Miyerkules, Enero 12, 2011

MAY REKLAMO KA?

Halos araw araw, dumarami ang nagrereklamo, reklamo sa buhay na meron sila, sa ilalim ng init ng araw sa pagod sa pagtatrabaho, sa sistemang kanilang kinabibilangan, reklamo sa kanilang paligid, sa basura, sa trapiko. Walang katapusang reklamo.

Mainit ang araw, hindi makapagbukas ng bintana dahil sa masangsang na amoy ng hangin, lalo na sa lugar na malapit sa anyong tubig, dahil sa basurang kung saan saan lang itinatapon, naiipon at nabubulok na syang sanhi ng mabahong amoy sa kapaligiran.

Dumating ang ulan, at sa ilang oras na pag ulan, hanggang bewang na ang baha. Maraming motorista at tumitirik sa daan, marami ang nagkakasakit dulot nito,  ang sanhi ng pagbaha, ang basura din na kung saan saan lang din itinatapon, na kapag naiipon, bumabara sa estero't kanal na syang dapat daanan ng tubig ulan patungo sa ilog o dagat.

Nahuli ka ng dating sa yong trabaho dahil sa sikip ng daloy ng trapiko, umalis ka ng maaga para makaiwas sa trapik subalit ganon din pala ang iba, ang siste nagkasabay sabay kayo. Letseng trapik yan..   Araw araw ganyan, mula umaga hanggang gabi.. Sobrang trapik, sa dami na ng sasakyan, sa kabila ng trapik signs, sa lawak na ng kalsada pero grabing trapik pa din. Dahil sa trapik na yan, mas lumalakas ang konsumo natin sa gasolina. Hindi praktikal, dahil sa trapik nagagastusan tayong mga motorista at at mga pumapasada para sa wala.

Reklamo tayo sa kinauukulan, gawan ng paraan ang problemang ito. Kung minsan, humaharang pa tayo sa daan para lang maiparating natin sa kanila ang ganitong preblema. Hindi tayo tumitigil sa karereklamo hangga't wala tayong nakikitang pagbabago o solusyon ng gobyerno sa problemang ito. Pero sa aminin natin at sa hindi, walang magagawa ang nakapwesto sa ganitong usapin. Kung may magawa man, ito ay panandalian lamang. 

Naranasan mo na din bang ireklamo ang sarili mo?  Hindi naman bobo ang pinoy, kahit walang pinag-aralan, sa isang tingin pa lang, alam naman nya ang masama at maling bagay. Kung gagawin ba ito o hindi.

Ang tunay na solusyon sa ating mga hinaing at reklamo sa ating sistema ay nasa atin ding mga sarili.  Disiplina ang kailangan.   Kung may disiplina lang ang bawat isa, wala sana ang ganitong problema, sunod sunod na yan, maiiwasan din ang ibang problemang kaakibat ng basura at sikip ng daloy ng trapiko. Hindi na natin kailangan ang istriktong implementasyon ng batas  para magkaron tayo ng disiplina, sa ating sarili dapat yan nag-uumpisa. 

May raklamo ka ba?




21 komento:

  1. Ay wala akong reklamo. Hahaha....

    Tama ka, disiplina lang talaga ang kailangan.. at dapat ay nagsisimula sa sarili. Kung bawat isa ba sa ating lahat ay merong ganun, eh di walang problema.. walang lalabas na reklamo.

    Pero kasi, sa panahon ngayon.. parang malabong mangyari. Still, think positive diba? Hehe...

    My Tasty Treasures
    Everyday Letters

    TumugonBurahin
  2. cool, reklamo post againts mga reklamador. hahaha :P tomo!

    TumugonBurahin
  3. like blogging---addictive din ang pagiging reklamador so I think better talaga na wag mong sanayin. its better if you just act rather than complain

    TumugonBurahin
  4. toomooo! reklamo ng reklamo mga tao, pagtinanong kasalanan din pala niya,

    :)

    TumugonBurahin
  5. ay hindi reklamador ang Batman... paminsan-minasn lang pero di addict much... Patience is virtue,.. char.. tama ba ito...

    TumugonBurahin
  6. tama! dami kasing walang disiplina eh.

    TumugonBurahin
  7. No comment na nga lang. Ako kaya hindi nagrereklamo. Hihihi. Sorry naman. Haha. Ganun talaga ang tao, likas na mareklamo. Basta may mapansin at magkaron ng konting epekto sa kanila eh may masasabi na. Haha.

    TumugonBurahin
  8. korekkkk! :D

    TumugonBurahin
  9. Hot issue about self discipline really sucks. But at least I have no complains. I decided to shorten my comment because I have no complains or anything shit. Have a sip of coffee by the way.


    follow me on:

    http://arandomshit.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  10. ako i swear malupit ang tolerance ko at patience. wala naman akong maisip na icomplain not unless inanarrow down ang category. napakagandang post. dami kong naisip. :)

    TumugonBurahin
  11. parang yung driver namin dito, reklamo ng reklamo na lagi daw syang ng da drive....nasabihan ko tuloy na letche ka, mg apply ka ng security guard kung ayaw mo mg drive

    TumugonBurahin
  12. yun oh... ikaw na ang journo. hehehehe apir... tama lahat yan :D

    TumugonBurahin
  13. hindi ko talaga alam kong reklamador ba ako---basta! pinipigalan ko sarili ko magreklamo...hehe ^_^

    TumugonBurahin
  14. Banjo... di ko alam pero reklamador din ako.. totoo lang sa araw araw hindi ko mabilang mga blessings kase masyado ako bulag sa pagrereklamo. Pero totoo lang tao ay nagrereklamo sa gobyerno..pero tao din naman gumagawa ng ika-pipissed nila sa araw araw..ano ba..di ba???? Pero totoo lang madame ako hindi maintindihan sa gobyerno natin kaya hindi ko rin alam kung tama nga ba na ireklamo sila.

    TumugonBurahin
  15. Wala po akong reklamo... Tama!

    TumugonBurahin
  16. Maraming salamat mga marekoy at parekoy, sa mga napadaan, sa mga bumisita, sa inyong mga komento, maraming maraming salamat po.

    hindi na ko magreply isa isa. para na po ito sa lahat.. ccchhheeerrrzzz mga parekoy at marekoy

    TumugonBurahin
  17. hayy parang editoryal sa dyaryo....

    pero ako magrereklamo!!!!! para quits joke lang... lol :D

    TumugonBurahin
  18. @EgG - musta na parekoy? wala ng reklamo hahaha.. makulit ang kukote ng tambay at kung ano ano ang naiisip, at dahil walang magawa, napagtuunan ng pangsin ang paligig at ayan, nagreklamo na ko hahah..

    cccchheeerrrzz parekoy

    TumugonBurahin
  19. simulan natin sa ating sarili ang disiplina,
    at hayaan nating mahawa ang iba....,
    -sana nga nakakahawa ang disiplina-

    TumugonBurahin