Lunes, Enero 10, 2011

May nangyari na ba sayo? part 2

Habang wala pang ginagawa dito sa opisina ngayong umaga (tamad at lunes kasi, pinaka nakakatamad na araw dito sa opisina), tambay lang ako at nagiwan ng bakas sa bahay ng aking mga kaibigan (blogsphere). Naghalungkat na din ako ng old files ko, at sa kakahalungkat ko, nakita ko itong sulat na ginawa ko dati para sa (walang kwenta) isang head ng department dito sa amin. Sinulat ko lang ito, at naburo lang dito sa D ko. Hindi ko pa naman kasi natutuklasan ang mundo ng Blogging dati. 

Eto ang unang post ko dati, May nangyari na ba sa iyo?

at sa ilang buwang lumipas at dahil sa walang pagbabago sa sistema, ayun nga at naisipan kong sundan ang unang nasulat ko para sa (walang kwenta) head na iyan. 

may nangyari na ba sa'yo? part 2

ikaw..oo ikaw nga..ikaw ang kausap ko,
basahin mo ako..ano na ang nangyari sayo?
lumipas na ang matagal na panahon sayo..
dyan ka na tumanda at nagkaisip sa kinatatayaun mo
pero ano ka ngayon diba?
ang hirap kasi sayo, ang galing mong magsalita
sayang, kapanipaniwala pa naman at dahil
nandyan ka sa itaas, maniniwala talaga ang
nakakarinig sayo.
pero akong matagal mo ng nakasama, asa ka
pa ba na maniniwala pa ko sayo?
ang daming pangyayaring dapat mong pagtuunan ng pansin..
hindi lang basta pangyayari eh, nakakaapekto
na ito sa mga kasamahan mo. ikaw lang
naman ang makakagawa ng aksyon sa mga
ganong pangyayari.. hindi ako o kami...ikaw lang
kaya nga sayo ang daing namin, ikaw ang dapat
na gumawa ng paraan upang tumaas naman
ang aming moralidad at upang
maibalik sa yo ang aming tiwala...oo, unti unti
ng nawawala ang aming tiwala sayo
dahil puro ka salita lamang...hanggang pakinig
ka na rin lang... wala kaming nakikitang ginagawa
mo sa aming hinaing...
hinaing na alam mo ding hinaing mo din..
harapan na kasi ang pag labag sa polisiya mo...
lantaran na rin ang panloloko sa nasasakupan mo
pero anong nangyayari, pikit ka na lang,
mag bingi bingihan ka na lang.
wala ka bang gagawin?
kung sabagay, may ginawa ka na nga pala.
at may pinansin ka na din pala.
mga bagay na hindi naman dapat iyon ang pinagtutuunan
mo ng pansin...mga bagay na hiling
lang namin na mga kasama mo..
na para din naman sa ikadadali at ikabibilis ng aming trabaho..
na bago mo aprubahan, katakot takot
na tanong ang narinig namin sayo..
pero ngayon, eto na..ayan na..sa harap mo na..
iba't ibang klaseng pandaraya na harapang ginagawa sayo...
wala nangyari diba...iniisip ko nga, may kinikilingan ka ba,
may kinatatakutan ka ba?
kung may kinikilingan ka, aba mali iyon..
hindi yun patas at alam mo un...
at kung may kinatatakutan ka, aba mali din
yun..nandyan ka na sa pwesto mo, nasayo ang
karapatan para magtanong ka at gumawa ng hakbang..
wag kang matakot dahil
wala naman silang laban sayo...
ang siste, nataasan ka lang ng boses...
tahimik ka na... at nakikita namin ang pagtahimik mo
nakakaawa ka naman, may kapangyarihan ka
pero hindi mo nagagamit sa tamang paraan
ngayon isipin mo na lang kung paano mo
pa maibabalik ang tiwala namin sayo..
kung paano pa maibabalik ang paggalang namin sayo
kung paano pa kami maniniwala sa'yo
at isipin mo din kung may maganda pang
mangyayari sayo...
ikaw na bumasa nito, timaan ka ba?
at kung timaan ka, ikaw nga ang kausap ko...



Sana hindi ko na maisipan pang sundan ng Part 3 itong walang kwentang post na ito..

Cheeerrrrzzz mga parekoy at marekoy....







18 komento:

  1. @Azl - ang bilis parekoy ah hehehe... naisipan ko lang i post. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  2. @AXL - uu nga di ko napansin (azl).. kaw yun parekoy hehehe... salamat muli

    TumugonBurahin
  3. ano daw? hehehe... may something nga... saloobin ba ito? :D

    TumugonBurahin
  4. gumaganun?! hmmm... naiintriga ako.

    TumugonBurahin
  5. @empi - oo saloobon nga ito, dati ko pa to gawa, nisipan ko lang ipost.. kasi wala pa ding nangyayari hehehe.. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  6. @Chiklet - parang open letter na din ito sa officemate ko, sana mabasa nya hehehe.. salamat marekoy sa pagdaan

    TumugonBurahin
  7. hahaha.. ewan..

    TumugonBurahin
  8. grabeeh ang deep...parang awakening lang-pero tindi!...XD

    TumugonBurahin
  9. CHILLAX... ay grabe... ang puso mo ang puso mo ang puso mo istambay.... tumitibok tibok lol :D

    --------------------
    sana soon eh maging OK na kayo nung kausap mo :P

    TumugonBurahin
  10. anung walang kwenta... MERON MERON!

    haay sad naman ng post na to... talamak talaga ang corruption noh hahaha

    TumugonBurahin
  11. Ipost mo yan at ipaskil sa station nya!!! Hehehehe

    TumugonBurahin
  12. @kiko - parekoy salamat sa pagdaan hehehe

    @Riza - so deep ba? hahaha sana mabasa nya

    @EgG - Ok naman kami nung kausap ko dito sa post ko, ang hindi ok eh ang sistema nun hahaha.. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  13. @Uno - thanks naman parekoy at maligayang kaarawan sayo

    @Glentot - Delikado hahaha. lakas sa management un.. salamat sa pagdaan parekoy

    TumugonBurahin
  14. may bahid ng galit? hehehe

    anyway, nice post! para sa mga taong gusto awayin! hehehe

    TumugonBurahin
  15. @MR Chan - salamat parekoy. may bahid ng ng galit.. at suklam na din hehehhe

    TumugonBurahin