Ibalik nyo ang tunay na pagkakaisa at kapit bisig noong ako ay isilang. At inyong isapuso at isabuhay ang lahat ng ito habang ako ay nabubuhay.