Napag-isipan irepost para maiupdate ang bahay :)
Isang hapon, nakatambay ako sa harap ng tindahan ng nanay ko ng dumaan ang aming kapitbahay na may dalang balde na pinaglagyan ng kaning baboy at may pasan na isang buwig ng saging..
Banjo: Ka isyong, daan muna kayo, eh eh, ginabi yata kayo masyado?
Dumaan nga sa tindahan naupo pa sa may tapat ko, nagtanggal ng sumbrero at nagpaypay (paraan ko lang iyong ng pagbati haha kasi kalimitan pag pinadaan mo ang isang tagabaryo, ang isasagot ay "sige na at akoy may gagawin pa" o kaya "akoy may pupuntahan pa.)
Ka Isyong: Akoy napahunta dyan sa ibaba kaya ako'y ngayon laang.
Banjo: Sinasabi ko na nga ba't nasabit na naman ang nguso nyo eh no hahaha. Ilan na ho ba ang baboy nyo sa pulo?
Ka Isyong: Ay utoy, ang inahin ko'y buntis na. ang laki.. tiyak kong malulusog na naman ang magiging biik nyan.. hindi ako gumagamit ng feeds na yan, etong kaning baboy, sakwa (laman o pinag-ugatan ng saging o gabi na nakabaon sa ilalim ng lupa) lang ng punong gabi at saging ayos na.. mas masustansya pa.. hukayin ko nga lahat ng sakwa ah.. itinira ko na lang ung mapapakinabangan pa..
Langya, ang layo ng sagot sa tanong ko eh.. kaya madalas masabit nguso nito.. ang hilig humunta hehehe
Banjo: Teka ho't ako'y magtitimpla lang ng kape..
Kung maghihintay nga ng kape, maghahanda na rin ako ng San Mig light para sa mahabahabang huntahan..
Ka Isyong: kay tagal naman hehehe... biro lang utoy, wag na at malapit na din naman maghapunan.. ay sya ako'y paparine na..
Hehehehehe (sa isip isip ko lang)
Banjo: ay sige ho.. maglalabas pa naman sana ko ng pulutan at alak.. hahahaha...
Ka Isyong: Dyaskeng bata ire ah.. masakit ba..bangon jan... matapang iyan..
Napatingin ako sa sinabihan ng matanda.. Isang bata pala nadapa.. Naapakan ang isang kahoy na nalalglag sa traysikel na may dalang mga sinibak na kahoy panggatong. Tumayo lang ang bata, parang walang nangyari, tumingin sa kanyang pinaggalingan.. (yan ang batang nayon.. matapang) inayos muli ang kahoy sa daraan.. (langya, inayos pa eh, napaisip tuloy ako sa inasal ng bata)
Maya maya, may batang humahagibis ng takbo, naapakan ulit ang kahoy, nadapa din.. pero ganon din.. tiningnan lang ang paligid kung may nakakita.. palibhasa, medyo tago ako dahil sa pader na nakaharang sa gilid ng tindahan. nagpagpag lang ng damit.. hinayaan lang si kahoy..tumakbo na muli..
Sa isip isip ko, kalokong bata nung nauna, para lang may matisod ulit kaya pala inayos pa ang magkakaharang ng kahot sa daan.. tsk tsk..
Papasok na ko sa loob ng bahay ng may narinig na naman ako na parang nadapa..at meron nga. Naku, kilala ko ito.. anak ito ni Ka isyong. Naglaro pa siguro sa ibaba kaya ngayon lang umuwi... oo nga pala kasama sya kanina ni ka Isyong nung mapansin kong papunta pa lang sila sa pulo.. narinig kong nagsalita ang bata..
Bata: Aray ko.. tsk sino bang naglagay nito dito.. alam na nakakatalisod eh.. hmmmpp, jan ka nga sa tabi, mamaya may matisod pa ulit sayo..
Kinuha si kahoy at inilagay sa may tabi ng daan.. Napangiti ako sa inasal ng anak ni Ka Isyong.. Sa loob loob ko.. Yan ang bata, matapang na, may kababaang loob pa, ayaw nyang may matisod pa ulit kaya itinabi nya ang kahoy na panggatong..
Hindi pa ko umaalis sa pwesto ko dahil malalim ang aking pagiisip sa ginawi ng anak ni Ka Isyong, maya maya bumalik ang bata sa kanya pinagkadapaan, kinuha si kahoy at binitbit pauwi..

Aba, at mautak pa..
*** maraming pagkakataon na tayo ay nadapa at muling bumangon, siguro mas makabubuting alisin ang dahilan ng ating pagkakadapa upang wala hindi na maulit pa sa iba.
nice parekoy.. galeng galeng..
TumugonBurahinmay kapupulutan ng kahoy este aral pala.. hehe
pero natawa ko dun sa mga naunang bata.. mga loko.. hehe
sabi nga nila, sa bawat pagdapa may pagbangon.. :D
TumugonBurahinAno yung salitang HUNTA dre? Hahahaha... at galing magbantay ng tindahan ah...
TumugonBurahinnung binabasa ko toh naghihintay ako ng joke.. hindi ko alam bakit.. hahaha pero aral naman pala ang ggusto mo ipahiwatig dito dre. nyahahaha..
dami namang nadapa dun...
nice one! me likes it. may napulot din akong kahoy..este aral pala hahaha!
TumugonBurahinnakikita ko ang sarili ko sa batang natalisod at nadapa,tumayo sabay pagpag lng ng kamay at sa damit na nalibagan..
TumugonBurahinganyan ganyan ako nung paslit pa ako...:)
tama parekoy..
pag nadapa,,,bumangon lng at go lng ng go..
magandang umaga banjo!
self-less caring ikaw nga.
TumugonBurahin@Kamila - hunta means ay nakipag-chikahan/tsimisan/usap
weh istambay, batangueno ka ga? hindi nga? e ako rin e. kung gay-on man e kababayan pala kita.hahaha
satin lang yang "hunta" na word.hahaha
truw to life? wahehehe
TumugonBurahinhmm pag ikay nadapa at walang sugat madadapa ka pa ulit.. wahehhee...
May mga ilang katanungan ako.
TumugonBurahin1.) Saan ka sa Katimugang Tagalog?
2.) Bakit kahoy ang nagsilbing balakid sa matalinghaga mong panggising sa diwa kong inaantok?
3.)Hanggang ilang beses ba pwedeng madapa ang isang tao?
Magandang araw Bossing Banjo
@Neneng - napulot bang kahoy, ay nalaglag yan sa tricycle hehehe.. salamats
TumugonBurahin@axl - korek, kung saan na dapa, wag ng gagapang, doon na lang bumangon
@Kamila - ayan, ang hunta ay kwentuhan, usapan, naku, yan ay nadidinig ko sa matatanda dito sa amin.. malimit pa din namin gamitin ang salitang iyan..
@Kraehe - ay tulad ka ni neneng haha, magkasama siguro kayo.. juk... salamat
hahaha... parang adik ah... daming kapupulutang woods! hehehe
TumugonBurahin@Jay rules - marahil pareho tayo ng kinagisnang buhay, ang pagsasaka ang hanapbuhay ng ating mga magulang.. maraming salamat sayo
TumugonBurahin@Kyle - salamat, ako ay purong caviteno parekoy.. dito nakatira sa mataas na lupa.. kung saan malapit na sa iyong probinsya (batangas).. ang salita ng batangas at matatandang cavite ay halos walang pagkakaiba.. di ga parekoy.. cchheerrzzz
@Kiko - hangga't walang sugat parekoy hehe,, maaari nga.. kung wala pang kinadadalaan hehehe..salamats
@Jkulisap - ayun sir, kasagutan sa inyong katanungan
TumugonBurahincavite po ang aking lugar.. sa tagaytay citeyyyy...
kahoy ang aking halimabawa dahil sa pagbabase ko sa aking sinulat, naging dahilan upang madapa ang isang bata, at isa pang bata hanggang sa anak ng aming kapitbahay... kahoy, aksidenteng nalaglag sa tricycle, naging balakid sa daan ng bata..
ang pagkakadapa ay maaring maraming beses mangayari, hangga't wala pang kinadadalaan ang isang nilalang. maaring sa iisang lugar lang at paulit ulit. paarang pagtahak sa isang daan na ang tinitingnan ay ang harap lamang, upang hindi siya madapa. Siguro mas mabuting tingnan ang harap upang maiwasan na may matapakan.
magandang araw din sayo sir kulisap.. maraming salamat po
@Moks -adik mode ahehehe.. salamat.. daming pagngatong..
TumugonBurahinahhehe ay oo nga pala, di ko naalala na halos pareho sila.wahahaha wahahaha akala ko pa naman kababayan na kita.wahahhaa
TumugonBurahinmay tono ang pagbasa ko sa conversation ninyo ni ka isyong, pero syempre sa isip ko lang yon. hindi ko binasa ng malakas, nasa trabaho kaya ako. lol
TumugonBurahinang ganda nito. naisip mo bang isang miracle ito?
na nandoon ka at nasaksihan mo ang mga pangyayare na ito? tapos nakakuha ka ng magandang aral sa mga simpleng pagkadapa at pagbangon ng mga bata?
ang galing di ba? buti pa ang mga bata... siguro kung matatanda ang natisod o nadapa dahil sa kahoy, puro mura ang maririnig mo.
galing pre, istayl mo ang ganyan post ah, may katatawan sa umpisa pero sa huli ang ganda ng mensahe :)
TumugonBurahinwow so un pla un...tama..grabe mjo natamaan ako dun ahh...ermmm...jejej
TumugonBurahinnice one kuya..maganda ang pagpapalaki ni ka insyong sa anak nya..at ang ganda ng style mo ng pagnanarrate kuya thumbs up!
TumugonBurahintoomooo!!!
TumugonBurahinmagaling magaling, ikaw na! hehe nyok
pero seriously, ayos two thumbs up!
:D
wow it's pretty obvious naman na magaling ka sa ganito..
TumugonBurahinBATANGUENO ka ga Istambay utoy? ahaha. ay magkababayan ata tayu ni Ser Anthony Carlo eh.
TumugonBurahinhaypayb! XD
BULAG NAMAN PALA MGA BATA SA INYO, HINDI NAGMAMASID SA DARAANAN. HEHE. NICE ONE.
TumugonBurahinbangis mu talaga kuyakoy!
TumugonBurahinparang filing ko ako yung kahoy, nagind dahilan na nga ng pagkakadapa ng iba, manhid pa... Naghihintay ng taong pupulot sakin at gawing kapiki-pakinabang...
nakapulot na nga ako ng aral, may natutunan pang bagong word (hunta)
TumugonBurahinnice parekoy....gusto mo bang gawin natin itong nobela?hehe i dramatize naten..ano pla ang ibig sbhin ng hunta?
TumugonBurahinang slow ko talaga... kelangn ko pang basahin ng 2x para magets ko... ahaha.. minsan talaga, mag pagka slow ako. (minsan nga lang ba o lagi?? diko alam ahaha)
TumugonBurahinang ganda... and i therefore conclude, na ang mga bata sa ngayon ay mga lampa. ahahaha...
@kyle - hehehe.. oo parekoy
TumugonBurahin@rainbow - ako din, pag babasahin ko, may punto sa isip ko.. probinsyang probinsya eh.. tama, kung matanda ang natisod, ay mura ang maririnig mo haha..
@LordCM - napapansin ko nga po, parang isa lang ang style ko.. hehehe.. iistyle naman ako ng iba sa susunod.. salamat sir
@Luhloy - ayun, di ka umilag eh hahaha.. oh ano game na hahaha... salamats
@Superjaid - salamat atekoy... apir tayo... apirrrrr
TumugonBurahin@Arelius - salamat parekoy s pagdaan... :)
@tim - hahaha, salamat naman sir.. cchheerrzzz
@Nowitzki - Caviteno ko parekoy, malapit lang hahaha..
@DEMIGOD - ahehehe.. bulag ba, bata pa kasi, ang isip nyan nakatuon sa paglalaro.. salamat
TumugonBurahin@jhengpot - naku, kapag ganyan eh magkusa ka na, wag ng intaying may umalis sayo.. sige ka.. salamat atekoy
@Sean - Salitang probinsya, sa batangas at cavite, ang hunta ay usap, tisimis, wentuhan. yan san hunta sa amin, hehehe
TumugonBurahin@emmanuel - ayun nasabi ko na ang hunta kay sean at kay kamila..salamat parekoy
@leonharp - slowly but surely hehehe.. salamat parekoy
mautak ang batang yon. hahaha
TumugonBurahintama ka sa huling quotes mo.
hello.
TumugonBurahinang ganda ng pagkakwento. isa kang orig na storyteller, bok. gusto ko yong tunog ng boses mo pag nagkukwento -hindi intrusive, kumbaga.
keep on writing. :D