Miyerkules, Enero 05, 2011

YANA

Nangyari ito last year after ng Christmas Party namin (di ko na nai post dahil busy ako sa lintik na auditor na yan, year end reporting kasi). Itong kumparekoy, palibhasa isang way lang ang aming dadaanan, nag ayang tumambay sa bahay aliwan. At ang walang magawa, sumama naman, eh libre eh. sayang naman.

Dito ko nakilala si Yana (syempre hindi tunay na pangalan), isang GRO na napili ko hmmm hindi ko sasabihing napili ko i-table kundi napili ko para makausap. Oo, ang istambay, kahit na SM (simpleng manyak) lang, may paggalang sa kababaihan (maliban lang dun sa pandak). VIP yan so ibig sabihin, kami lang dalawa sa loob ng room (wag masyado maglilikot ang isip ha). Since libre ito ni parekoy, 1000 pesoses gad 6 ladys drinks at isa para sakin kaya oks lang. Ang ganda ni Yana, palong palo ang katawan, ang ikli ng kasuotan, mapang-akit at dahil panahon ng taglamig, makikita mong nagtatayuan ang kanyang balahibo sa ginaw, dito napukaw ang aking pusong mamon. Hinubad ko jacket ko at binigay ko sa kanya. Kwentuhan muna kami ni Yana. Palibahasa alam kong sanay sa bolahan sila, nakibola lang din ako.. pero dumating sa puntong nagseryoso kami ng usapan ni Yana.

May anak si Yana, 8 months na sanggol, isang buwan pa lang sya sa ganong klase ng trabaho. Walang choice na matrabaho kundi ung ganong klase, dahil na din sa kahirapan, sa taas ng bilihin, sa laki ng gastusin, nagiisang magulang na magtataguyod sa kanyang anak, walang pinag aralan at may malaking responsibilidad, sa kagustuhang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak sa patas na laban, walang lamangan at walang inaapakan,  dahil na din sa kanyang kapaligiran, at higit sa lahat ng dahil na din sa malawakang kurakutang ginagawa ng mga nakaupo sa pwesto. Oo, iyan ang may malaking bahagi ng kadahilanan bakit ang daming dukha na hindi na makaahon sa kahirapan, pilit nagsusumikap at nakikipaglaban sa hamon ng buhay na nilalamon ng bulok na sistema na ating kinabibilangan.  Napagkwentuhan namin ang buong buhay nya, ramdam ko ang katotohanan sa kanyang sinabi, nawala ang kalibugang bumalot sakin pagpasok pa lang ng kwarto, naawa ako sa kanya.. oo seksi, makalaglag brief ang kagandahan, kung tumitig at makatingin at talagang  tatagos sa kahindigan ng bawat lalaki, pero ako hindi tinablan, sa likod ng kanyang mga titig na iyon, nakikita ko ang paghihirap na kanyang nararamdaman. Sino ba naman sa atin ang may gustong sa konting halaga lang ay ibibilad na ang katawan, babastusin na kung sino. Wala akong nalalaman, nagagawa lang nila ang ganito dahil sa sobrang pangangailangan.  Ang nangyari ng oras na iyon, ako na ang uminom ng drinks nya. Pinaorder ko pa sya at ako pa din ang uminom. Dahil si parekoy ay nageenjoy ng todo at iniintay ko na lang sila matapos. Pinatulog ko na lang si Yana. Napansin ko tumutulo ang kanyang luha. Nang dahil na din saking mga sinabi sa kanya, hindi tamang wala tayong pagpipilian, nasa diskarte lang yan sa pagharap sa pagsubok at problema sa ating buhay.

Natapos din si parekoy, kinuha ko ang cheat namin ni Yana, humingi ako ng pera kay kumparekoy, nilabisan ko pa. Lahat ng sukli, binigay ko kay Yana, and since libre lang ito ni parekoy, dumukot din ako sa aking bulsa. Laking pasasalamat ni Yana sakin. Sabi ko na lang, ako na lang sana ang huling lalaki na makausap nya sa lugar na iyon.






Kanina kausap ko lamang si Yana, tumawag dito sa opisina, nasa directory kasi ang Number ng company namin, hindi na nga sya bumalik sa bahay na iyon, at ako na nga ang huling lalaking nakausap nya. Nandun nga sya sa SM, for interview na sa posisyon na kanyan inaaplayan. (Dahil na din sa tulong ko syempre, hindi na patas ang laban eh.)

Hindi tamang humusga tayo batay sa kilos at pananamit ng isang tao, sa klase ng trabaho, sa paraan ng pananalita. Unang una, hindi tayo JUDGE para humusga. Hindi rin tamang sabihin na "sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung sino ka". Para sakin, Ogag ang nakaimbento ng wikain na ito. Wala tayong karapatang humusga sa ating kapwa.

26 (na) komento:

  1. mga may bagay na ganun.. ang mundong ating ginagalawan ang di perpekto, maraming mata na laging nakamasid na anino'y kakainin ka sa kanilang mapanghusgang mata... may punto sa bawat bagay na sinsabi mo, sang-ayon ako dun. ngunit kailan nila gawin yun para sa kanilang pamilya... :D
    im happir for yana sa pagbabago sa kanyang buhay :D

    Imba much.. :D

    TumugonBurahin
  2. Syempre walang sinuman ang pwedeng magjudge sa atin. Maaaring may kanya kanya tayong opinion pero importanteng malaman ang tunay na dahilan kung bakit ang isang tao ay nasa ganung sitwasyon... Gayunpaman, tama ka! Lahat tayo may choice... nasa sa atin kung ano ang mas pipiliin natin at sa diskarte nga... hehehehehhehe

    TumugonBurahin
  3. ang galingng pagkagawa... tama dapat talaga di tayo humusga ng di kilala lalong-lalo na sa mga taong mas mababa o mas mataas pa sa atin...

    TumugonBurahin
  4. @axl - di ko akalain na may matutulungan ako hahaha.. minsan lang nakatambay sa ganong lugar... salamts parekoy

    TumugonBurahin
  5. @Xprosaic - May tama ka parekoy.. nasa diskarte lang yan, kahit na anong paraan ang gawin kung mahina ang diskarte wala din.. salamat sa pagdaan parekoy

    TumugonBurahin
  6. @Kikomax - Korak parekoy, walang mataas walang mababa.. pantay lang dapat.. salamat din parekoy

    TumugonBurahin
  7. Nice one :-D Ikaw ang ehemplo ng tunay na adan nang ating panahon. Hirap nun ah dalawa lang kayo sa kwarto hihihihi

    TumugonBurahin
  8. @jepoy - salamat at napadaan ka din sa munting bahay.. hirap talaga pero tinamaan ng seryosong usapan hahaha. wala eh, may paggalang pa din kahit SM lang haha.. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  9. natouch naman ako sa post mong ito... matching with tears....

    ambait mo istambaY!!! isa ka sa mga susunod na yapak sa mataas na pamahalaan (ano daw?)

    isa kang mabuting ehemplo brad!!!!

    nakakatuwa at di na bumalik pa si Yana.. mapuntahan nga siya sa SM.. san SM yan?? Bacoor/Dasma or ROsario?? hahaha joke!!!

    TumugonBurahin
  10. @Egg.. hahaha, hula hula.. sa SM dasma, pero mahirap kilalanin, pero alam ko tunay nya name hahaha.. magkikita din kami nun... salamats parekoy

    TumugonBurahin
  11. wow ambaet naman ni banjo! hehe

    well, sa mundo kailangan malakas ang loob mo! wag magpapa-apekto sa iba :)

    keep up the good work.

    TumugonBurahin
  12. @MR chan - tama parekoy, wag papaapekto kahit na apektado, dumiskarte ng tama.. hahaha.. maraming salamat po sa inyong pagbisita parekoy..

    TumugonBurahin
  13. Waaaaah grabe... tatsing tatsing... x(

    para matanggal siya sa ganung klase ng trabaho at matanggap sa SM.. wah ang laking bagay nun ah?? grabe... sobrang grabe... pwede mo din ba ako ipasok sa SM.. joke..

    pero sobra.. parang biktima din siya... buti wala na siya dun...

    TumugonBurahin
  14. pagpapalain ka ng maykapal ng lubos lubos!

    salamat sa isang tulad mong istambay!

    pinatunayan mong may natitirang pang mabubuting tao s amundo! lol

    samatani uno.... PANALO KA ISTAMBAY!

    TumugonBurahin
  15. tama ka Istambay! tama ka! at dahil dyan saludo ako sa'yo...^_^ mabuhay ka!

    TumugonBurahin
  16. Ganun naman talaga ang buhay, up and down. Inspirasyon ang post na ito a mga tulad ko.. Maraming saamat..

    TumugonBurahin
  17. @Kamila - Oo, naantig lang ang puso ko dahil sa isang ina pala sya.. tsk tsk.. kung dalaga lang.. wapak hahaha. naututuwa lang ako, sa simpleng paraan nakatulong naman.

    @uno - salamat po, panalo naman tayo lahatm, walang talo. salamat po ulit ng madami

    TumugonBurahin
  18. @Riza - uy ang taga panabo dumaan, isang karangalan. salamats po

    @Tim - Salamat parekoy, nakaktuwang isipin na may sense pala ang sinusulat ko hahaha..


    maraming maraming salamat po sa inyo lahat..

    TumugonBurahin
  19. uie welcome hehe - teka lang nang-aasar ka ba?! ha? sabihin mo lang...

    p.s. nag iba lang profile pic ko...ako pa rin si tiza ng panabo...=)

    TumugonBurahin
  20. @riza - hindi kaya haha.. true no, lahat naman para sa akin ay isang karangalan ang madaanan ang aking bahay ng aking mga kaibigan.. (nu daw) haha...

    TumugonBurahin
  21. isa kang ehemplo sa lipunan..sana lahat ng ng pupunta sa mga ganyan kagayamo...pero dinga walang ng yari :)

    TumugonBurahin
  22. unang bisita ko rito parekoy pero akoy napahanga mo sa iyong ginawa. magaling. saludo ko sayo. ^^
    sana maging magkaibigan tayo. ^^

    TumugonBurahin
  23. akala ko 1000 pesos for 6 ladies hahaha ladies drink pala hehehe...

    O dba tumambay ka lang dun sa bahay aliwan nakatulong ka pa...galing naman...hangad ko na sana makapasok si Yana sa inaaplayan niya...


    Happy New Year!

    TumugonBurahin
  24. @Adang - ako daw ba haha.. pero parekoy, wala talaga.. nangibabaw ang kabaitan eh hahaha.. salamat parekoy

    @Lhan - salamat parekoy, sure na sure.. dadalas din ang pagdalaw ko sa iyong bahay.. salamat ulit kaibigan parekoy

    @Jag - oo nga, di ko akalain na makakatulong ako, una kalibugan ang ang nasa isip ko hahaha.. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  25. natouch nanaman sa umaatikabong ganda ng iyong panulat..kahanga hanga ka istambay..

    from now on..fan muna ako..

    :))

    GBU..!!!

    TumugonBurahin