Huwebes, Enero 27, 2011

EDSA DOS


Enero 20, 2001

Matatapos na ang buwan ng enero ay ni hindi ko man lang narinig na ipinagdiwang o ginunita ang araw na ito. Sampung taon na din ang lumipas. Ang EDSA II ang araw na muling nagkaisa at nagsamasama ang pinoy para sa iisang layunin at adhikain. Para sa pagbabagong hinahangad ng bawat pinoy. Nandun na ang diwa, nandun na ang layunin, nandun na ang pangarap. Muling pinatunayan ang lakas at pwersa ng pagkakaisa.  At nagwagi ang sambayanang pilipino.

Pero sino nga ang tunay na nagwagi? Sino ang tunay na talunan?

Hindi akalain ni Juan Dela Cruz na ang pagkakaisang ito ng kanyang sambayan ang umpisa pala ng kanyang mas malalang kalbaryo. Na ang magiging bunga pala ng pagkakapit bisig ng bawat isa ay babaing pandak siyam na taong pagkakawatak watak naman ng sambayanang pilipino, pakikipaglaban para sa sariling buhay, pakikipaglaban sa mas lumalalang kahirapan, at ng harapang katiwalian.

Oo, walang perpekto, lahat naman nagkakamali. Hindi lang ang ang naging bunga ng rebolusyunaryong ito na naging syang dahilan ng mas lalong pagkakalugmok ni Juan, na ngayon ay pilit paring  kapittuko sa kongreso kumakapit sa pwesto ang syang winawalanghiya sinisisi ko. Kundi sinisisi ko ang sarili ko dahil sa akin din mismong paraan, naging bahagi ako ng  pagkakamali, napakalaking pagkakamaling pagkakaisang iyon. Kung sabagay walang nagsisisi sa mangyayari pa lamang.  Paumanhin naman, naghangad din lang ng pagbabago pasa sa akin din mismong kinabukasan.

Tamang hindi na gunitain pa kahit kelan ang anibersaryo nito, hindi na dapat pang ipagdiwang dahil wala akong nalalaman na taong nagselebra ng araw ng kanyang napakalaking pagkakamali at kahihiyan.













30 komento:

  1. hindi ko alam kung lagi bang edsa revolution ang sagot sa mga problema natin sa ating bansa...hay

    parekoy okay na yung comment box.

    TumugonBurahin
  2. kasama din ako dati sa ng punta dun, pero di maki simpatiya at patalsikin si Erap, kundi para sumama sa mga tropa at ma ki usyoso,,hehehe

    TumugonBurahin
  3. Tama k jan parekoy...Practice makes perfect but nobody's perfect so why practice! (laleng pakorny!!jeje)

    @ Adang - kua natatawa aman ako sa dhilan ng yong pagdalo sa edsa dos...waahahaha!

    TumugonBurahin
  4. wow! ang galing parekoy parang history 101 lang...wow hongaling...

    TumugonBurahin
  5. Anong gusto mong ikoment ko? Like na lang.

    Ilang taon ka na Sir?

    May wastong pag-iisip na ako nito nang maganap ang EDSA 2, wasto para sa gulang na makikibaka sa kaniyang sariling pag-unlad pero may nakalimutan akong ibahagi sa bayan. Isa ako sa walang pakialam sa bayan nang mga panahong iyan.

    Katulad ng pag-alala sa EDSA 2, ayaw mo man, bahagi na ng kasaysayan 'yan, may mabuti o walang dulot 'yan, isang pagtitipon 'yan upang kahit sa ganyang pagkakataon, may isang kaluluwa na umasam ng pagbabago, matupad man o hindi.

    Gamiting inspirasyon ang mga mali at huwag itanim sa isip, dahil hindi magbubunga ang pagbabagong ninanais.

    Akin lamang naman. :)

    TumugonBurahin
  6. siguro busy ang lahat sa panonood nang temptation of the wife kaya di na napag usapan yan....hehehehe

    TumugonBurahin
  7. @Kyle - sagot sa ating pagbabago parekoy ay ating sarili mismo.. yun nga lang, sa sarili natin meron tayong paraan subalit sa namumuno sila ang dapat magkaron nyan.

    @Adang - natawa ko sa usyoso hehehe, ikaw na ang usyusero.. juk


    @Lhuloy - ano daw hahaha... salamat atekoy..

    TumugonBurahin
  8. @Riza - salamat ng many.. hystory ba hehehe..



    @Jkulisap - maraming salamat sa komento po, tama ang inyong punto. may husto na din ko pagiisip ng maganap ang rebolusyong yan. sakin ngang sariling paraan nagkaron ako ng partisipasyon, nagnanais din ako noon na ibagsak ang namumuno.. laking tuwa ko ng magtagumpay ang pagkakaisa.. palibahasa noon ramdam na ramdam ang kahirapan, nagnanais na talaga ng pagbabago, subalit ayun nga, sa halip lalong bumagsak ang karamihan sa kabuhayan..

    naisipan ko lang gawan ng entry dahil sa nalalapit na na tunay na edsa rebolusyon na nagdulot sa atin ng demokrasya, tama ka sir, itanim man sa isip ang pagkakamali ay walang maidudulot sa pagbabago nating nais..

    eh sir.. nakakainis lang kasi na hanggang ngayon, hindi mahabol ang bunga ng edsa 2 na yon.. ang TC ni Pnoy na syang ginawa para sa pagimbestiga ng katiwalian sa ilalim ng pamumuno ng dating presidente, naharang pa ng dati nyang galamay, patunay lang na malakas pa sa kapit sa pwesto di po ba? ito ay akin ding pananaw lamang.. salamat sir.. kayo ang idol ko hehehe...

    cchheerrzz

    TumugonBurahin
  9. @Jobo - hehehe temptation of wife.. kinahuhumalingan at ipinagmamalaki ng pinoy, gawa ng ibang bansa.. tsk tsk... wala lang parekoy, napansin ko lang..:)

    salamat parekoy...

    TumugonBurahin
  10. di na dapat sinelebrasa yan,,,

    nabalewala din lahat ang pagkakaisang naganap nung nakalipas sa sobrang pang aabuso s kapangyarihan ng pandak na babae gaya ng yung tinuran...:)

    gandang hapon parekoy!!!


    cheerrrzzzz!!!

    TumugonBurahin
  11. Walang threaded comment dito ano? Suggest mo sa pamunuan ng blogspot,malay natin.

    Sige dito na lang.

    Tama ka, mahabang taon ang siyam na taon para sa isang pinuno.

    Personal mo bang kakilala si Ginang Gloria Arroyo? Ako hindi, maging si Presidente Noynoy, hindi ko sila personal na kakilala.

    Ano ba ang pinupunto ko? Nakatuon kasi ang ating paghusga sa kung alin ang MALI sa ating paningin. Kapag doon itinuon ang ating obserbasyon, nahihirapang pasukin ng ating isip yong tamang nagawa halimbawa ni Ginang Arroyo, kung hindi siya naging kaaaya-ayang pinuno, meron pa ring nagawang mabuti iyan. Nakarating tayo sa ganitong taon, may demokrasiya pa rin naman.

    Aking napagtanto na ang pagbabago nating hinahanap ay wala kay Gloria, kay Noynoy, kay Efren o kay Charice.

    Nasa ating mga sarili. Inaamin ko, puro ako ngawa, eh ano ba ang aking ambag sa aking pamayanan?

    'Yong taga ibang bansa, dito pumupunta kasi kahit papano MALAYA sila, pag malaya, may silid sa KASIYAHAN, sa kapayapaan.

    Yong mga nasa pamunuan, TAO yan, dapat nilang baguhin ang kanilang SARILI.

    Kapag nangyari 'yan, mababawasan ang mga ingay na ginagawa natin.

    isang singkong duling ito. :)

    TumugonBurahin
  12. @Jay rules - salamat parekoy sa pagdaan... cchheerrsss

    TumugonBurahin
  13. @JKulisap - maraming salamat ulit sir sa inyong opinyon.. tama po ang lahat ng inyong sinabi.. at nakuha ko ang inyong punto.. mali talaga ang manghusga lalo na at hindi natin kakilala lalo na kung personal. May entry ako tungkol po jan.

    Ang ating dating presidente ay hindi ko personal na kilala, subalit dahil public figure sya, walang hindi nakakakilala sa kanya. Tama din po, may nagawa din naman mabuti siya sa ating bansa, subalit dahil na din po sa sunod sunod na iskandlo na kinabilangan ng kanyang pamilya, natatabunan ang kung ano man ang nagawa nya, malaki ang epekto nito sa kanyang pamumuno.

    inaamin ko din, puro din ako ngawa, ano din ba ang naging silbi ko o naging kontribusyon ko sa bayan.. pero bilang sa aking sarili, malaki din naman, hindi ako tumutulong sa pagsugpo ng kriminalidad, pero hindi din naman ako nagiging dahilan ng krimen na iyan. Ang isa kong boto, malaki ang naging bahagi, isang dakila din ako taxpayer hehe, sa simpleng paraan na iyan na hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin, may nagawa na din naman ako. sir, gatuldok lamang kumapara sa nakakarami.

    Ang aking nasulat sir, tulad din na nasabi ko ay paraan ko lamang upang mailabas ang kung anong aking naiisip at nararamadaman, nakadepende sa magbabasa ang kanilang reaskyon. maaring nagkamali ako, pero maari ding tama depende nga po sa pagkakaunawa ng nagbabasa..

    salamat sir.. isang karangalan sir ang inyong komento sa akin..

    mabuti pa sir kata'y maginuman hehehe.. salamat ng madami talaga sir... :)

    TumugonBurahin
  14. na-iistress ako sa usapan niyo ni kulisap dre. Nanliliit din dahil.. una hindi ako bumoto sa unang pagkakataon na pwede akong bumoto. Halos wala nga akong paki sa bayan natin eh. Ang sama kong tao.

    Halos hindi nga ako maka-relate sa EDSA II eh. Halos wala nga akong paki nung namatay si Cory eh. Halos wala akong paki sa bayan. ANg sama ko. At totoo lang ngayon ko lang na-realize yun. Sa pagbabasa ko sa usapan nyo ni kulisap..parang wala akong mabibigay na matinong komento patungkol sa EDSA II.

    Bagamat alam ko dre na hindi lahat pwede natin isisi sa gobyerno, na hindi lang gobyerno ang may kasalanan ng lubog na buhay natin sa pinas.

    Bawat mamamayan may ginagawa kaya unti-unti tayong lumulubog.

    Naisip ko lang, sige bawat mamamayanan eh maging concern sa bayan, pero hawak pa rin ng awtoridad ang pag-control. Ewan. Malabo ako pagdating sa politics. Halos di nga ako nanunuod ng balita eh

    TumugonBurahin
  15. @Kamila - napurol ang utak ko sa husay ni sir Jkulisap... ayun marekoy, sa kahit na anong paraan naman, sinasadya man o hindi eh marami na din tayong naging pertispasyon sa ating kinabibilangan.. hindi mo lang napapansin dahil hindi namn duon nakatuon ang isip mo. naku, napapalalim ako, nadali ako ng talas ng isip ni sir kulisap.. hehehe

    TumugonBurahin
  16. lasing ba tayo dre??? alam ko tuwing lasing lang ako nakikipag-usap tungkol sa politiko eh

    TumugonBurahin
  17. sige ayaw nang temptation of wife...mara clara na lang pinoy na pinoy....kaya di naalala ang edsa dos ay dahil kainitan nang awayan nina mara at clara hehehe

    TumugonBurahin
  18. @kamila - hahaha..kung ganon lasing ka nga marekoy hehehe.. sana niyaya mo ko...:)

    TumugonBurahin
  19. @Jobo - hahaha, palabas pa ba ngayon un, naku pasensya parekoy at akoy kapuso.. kund ako nagkakamali eh, kapamilya ang mara clara..:)

    TumugonBurahin
  20. Nakaka-relate ako kay kamila. Kung hindi ka nag-post patungkol sa edsa dos ay hindi ko ito maaalala. Ang totoo nga niyan ay hindi ko makuhang matandaan kung ano ang petsa nung naganap ang edsa dos, maging ang edsa uno ay di ko maalala.

    Ako ay wala talagang pinapanigan ukol sa labanan sa pulitika. Nung huling eleksyon ang tanging nasagot ko lang kung may magtatanong sa akin kung sino ang aking presidente (kahit na di pa ako pwedeng bumoto nung taong iyon) ay "Kahit sino pwede."

    Marahil ay ang pagkakamali ay nasa gobyerno ngunit aking napagtantuhan na tayo ay mayroon ding partisipasyon sa yaong pagkakamali hindi lamang sa pagboto kundi maging ang hindi pagiging bahagi sa pagbabago. Ika nga "kung ikaw ay hindi parte ng solusyon, ikaw ay bahagi ng problema."

    Marahil ay iilan pa rin ang mga taong katulad ko. Nais ko talagang maging bahagi pero wala sa akin ang yung tinatawag na "apoy."

    TumugonBurahin
  21. Nakakahiya talaga...ako personally, during ng EII I have a wrong feelings na towards it...at yun nga nangyari na...buti naalala mo pa ito...hindi kasi remarkable sa akin lolz! sana maubos na yang mga buwaya na yan nakakaumay na kasi to the extent na nawawalan n ako ng pag-asa...ipinapasa Diyos ko na lng ang lahat...

    nakitambay saglit hehehe...

    TumugonBurahin
  22. hindi naman dapat to ipagdiwang. opinyon ko lang. hehehehe. hindi naman kasi karapat-dapat si GMA na umupo dati bilang pangulo. oo nga't madami syang nagawang infrastructure pero mataas din ang corruption sa administrasyon nya

    TumugonBurahin
  23. hala mabuhay kayong pumunta dun..w aheheh ako kasi eh grade 6 pa nung nagkaedsa 2 wahehehe

    TumugonBurahin
  24. napraning naman ako sa mga komento dito.
    Ang hahahaba na, di pa ko makarelate. toinks!

    Anu bang alam ko sa edsa?
    Pagkakatanda ko e grade school ako noon.

    sang ayon ako kay kris-tian.
    Gusto ko makibahagi sa pamyanang ginagalawan ko.
    ngunit kulang ang pag-aalab na gawin ito.
    At dahil na din busy ako. hahaha

    Valentines day na lang icelebrate natin! haha

    TumugonBurahin
  25. Ika nga nila kung wala na rin lang naman akong mabuting sasabihin... manahimik na lang ako... kaya di ako magcocomment...lol... Pero natawa ako sa "babaing pandak" Lol... alam na! hehehehehehe

    TumugonBurahin
  26. Grabe Banjo, ang tagal kong hindi nakatambay dito sa tambayan mo.

    EDSA II was never a revolution, it was a destructive plot manufactured by huge businessmen who exploited the poor to oust Estrada. Kung tutuusin, I'm also an anti-Erap during the time, but it was merely unconstitutional to use the legacy of EDSA revolution to oust a president.

    Buti naman at hindi na nace-celebrate ito ngayon.

    Magandang araw parekoy! :)

    TumugonBurahin
  27. -panggulo ang mga comment ko pero dahil nagtanong ka sasagot ako....OO palabas pa rin ang mara clara sa kapamilya stattion...

    TumugonBurahin
  28. EDSA is not a practice of Democracy but a manifestation of Filipinos indecisiveness and lack of discipline :P

    TumugonBurahin
  29. tama si mr chan... bi agree with him...

    hindi na kaialangan pa ipagdiwang...

    TumugonBurahin
  30. oo nga naman.. sino bang magaakalang mas malala pa ang humahalili.. hmmp.. you've got some mad skill here man. One of the coolest blogger. Indeed.. pasenxia poh kunti lang ang tagalog koh.. but anyway, thanks for sharing.. i stumbled upon an interesting article you may want to check - Happiness

    TumugonBurahin