Sabado, Enero 29, 2011

ANO PA BA ANG SUSUNOD?

Paumanhin, ilalabas ko lang ang aking nararamdaman.



Unang buwan ng 2011, matindi ang pagsubok na atin ngayong pinagdadaanan.. oo, atin, kadamay ka, sa ayaw mo at sa gusto, kadamay tayo.

Sumisirit pataas ang halaga ng ating pangunahing pangngailangan. Konting higpit pa nga ika ko. Tanging nasa ating mga sariling kontrol lang ang paraan para makatawid sa krisis na ito..

Bumanat ang carnapping syndicate.. organisado yan, malamang pa sa alamang, matagal ng gawain ito. Nagkaron ng patayan, dalawang magkasunod na insidente kaya naman napagtuunan ng pansin. Magaling ang estilo ng grupo, walang kawala ang biktima.

Nasa kainitan pa sa mata ng publiko, bumanat naman itong terorismo, isang bus ang pinasabog na may lulang mga pasahero. limang inosenteng buhay ang nasawi, at marami ang sugatan. Ligtas pa ba tayong mga sibilyan? Hindi ko sinisisi ang seguridad ng ating bayan. Napatunayan lang ang katotohanang maisasagawa ang ano mang mithiin basta ito ay planado at nasasaayos. May naglabasan ng mga patalastas, may banta ng terorismo sa bansa. Ibig sabihin, hindi na ligtas dito sa ating bayan? Lumabas na sa publiko ang larawan na maaring may kinalaman.. hindi pa salarin sa pagkat wala pang direktang makapagsasabing sila nga ang may sala. Sana nga, mahuli na ang mga putang inang walang konsensyang ito.

Umuusok pa at bukang bibig pa ng mamamayan, may bumanat na naman, sampung buhay, sabay sabay na nawala sa kanilang katawan. Aksidenteng bumagsak ang gondola lift na kinalululanan ng trabahente. Ang dahilan ay overloading. San tayo hihingi ng hustisya para sa ganito. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Iintayin pa ba nating mangyari ang ganito bago tayo magkaron ng solusyon? Tigil ang pag gawa, kulang sa permiso.. kulang ang safety gadget.  anak naman ng tipaklong...

At ito ang ipinagngingitngit ko, ang pagsabog ng kurakutang naganap at nagaganap sa hanay ng ating sundalo. Tumataginting na 50 milyong piso, hindi kada taon kundi kada buwan na syang pangtustos sa bala, sa gamit, sa bota, sa pagpapagamot ng ating mga sundalo ang ibinubulsa ng kanilang kataas taasan lider at ng galamay nito. Nakikita natin ang kalagayan ng ating mandirigma, nakakaawa ang buhay sa pakikipaglaban para sa kapayapaan. nagbubuwis ng buhay laban sa banta sa ating seguridad. Malayo sa pamilya, laging nasa harap ng panganib. Pinagtatawanan natin ang gamit, daig pa ng mga kalabang sa bundok naninirahan. Ito ang hindi dapat pabayaan. At kung sakaling ito ay may katotohanan, isang napakalaking PUTANGINA sa lahat ng akusado. San ba naggagaling ang pondong ibinubulsa diumano ng mga yan, sa atin din mga manggagawa.

Isipin na lang ang damdamin ng isang ordinaryong sibilyan ng tulad ko kumpara sa damdamin ng mga pamilya o kaanak ng ating sundalo at ng mismong sarili nila.  Nakakagigil, nakakapanlumo, nakakawalang gana.



salamat


31 komento:

  1. napapamura nalang kami dito pag na papanuod namin yang mga balitang ganyan sa TFC..

    TumugonBurahin
  2. chillax lang... hay pilipinas....
    ----------

    nakaktakot yung sumabog na bus... di mo maiwasang maparanoid... hayyy... mga tao nga naman...

    Diyos na ang bahala sa mga *(^*&*^*&^*& me kagagawan ng kaguluhang iyan..

    sana sa susunod na buwan eh... me good news naman tayong mabalitaan... :)

    TumugonBurahin
  3. di pa tayo pinapanganak mayroon nang mga ganyan, aasa pa ba tayong may magbabago sa sistema ng pinas?

    TumugonBurahin
  4. ang lalim.. di ako masyadong makapagcomment.. grabe....

    TumugonBurahin
  5. ung mga biktima ng bus bombing, nung nakit ko sa news, teary eyed ako... lahat ng biktima puros bread winner at mga naghahanap ng work dito sa manila... tapos biglang nagkaganun... nakakaawa.. nakikiramay nlng ako sa kanila kahit sa sarili kong isip at damdamin man lang para maipakita ko ang condolences ko sa kanila... lalo na sa kapwa namin colcen agent na si Trish.... naway masaya na sila sa kung asan man sila... (*insert prayer here*)

    TumugonBurahin
  6. nakakalungkot lang talaga isipin na nangyayari ang mga ganyang bagay sa ating bansa..

    wag naman sana, pero posibleng marami pa itong kasunod..

    TumugonBurahin
  7. tama ka parekoy...grabeee lang...baka isang araw magiging norm na rin 'yang mga ganyang pangyayari dito sa pinas...

    TumugonBurahin
  8. nakakalungkot nga ang mga pangyayari sa ating bansa,idagdag pa ang climate change.

    may magagawa pa ba tayo? sana umiral pa rin ang pagiging makabayan natin :)

    TumugonBurahin
  9. i know how you feel, masmalala pa ngayon ang mga nangyayare,

    pero wala pa ring aksyong nagagawa, yung hinalal na presidente na anak ng dating presidente, nasaan na.....

    TumugonBurahin
  10. sadyang nakakalungkot nga..
    magdadala ka ng sarili mong auto-ka-carnapin.
    magcommute ka, magbus ka-papasabugin.
    ai xa magtrycicle nlang!
    at pinakananakinis yung kurakot!
    gawin ko silang kulangot e! hehe

    TumugonBurahin
  11. bagamat may pagkukulang ang ating pamahalaan, hindi tamang sila lang ang kumilos para sa kapakanan ng ating bansa. bawat isa ay may pananagutan sa kahihinatnan ng ating bayan :)

    TumugonBurahin
  12. masasabi ko na tulad mo may karapatan din akonng magmura nang malutong na putang ina...tama ka tayo tayo ang nagpapasweldo sa kanila....

    TumugonBurahin
  13. natatakot na nga ako pumunta ng maynila. i know pwedeng mangyari ito kahit saan pero iba parin sa maynila, madaming tao, magulo, masikip.

    about naman dyan sa mga nangungurakot na yan ay talaga namang walang mga puso. kailan ba tayo magbabago? kahit ako man nahihirapan naring maging positive sa bansa natin pero pinipilit ko parin kumbinsihin na may pag-asa pa ang ating bansa.

    TumugonBurahin
  14. haaaaaay whats new! hahaah ganyan tlga eh...

    TumugonBurahin
  15. nakakabagabag nga ang mga yan. @kyle---haha...tingin ko nga eh araw araw endangered buhay ko .. T_T naman, andami dami kong gustong sabihin sa gobyerno...actually tayong lahat andami daming hinaing..sana naman eh maganda pasok ng pebrero ...pagdasal natin ...at patuloy tayong maging matatag at may dignidad sa lahat ng mga ginagawa natin

    TumugonBurahin
  16. luma na ang ganitong mag bagay bagay na usapin, mag taong ganun talagaang walang awa. Kung pwede lang baguhin ang systema. Pero, yun at yun parin. Only god can change anything bad in this world.

    TumugonBurahin
  17. nakakatakot at nakakalungkot. sigh!

    TumugonBurahin
  18. nakakalungkot na nakakadisappoint. bakit may mga taong kayang gumawa ng mga ganitong bagay. at bakit kelangan may magbuwis ng buhay ng mga taong walang kamalay malay. buhay nga naman... siguro, ang tangi na lang natin magagawa ay magdasal, na sana, bukas, ok na.

    TumugonBurahin
  19. Nasabi na nila ang lahat ng mga himutok at hinanakit.

    Mahirap ipaunawa ang mga ganitong pangyayari lalo na't ang nag-iisang buhay ng isang tao ang kapalit.

    para ito sa mga nangungurakot sa kaban ng BAYAN.

    Aba eh, anak naman kayo ng KUPAL, mas makapal pa sa kalyohing palad ang mukha ninyo, HUWAG NAMAN.

    Hindi lang kayo ang tao sa Pilipinas.

    TumugonBurahin
  20. Manalangin na lang tayu sa kapayapaan ng isipan ng mga naulila ng biktima at sana wag na mangyari ulit to sa tin.

    TumugonBurahin
  21. Nakakatakot. Dami na rin nangyayari sa Pinas... totoo lang di ko maiwasan na ikumpara ang bansa natin sa bansa na tinutuluyan ko.

    Kapag nagka-krimen dito..mabilis ang response.. pagnakita mo kung gaano nila kamahal ang mga militar eh gugustuhin mo na din sumali sa militar kahit agaw buhay pa ito..

    makikita mo na ang mga taxes ay may pinupuntahan. Hayyy.,.. hindi ko na lam sa bansa natin... bakit nagiging ganito kadelekado ang bansa natin... pikit bulag lang mga awtoridad na madameng nabubulsa..kabadtrip

    TumugonBurahin
  22. pare grab your photo greeting sa site ko...Happy Bday!

    TumugonBurahin
  23. hay kalungkot. unti-unti na tuloy nawawala ang kumpiyansa ng ma tao dito. andami nang umalis. andami ring naghahangad na umalis.

    TumugonBurahin
  24. Lubha talaga akong nalungkot at nadismaya sa nangyaring pagsabog ng bus. Akalain mo, matagal dumating ang tulong. Tapos, ang nagtutlungan nalang ay iyong mga sugatan at buhay pang mga pasahero. Iyong iba naman eh nakikiusyoso lang. Ang sa akin lang, kung naging mas mabilis pa sana ang pagdating ng tulong, mas maraming buhay pa sana ang nasagip.

    Well, hindi natin alam, siguro matagal dumating ang tulong kasi gitgitan sa kalsada.

    TumugonBurahin
  25. la eh..nabibili kasi hustixa dito sa pinas....
    napnuod ko s tv..mga mukang mbabaet pa naman sana kasu mga demonyo kung mkagwa ng krimen....tsk-tsk!

    TumugonBurahin
  26. dahil sa wala naman ako magagawa...kibit balikat na lang at umaasa na laang na sanay wala ng ganito pang mangyari ulit,sana mahuli ang mga gumagawa ng mga ganitong klaseng kasamaan o di kayay mamatay na lang...

    nakakaiyamot...
    hay pilipinas!!!

    TumugonBurahin
  27. nakakainis na nga ang manood sa mga news kasi laging ganun na lang..kawawa ang mga sundalo kasi ang pera na para sa kanila na ibibili ng mga kagamitan ay hindi napupunta sa kanila..ito ba ang daang matuwid na hangarin ng ating pangulo..

    TumugonBurahin
  28. dahil sa kahirapan,nagagawa ng mga taong ito ang gumawa ng kasamaan..sana, makita ito ng ating pangulo at baguhin ang ating kinalakhang bansa.

    TumugonBurahin
  29. maraming salamat po mga parekoy at marekoy sa inyong mga komento.. hindi ko na po isaisahin dahil halos nasabi nyo na din ang katotohanan.. maraming salamat po muli sa inyo.. cchheerrzz sa ating lahat.. at sana nga, hanggang enero na lang ang balitang ganito..... :)

    TumugonBurahin
  30. sana nga..medyo hindi pa ako maka-recover sa nakita kong balita kanina..yung sunog sa san roque..

    TumugonBurahin