Sabado, Enero 22, 2011

ANG GUSALI AT ANG SIYAM NA PALAPAG

Ilang taon na din ako nawalay sa aking mga magulang, nakipagsapalaran para sa aming ikabubuhay, at eto dumating na din ang araw na aking hinihintay, ang aking pagbabalik sa aking lupang pinagmulan. Sa aking pagtahak sa daan pauwi, tila yata ako ay naliligaw, subalit tanda ko pa, ito ang daan patungo sa amin. Wala naman akong mapagtanungan, sa patuloy kong paglalakbay, may nakita ako na isang gusali. Tumigil ako at umasang may makakausap man lang.

Pumasok ako sa loob ng gusali, sa unang palapag,  puno ng naggagandahang palamuti, kumpleto ang ang gamit at halos lahat ay bago. Ang hapag puno ng pagkain.. Magandang simula para sa isang pagbabago. Pero walang tao.. wala akong mapapagtanungan..

May nakita kong hagdan at aking inakyat, hmmm.. ikalawang palapag.. mangilan ngilan na lang ang gamit. TV na lang yata ang natitira, at ibang gamit sa kusina na hindi pa nahuhugasan. Nabuhayan ako ng loob dahil meron na kong mapapagtanungan. Subalit wala din tao. Sa aking pagmamasid, may nakita ulit ako na hagdan. Akin muli itong inakyat at narating ang ikatlong palapag.

Walang laman, walang gamit subalit halatang may tumira na dito. Sa loob ng silid na iyon, napansin ko ang isang kabinet, aking binuksan at sira sirang damit lang ang aking nakita. Hagdan ulit, ilang palapag ba meron ang gusaling ito?

Inakyat muli at sa ikaapat na palapag, hindi ko inaasahan.. mistulang pinagnakawan ang silid na ito. Puro sulat ang pader, sira sira at kupas ang pintura. Nagkalat ang dumi at bakas na iniwan ng salarin. Napakasamlang ng gumawa nito. walang patawad.

Ikalima... ikaanim... ikapito... ikaw walo... hanggang narating ko ang ika siyam na palapag. Sa mga nadaanan ko, ganon lahat ang itsura ng bawat silid, mistulang pinagnakawan, wala ni isang gamit, napakarumi at may masangsang na amoy. At dito sa pang siyam, bakas na bakas pa kawalanghiyaan ng tumira dito. Sirang sira ang loob ng silid. Halatang pinagsamantalahan at walang bait sa sarili ang tumira sito. Hindi ko na nakayanan ang amoy. Mabilis ako umakyat sa hagdan..

Haaaayy.. sariwang hangin.. ito na pakataas ng gusali, subalit may mga haliging nakatayo at may mga bakal na kinakalawang.. kita sa itsura na hindi na ito tinapos ng gumagawa. At sa wakas, hindi pala ko nag iisa, meron na din ako mapapagtanungan, may isang matandang nakaupo pasandal sa isang nakatayong haligi, malayo ang tanaw, hindi alintana ang aking presensya.

"Magandang araw ho lolo"

"Sino ka at ano ang kailangan mo sakin? Isa ka ba sa aking mga anak, nais mo din ba akong pagnakawan?"

Seryosong balik sakin ni lolo, nagtataka man at may nadaramang takot at pagkaawa kay lolo ay pilit pa din akong ngumiti, halata sa mukha ni lolo ang pagod at hirap na pinagdaanan.

"Lolo, napadaan lang po ako at naisipan kong pumasok sa gusaling ito dahil bukas po ang pinto, hindi po ako magnanakaw, akala ko po walang tao dito, naghahanap lang po ako ng aking mapapagtanungan."

"Iho, halika, lumapit ka sakin at gusto ko ng kausap"

Nagkwento si lolo tungkol sa kanyang buhay, at sa kanyang mga anak. Mayaman pala si lolo. Subalit ngayon ay naghihirap. May katandaan na si lolo kaya kailangan nya pumili ng isa sa kanyang mga anak upang mangalaga ng kanyang yaman. May termino sa bawat kanyang mapili, at kapag natapos na ay hahalinhan naman ng kanyang napupusuan. Subalit sinamantala lang ang kanyang yaman para sa pansariling interes ng ilan. Kawawa si lolo.. may luha sa mata habang nagkukwento sa akin.

"Iho apo ko, ang huling pinagkatiwalaan ko na syang mangangalaga ng aking yaman ang syang walang habas na nanamantala sakin. Ang gusaling ito iho.. sa bawat palapag na dinaanan mo ay sumisimbolo ng bawat taon na dinanas ko. At itong gusaling ito na may siyam na palapag ay ang siyam na taon ng aking buhay."

Puno ng hinagpis, puno ng sama ng loob, naghahangad ng tunay na pagbabago, ng tutulong para sa muli nyang pag-ahon. Nakamata lang ako kay lolo, pinagmamasdan ang matang umiiyak, ang bibig na nangangatal. ang puting buhok sumasama sa hampas ng hangin.

"Ang huling palapag na ito, wala pa sa kalahati at hindi tapos ang pagkakagawa diba? Ang akala ko may pagbabago, subalit dumating ang aking anak. Kinuha ang lahat ng gamit ko. Nakikita mo ba ang mistulang bahay na iyon sa may malapit dito? Iyan iho, jan ako muling magsisimula , nasa unang palapag pa lamang ako. Gusto kong matibay ang pundasyon para sa aking pagbabago."


Malalim ang aking pag-iisip sa mga binaggit ni lolo

"Eh lolo, magtatanong lang ho ako kung saan ang daan pauwi sa amin"

"Iho ang guasaling kinatatyuan mo, ito ang bahay mo, gugustuhin mo bang tumira dito?, Halika apo, sumama ka sakin at tulungan mo kong simulan ang ating pagbabago"

Lumabas kami ni lolo sa gusali, sa aming paglalakad palayo, tumigil saglit si lolo at lumingon sa gusali.

"Juan"

"Ano pong sinasabi nyo lolo?"

"Juan iho"

"JUAN DELA CRUZ"

"Iyan ang aking pangalan"




49 (na) komento:

  1. mayaman ka na... may bahay na... hehehe!

    TumugonBurahin
  2. nice!

    pakikipagsapalaran ni juan dela cruz :)

    TumugonBurahin
  3. napapakunot nuo ako habang di ko pa nararating ang dulong bahagi ng kwento mo, kasi sa isip-isip ko ang weird ng xp mo... pero nung ma-reach ko na ang katapusan napangiti ako! ang galing mo kuyakoy!

    TumugonBurahin
  4. huwaw ang pagsisimula at pakikipag sapalaran ni Juan!! tama maaring hindi pa huli ang lahat!

    banjo tenks sa comment mo ha...tats ako!!

    TumugonBurahin
  5. @Leonarp - salamat parekoy... chheerrrzzz


    @nowitzki - salamat sa pagdaan parekoy... :)


    @Adang - two thumbs din sayo parekoy, salamat sa pagdaan sa iyong paglalakwatsa hehehe

    TumugonBurahin
  6. @Empi - hahaha, mayaman sa utang hehehe.. salamat parekoy


    @Bhing - ay atekoy, salamat sa muling pagdaan.. :))


    @jhengpot - parang kwentong kamote lang no? hehehe.. salamat din atekoy at saka taga cavite ka pala.. kabayannnnnnn

    TumugonBurahin
  7. @pokwang - marekoy, salamat po.. maging ok na sana ang lahat.. ccchheeerrrzzz

    TumugonBurahin
  8. paghimay ng malalim na ewan, ang syam na palapag na aking tinutukoy ang ang siyam na taon na dinanas ni jaun sa kamay ng babaing pandak... :)

    TumugonBurahin
  9. ang lalim..wala akong masabi thumbs up kuya!

    TumugonBurahin
  10. what a nice metaphorical story. like button pressed.LOL

    TumugonBurahin
  11. nalulunod ako ha, malalim na sige na, hehe
    2 thumbs up!

    :D

    TumugonBurahin
  12. magaling! wala na ako masabi.



    http://arandomshit.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  13. oh my goley ang corruption.. kawawa naman si lolo

    ahuhuhuhu... wala siyang mapagkakatiwalaan...

    hmmm.... me mga tao talagang sakim at makasarili..

    kawawang lolo... you deserve someone better na mapagkakatiwalaan mo ng PABULUS!!!! :D

    sensya na sa comment ko.. wala lang... :D

    TumugonBurahin
  14. lalim..


    sundan naten si lolo.. may pagasa pa..

    TumugonBurahin
  15. hahaha ang galing galing mo tlga grabe... kampay parekoy

    TumugonBurahin
  16. Sobrang makabayan. Sabi na nga ba yun to eh. Grabe ang lalim. Haha.

    TumugonBurahin
  17. oh yeah! ang galing! ang pagkakaintindi ko ha, yung gusali ang ating bansa na nangulila na. parang ganun hehehe

    TumugonBurahin
  18. WOW! wala na kong ibang masasabi kundi WOW! ang astig, ang galing, makatotohanan. and its moving. thanks for sharing this! :)

    TumugonBurahin
  19. clap clap...ang galing...

    TumugonBurahin
  20. Kawawang Juan.sariling mga anak pinagsamantalahan. yong mga pinuno natin yan ang pasimuno.diyos ko pong mahabagin kaylan pa ito makakabangon sa pagkakadapa.

    TumugonBurahin
  21. marami nang nawalan ng pag-asa, pero sana di na masayang itong ating tsansa.

    TumugonBurahin
  22. maraming nangyayaring ganyan... mga anak o kamag-anak mismo ang nagsasamantala...

    TumugonBurahin
  23. pambihira anf ganda.. pude pude... btw... nice layout :D

    TumugonBurahin
  24. napakagaling! :)

    madaming apo si lolo na magnanakaw eh kaya ayan! hahaha

    TumugonBurahin
  25. @superjaid - salamat atekoy sa pagdaan.. salamat din po sa award.. :)


    @kyle - salamat ng many naman hehehe...


    @cheehee - ayun, ok ka na ba atekoy? chheerrzz.. mamatz ng many..:)


    @Aurelius - hehehe malalim nga kasi nalunod ka na.. salamat parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  26. Dami pa rin kasing sakim sa lipunan... sana lang dumating ang panahon na mas marami nang magbabantay para di na makaisa ang mga sakim... hehehehhehe

    TumugonBurahin
  27. @Denase - speechless hehehe.. salamat parekoy


    @EgG - salamat parekoy... ganyan talaga ang sistema natin. :)


    @Neneng Kilabot - tama, sundan si lolo at samahan sa pagbuo ng bagong bahay... para sa mga juan dela cruz


    @uno - hahaha.. salamat parekoy.. kampay..chhheerrzzz

    TumugonBurahin
  28. @Pluripotent - matalinghaga hehehe.. patama lang hihihi ^_^, salamat parekoy


    @Ako si Yow - Napapansin lang ang mga nangyari at nangyayari sa paligid, apektado na kasi ako hahaha... tayo naman lahat heheh.. salamat parekoy


    @Nimyy - thanks ng many, napalalim eh hehehe

    @bino - tama, yung gusali yan ang naging buhay ng ating bansa sa ilalim ng pamumuno ng napiling anak ni juan.. ung PANDAK hehehe

    TumugonBurahin
  29. @BantangG - Napagala ang bata heheh.. salamat sa pagdaan... salamat salamat salamat.. :))



    @Hagod ng Buhay - thanks parekoy


    @Diamondr - salamat, tama ka parekoy, ung huling namuno kay juna, grabe ang kurakutan...


    @Sean - Tama, tsansa na natin ito sa bagong gobyerno, wag sana magaya sa nakalipas na syam na taon.... salamat parekoy

    TumugonBurahin
  30. @Ka-swak - ganyan talaga, pero hindi dapat ganyan diba? salamat parekoy.. chheerrzzz


    @Axl - yun o, salamat parekoy.. ngayon ka lang ulit napabsita.. congrats nga pala parekoy (TABA)


    @Mr. Chan - salamat sir... tama po.. chheerrzzz

    TumugonBurahin
  31. @Xprosaic - yup parekoy, sakim sa pwesto.. gahaman sa kapangyarihan.. tsk tsk.. masyado na marumi ang pulitika dito sa atin.. salamat parekoy.:)

    TumugonBurahin
  32. i want to thank you for posting this.ngus2han ko.

    TumugonBurahin
  33. himay ulit sa malalim na ewan, ang bagong bahay na tinutukoy ay ang bagong gobyerno natin sa ilalim ng pamumuno ng bagong presidente na napili ni juan delacruz.. tulungan natin sya, wag na sanang magaya sa huling siyam na taon sa pamumuno ng iyon nga.. ang bulok na makinang pinagpalitan (Makina at kawatan entry)..

    TumugonBurahin
  34. galing po! maraming ganyan...either anak p kamag-anak sinasamantala ang mga may ead or may kahinaan...

    TumugonBurahin
  35. @emmanuel - salamat parekoy sa pagbisita


    @glentot - ayun si parekoy, mustasa? hehehe salamat


    @ka-swak - hehehe.. related din sa matatanda.. ccchheerrzzz

    TumugonBurahin
  36. http://kwentongpalaka.blogspot.com/2011/01/klap-klap-klap.html

    parekoy award mo from me..

    TumugonBurahin
  37. isang Epic din.. galing naman...

    TumugonBurahin
  38. @Cheenee - naks..salamat naman atekoy...


    @Keso - atekoy, salamat sa pagdaan


    @Kiko - ayun o, nasa hulihan ngayon hahaha.. musta? maligayang pagbabalik parekoy...

    TumugonBurahin
  39. Gusto kong punuin ng like yong gusali, gusto kong pinturahan ng poke sa FB yong gusali, gusto kong magtanim gaya sa Farmville.

    Nananakit ang puson ko sa binasa ko, nalibugan ako pero hindi ako nilabasan dahil hindi naman ito pornsite.

    Banjo, isa ka ring mulat sa pagbabago.

    Maliwanag naman na, tinutukoy mo ang ating bansa, hindi pa naman tayo ganun katanda bilang bansa pero malamang nga, pagod na ang Pilipinas sa pananamantala.

    Sa kasalukuyan, hiram at mababaw na kaligayahan na lamang ang pising nag-uugnay sa katinuan ng tao para siya ay mabuhay. Buhay para saan?

    Salamat dito ha? Happy Birthday ulit.

    TumugonBurahin
  40. @Jkulisap - mnaraming salamat sir.. tama po, kung inyong napansin, pinagdiinan ko ang siyam na taon (9 years) na naging buhay ni juan.. ang nine years na yan ay ang mga panahong ang namumuno sa atin ay ang babaing pandak na bunga ng pagkakaisa ng pilipino. (edsa dos).. nakakita na tayo ng pag asa sa katauhan ng bagong pinuno.. sana wag ding maging maling akala ang lahat..

    salamt sir s pagbisita.. at pagbasa sa aking mga nasusulat... :)

    TumugonBurahin