Martes, Enero 18, 2011

KAWALAN

May mga bagay talaga na kahit anong gawin mo, anong pag-unawa ang gawin mo ay hindi mo maintindihan. Hindi naman kasi lahat ng nakikita mo ay iyo ng paniniwalaan at hindi lahat ng pinaniniwalaan mo ay naiinitidihan mo.

Patuloy pa din akong tumatahak sa daan na hindi ko pa alam ang patutunguhan. Nangangapa sa liwanag subalit may kadiliman. Nawawala sa sarili, namumulot ng bawat piyesa na nadadaanan saking paglalakbay, paglalakbay kung saan hindi ko alam kung saan nasimulan at kung saan ang patutunguhan. Umaasang sa bawat piyesa na mapapagdikit, may mabuong palatandaan, malaman ang dahilan, marating ang dulo ng daan na tila ba walang hanggan.

Nakakapagod, sumasakit na ang ulo ko, pakiramdam ko ba walang laman ang isip ko, laging kawalan. Gumagaan lang ang damdamin sa aking pamamahinga, naiidlip, doon namamalayan ko na lang, tapos na ang aking paglalakbay. Ang daming kong kasama, mga imposibleng bagay, nangyayari, simpleng pangarap natutupad, nararating ko ang lugar kung saan ang bulag nakakakita, kung saan ang pilay nakakalakad, kung saan ang tao nagagawang lumipad, malaya, malayo sa problema, masaya ang bawat nilalang, puno ng pagasa.

Ayaw kong mapikit, ayaw kong gumising subalit liwananag ng sikat ng araw ang nagbalik saking kamalayan. Babalik na naman ako sa kantotohanan, mahabang paglalakbay, wala na namang katiyakan. Aasa na naman na makapulot ng bawat pyesa na syang bubuo sa palatandaan. Umaasang may masalubong upang mapagtanungan. Alam kong maraming balakid, madaming temptasyon, madaming unos pa sa aking hinaharap at sa aking dadaanan.

Ayaw kong dumating ako sa puntong hindi ko na kaya, nanghihina, walang kinahinatnan.

Alam kong walang makakaintindi sa akin, dahil mismong sarili ko hindi ko rin maintindihan.





***
Nagugutom din ang ating kaluluwa, at dasal/panalangin ang kanilang pagkain.
Sa mga pagkakataong halos parang tayo ay nasa kawalan, hindi alam ang silbi sa buhay, walang alam na pupuntahan. SIYA lang ang ating kailangan.

43 komento:

  1. minsan kailangan mo pumunta sa isang lugar kung saan pude ka mag isip ng tama sa mga bagay bagay o magdasal sa itaas para ikaw ay kanyang gabayan :D

    TumugonBurahin
  2. tama! nagugutom talaga ang ating kaluluwa. minsan naisip ko mas maigi nang magutom ng mas maaga ang ating kaluluwa upang may oras pa itong hanapin ang pagkain niya. napakahirap kasi kung sa huli pa natin to marerealize kapag matanda na tayo.

    busog nga ang ating katawang lupa pero mamamatay naman sa gutom ang ating kaluluwa.

    TumugonBurahin
  3. @Axl - korek.. ung peaceful na lugar para makapag isip..


    @Kyle - Tama din, madalas magnyari kung kelan nasa huli na ng bahagi ng buhay, dun lang humihingi ng tawad, at nalilimutan pa magpasalamat diba? Karamihan na din sa atin, nalilimutan na magdasal. Hindi naman mapili ang kaluluwa natin sa pagkain, pasasalamat lang at paghingi ng tawad sa TAAS eh ok na..

    TumugonBurahin
  4. ang lalim. di ko nagets...

    matalinhaga ka banjo....

    TumugonBurahin
  5. kaluluwa mo ba 'yang nagsasalita...? kung ganun mag meditate ka ulit..hehe


    yeah i know---not helping...T_T

    TumugonBurahin
  6. tuloy mo lang ang paglalakbay...wag matakot o mapagod. pasasaan pa't mapupulot mo rin ang tamang piyesa na gusto mo. :)

    TumugonBurahin
  7. @EgG - puntoko lang jan, sa sandaling halos down na down na tayo, SIYA lang ang makaktulong satin at syempre atin ding sarili. Pero iintayin pa ba natin na dumating tayo sa puntong yan ng buhay para lang makaalala sa KANYA diba? simple lang naman, always pray... salamat parekoy.. cccheeerrrzzz

    TumugonBurahin
  8. @Riza - hahaha, alter ego din kaya? weh.. kung ano ano ng naiisip ng tambay.. salamat marekoy


    @Empi - salamat parekoy... ccchheeerrrzzz

    TumugonBurahin
  9. Yun talaga! minsan walang ibang makakapitan kundi Siya lang... hehehehehehehe

    TumugonBurahin
  10. SA MATA NG MGA TAONG MARAMING GINAGAWA, LANGIT NA ANG PAGTAMBAY.
    ANG HINDI NILA ALAM, MAS NAKAKAPAGOD ANG PAGTAMBAY. MAS MALAYO ANG NARARATING NG ISIPAN NG ISANG NAKA-ISTAMBAY. SA PAGMAMASID LAMANG SA MGA DUMARAAN, MAS NAKIKILALA SILA NG ISANG TAMBAY.
    AT ISA PA, MAS MARAMING BOOGER SA MESANG INUUPUAN NG ISTAMBAY ;)
    LIKE YOUR EMO.
    IBUHOS MO PA.

    TumugonBurahin
  11. walng pag kain na nabibili para sa kaluluwa...
    pero may magagwa tayo para paka inin eto..
    andyan...si Bro...

    TumugonBurahin
  12. @Xprosaic - Lagi parekoy hehe.. nalilimutan nga lang.. salamat


    @DEMIGOD - ayun o, parekoy, salamat at napabisita. at tama ka parekoy, ang isang tambay, ang daming nakikita. ang daming napapansin.. chheerrrzz parekoy


    @Adang - OO parekoy, sa katawang lupa natin, ibat iba gustong kainin.. pero sa ating kaluluwa, isa lang naman eh, ang panalangin.. salamat sa pagdaan parekoy, wag kakalimutan hehehe..

    TumugonBurahin
  13. pare..whatever God does He does it so well. Tuloy mo lang yan, kasama mo ang Diyos sa paglalakbay!

    TumugonBurahin
  14. hi may award ka sa'kin dito sa tanggapin mo ng maluwag sa iyong puso T_T

    http://rizadnoypi.blogspot.com/2011/01/ang-7-kung-katangian-na-alam-kong-wala.html

    TumugonBurahin
  15. @Moks - Salamat parekoy.. tuloy ang talaga ang haybu.



    @Riza - ayun o, ay maraming salamat naman.. na touch ako.. pero pano ba yan hahaha (inosenteng inosente ko sa blog hehehe)

    TumugonBurahin
  16. Isang magandang lathala kaibigan. Ang bawat titik sa akdang ito at ang buong mensahe ay nakapagbigay ng liwanag sa aking madilim na kamalayan

    TumugonBurahin
  17. God will lead you. Hindi mo man alam ngaun pero alam kong maganda ang plano ng Dyos sayo.

    TumugonBurahin
  18. @Joey - salamat naman.. cchheeerrzzz tayo


    @Arvin - Korek po... salamat din sa pagdaan at pagiwan ng bakas..

    TumugonBurahin
  19. nalunod ako sa lalim nun huh?!hahaha

    TumugonBurahin
  20. nice post..:)..pero bakit kasi nagpupumilit tayong mga tao na intindihin ang sarili... pwede nmn ata na hindi na lng...

    sabi nga ng isang writer: "Isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

    so kung anu man ang problema at hindi alam ang gagawin....hinto ka muna..pumikit...manalangin... at magpatuloy muli... :)

    TumugonBurahin
  21. which shows, that it's time for you to strengthen your faith to God, now is the time to seek God's help, this is the part of your life wherein you wanted to give up, but before you'd do, God would only want you to believe in him, to be faithful and to accept him as your one and only God....

    haba ba? hehe sorry much

    :)

    TumugonBurahin
  22. i know the feeling..
    kasalukuyan akong nakikipagbuno sa malalakas na alon ng buhay.. pero tulad ng sinabi mo sa akin sa mga nakaraang entry ko.. kapit lang diba? kaya kumapit ka lang din..

    and it really helps.. goin some place where u can sit, relax and reflect on things.



    http://twitchylife.wordpress.com

    TumugonBurahin
  23. nakuh parekoy relate na relate ako sa post mo hehehe ganon at ganon nga naman ang pakiramdam ko... nosebleed ako sa tagalog mo. hehehe its better to let our soul speak than our mind.

    TumugonBurahin
  24. We will run and not grow weary, for our God will be our strength. And we will fly like the eagle. We will rise again.

    Wag na wag kang magsasawa. Dahil kahit anong mangyari, nanjan lang si Lordy :) hinde ka nag-iisa sa iyong paglalakbay. Marami kang kasabay. Kami ang iyong mga kasabay :)

    nice :)

    TumugonBurahin
  25. malalim ang post na ito, wala akong dalang oxygen nung sumisid ako. joke. :P

    magandang post. isa sa magagandang nabasa ko sa linggong ito.

    maraming tanong... mahirap sagutin. ganyan talaga minsan, ganyan din ako. may mga tanong na tanging panahon lang ang makakasagot. kailangan nating sumunod sa agos. sa agos kung saan kasama ang Panginoon. katulad ko, kelangan mo din sigurong mag-soul searching. tara sa calaruega kuya! :)

    TumugonBurahin
  26. wow. ang ganda sir:)
    this blog is worth reading.
    inspiring.
    5 stars for you.

    TumugonBurahin
  27. sabi daw nila, ikaw mismo hindi mo kayang 100% kilalalin ang sarili mo. pero kaya mo daw intindihin.

    ang weird nito, pero ganun talaga. journey naman ang buhay sa place na walang makakapagsabi kung ano. well, ayoko pagusapan ang faith kasi complicated ang point of view ko diyan. i like this post. napaisip ako.

    TumugonBurahin
  28. yun--learn to love yourself more and you will not be able to do that if you can satisfy the basic need to understand yourself. kaya mo yan. basta. keep pushing.keep walking.wag kang bibitaw

    TumugonBurahin
  29. Nagugutom din ang ating kaluluwa, at dasal/panalangin ang kanilang pagkain.
    Sa mga pagkakataong halos parang tayo ay nasa kawalan, hindi alam ang silbi sa buhay, walang alam na pupuntahan. SIYA lang ang ating kailangan.


    AMEN! totoo.. pero minsan wag nating hayaang magutom ang kaluluwa naten bago lang lumapit sa Kanya.. gutom ka man o hindi lagi lang Siya anjan para sayo...


    kung ano mang pinagdadaaanan mo parekoy.. maayos din yan.. :)

    TumugonBurahin
  30. i guess u nid to reflect on things na bumabagabag sau.. somwetimes we need to catch up on rweflecting on ourself because of the fast phase life is giving us.. a time to reflect a time to think para malaman natin anu b dapat gwin..


    keep pondering parekoy :)

    TumugonBurahin
  31. time to reflect bro. kailangan din natin yan. i have been that situation, dasal ka lang lagi.

    time to heal, give time to God.

    TumugonBurahin
  32. @Cheenee Kokak - ang lalim ba masyado? hehehe salamat po


    @Supergulaman - may mga pagkakataon talaga na mismong sarili eh hindi maintindihan.. salamat perakoy sa advice.. acknowledge po yan.. thanks thanks thanks


    @Aurelious - salamat parekoy.. korek


    @Yanah - Ikaw din ba? parehas pala tayo.. basta keep on going lang diba? salamats ng many

    TumugonBurahin
  33. @POY - ang emotero hehehe, lalim ba ng tagalog, jan ko dinadaan, hindi ko sa ingles eh hehehe.. salamat parekoy


    @Nowitzki - tama parekoy, sa lahat ng oras may kasama tayo, akala lang natin wala.. jan si Lordy, always nakasubaybay...


    @rainbow - salamat marekoy, sige tara sa kalaruega hahaha.. at kuya naman ito oh.. diba hindi ko alam ang kanta.. cchheerrrrzzz (post mo ba yun)

    TumugonBurahin
  34. @HouseBoy - ayun o, napadaan.. salamat parekoy sa pagdaan sa bahay.. thanks thanks ng many


    @Nyabachoi - wierd ba hehehe.. oo nga marekoy, hindi ko din naintindihan yan hehehe Juk
    salamat mare..


    @Pusang kalye - thanks mo ng many.. acknowledge po yan.. ccchhheeerrrzzz


    @Neneng - ang bulalo, nakita ko din hehehe.. thanks na many marekoy.. salamat ha..

    TumugonBurahin
  35. @Rico de buco - tama parekoy, salamat ng many


    @Ka-swak - thanks din parekoy... kakadaan ko lang sa bahay mo.. ccchhheerrrzzzz

    TumugonBurahin
  36. wow..ang galing mung mgpalwak
    ng mga slita...mhusay..(n_n)

    TumugonBurahin
  37. magbabasura??? ahahaha juklang!

    kausapin mo SYA pag may problema ka..kahit di sya sumasagot ng literal eh nakakagaan ng loob! wag kang panghinaan..lahat ng problema na dumadating eh may rason kung bakit binigay...para lumakas ka pa sa mga susunod na hamon!=)

    TumugonBurahin
  38. wag tayo mahihiyang kausapin Siya, at bilang isang Ama, handa Siyang makinig palagi sa ating mga kwento. Alam niya kung ano ang daang tinatahak natin sa kasalukuyan at tatahakin pa sa mga susunod na araw. hawak lang tayo sa kamay Niya.. dadalhin Niya tayo sa tamang landas ng buhay. :)

    tulad nga ng sinabi ko sa latest post ko, let's celebrate life!

    cheers Amigo!

    TumugonBurahin
  39. Amen chong.. sa lahat naman talaga ng bagay SIya ang takbuhan pero huwag sanang gawin lang natin Siyang takbuhan lang.. Kahit walang prob kausapin natin Siya...

    TumugonBurahin
  40. @Lhuloy - salamat sa pagbisita at pag iwan ng bakas, sa uulitin ha.. :)


    @Pokwang - uy wholesome hehehe.. juk.. salamat atekoy...


    @Suplado - korek parekoy, be happy always, enjoy life hehe... chhheerrzzz


    @Kiko - Amen, hehehe... salamat ng madami... tama parekoy...

    TumugonBurahin
  41. Ang galing mo magsulat. Sana malaman mo ang hinahanap mo.

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  42. Kantotohanan= katotohanan marahil iyon.

    Makapangyarihan ang iyong kaisipan Banjo, hindi ka nakukuntento sa kung ano lamang ang ibinibigay sayo ng lipunan, pinagyayaman mo ito at pinanatiling nakatira sa iyong isip, doon mo sila bibigyan ng kulay o minsan pa'y bibigyan mo ng buhay ang mga pangyayaring iyan. Mayaman din ang iyong kaisipan, subalit minsan sa sobrang dami ng laman, hindi na natin kaya pang ilarawan ang alin ang dapat, kaya tama rin na sa mga pagkakataong ganyan, ay ipamalas ang pagninilay, ang mamahinga at taimtim na kumausap sa hindi nakikita subalit damang dama ang presensya.

    :)

    TumugonBurahin