Nagpapasalamat po ang tambay sa inyong pagbati aking mga kaibigan sa blogosperyo, wala po akong entry tungkol sa aking kaarawan, kasi pumila lang naman po ako ng pagkahabahaba sa LTO para sa pagrerenew ng aking (Driver's Liscense). kumusta naman un. .hahahaha...
Eh bakit ganyan ang title ng aking entry? Kasi ganito po iyon, dahil nalalapit na ang araw ng mga emo puso.
Block ang FB at iba pang networking sites dito sa impyerno aming opisina.. mabuti na lang at ang blogsite ay hindi nadamay o baka nalimutan lang ng ulanghiyang magaling naming IT.
Natatandaan ko pa ang isang post ko sa isang Fun Page sa FB wayback 2010, siguro month of september pa yun. Adik din ako sa FB nung time na yun, kung hindi nga lang nablock, baka until now naman. At kung sakaling hindi man block ang FB dito eh hindi ko na din mahahalukay ang post na yun, paniguradong sobrang natabunan na. o baka deleted na. Dahil malapit na ang araw ng mga puso kaya maki uso na din ang tambay. Iniisip kong mabuti kung ano ang nasabi ko sa post ko na yun. Pero tanda ko pa din ang sinulat ko at ang ibang mga comment ng member..
at eto un (hindi eksakto pero ganyan ang sinulat ko noon at mga comment nila)
post:
Bibigyan ko kayo ng isang sitwasyon...
Kung ang taong mahal na mahal mo at matagal mo nang hinahanap ay nasa kabila ng kalsada lang pala at naghihintay sayo, sabik na sabik mo na syang yakapin at ikulong sa iyong bisig. Subalit bago ka makatawid sa kalsada ay kailangan mong dumaan sa isa sa tatlong pinto na nakaharang sa iyong daraanan.
Ang unang pinto ay punong puno ng baga at nagaapoy ang loob.
Ang ikalawang pinto ay puno ng masasamang tao at mga goons, adik, rapist at killer.
At ang ikatlong pinto ay puno ng leon at tigre na talong taon ng hindi kumakain.
Kung talagang mahal na mahal mo ang taong iyon na matagal mo ng hinahanap at kasiyahan para makapiling sya. Anong pinto ang iyong pipiliin.
ganito naman ang mga comment nila.
comment: adik ka, lakas ng trip mo.. jajajaja
Natatandaan ko pa ang isang post ko sa isang Fun Page sa FB wayback 2010, siguro month of september pa yun. Adik din ako sa FB nung time na yun, kung hindi nga lang nablock, baka until now naman. At kung sakaling hindi man block ang FB dito eh hindi ko na din mahahalukay ang post na yun, paniguradong sobrang natabunan na. o baka deleted na. Dahil malapit na ang araw ng mga puso kaya maki uso na din ang tambay. Iniisip kong mabuti kung ano ang nasabi ko sa post ko na yun. Pero tanda ko pa din ang sinulat ko at ang ibang mga comment ng member..
at eto un (hindi eksakto pero ganyan ang sinulat ko noon at mga comment nila)
post:
Bibigyan ko kayo ng isang sitwasyon...
Kung ang taong mahal na mahal mo at matagal mo nang hinahanap ay nasa kabila ng kalsada lang pala at naghihintay sayo, sabik na sabik mo na syang yakapin at ikulong sa iyong bisig. Subalit bago ka makatawid sa kalsada ay kailangan mong dumaan sa isa sa tatlong pinto na nakaharang sa iyong daraanan.
Ang unang pinto ay punong puno ng baga at nagaapoy ang loob.
Ang ikalawang pinto ay puno ng masasamang tao at mga goons, adik, rapist at killer.
At ang ikatlong pinto ay puno ng leon at tigre na talong taon ng hindi kumakain.
Kung talagang mahal na mahal mo ang taong iyon na matagal mo ng hinahanap at kasiyahan para makapiling sya. Anong pinto ang iyong pipiliin.
ganito naman ang mga comment nila.
comment: adik ka, lakas ng trip mo.. jajajaja
comment: Ako, dun sa pangalawa, paparape na lang ako hihihi.
comment: ang hirap mo namang mahalin.
comment: ang hirap naman, pede bang tumalon na lang hahaha.
comment: sya na lang ang papupuntahin ko sa kin hehehe
comment ko: kung talagang nagmamahal ka, alam mo ang tamang pinto na iyong dadaanan.
comment: dun ako sa goons, hita ko lang katapat nila :)
comment: di bale na lang, ayaw ko pa mamatay jajajaja.
commentko: masasagot mo ng tama kung tunay ang iyong nararamdamang pagmamahal.
ang dami pang mga comment na kung ano ano ang sinabi at ang opinyon nila, ayaw pumili, ang hirap naman daw.. hanggang may nag comment na isa
comment: dun ako sa pangatlo, imposibleng mabuhay ang leon at tigre sa loob ng talong taon na hindi kumakain.. hahaha.. tama ko diba?
comment ko: may tumama din sa wakas.. tama, ang pangatlong pinto ang iyong dapat piliin, imposible naman talaga. hahaha
comment ko: ito lang po ang punto ko. See, ang pagmamahal hindi lang puso ang pinaiiral, kailangan din ng isip, hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mo sundin palagi ang puso. hindi sugod ng sugod, na kahit ipahamak ang sarili para sa taong minamahal. Sa sitwasyong ibinigay ko, pinili ng iba ang pangalawa, pinili ng iba ang una, at may pumili naman ng pangatlo pero piling bahala na.. merong hindi na lang.
Yan ba ang pagmamahal sa inyo?
Kaya karamihan nagiging tanga sa larangan ng pag-ibig. Once na nagkamali, once na nasaktan, madalas ikatwiran ang salitang "nagmamahal lang". Hindi un ang katwiran, kundi naging tanga ka lang. Jan din sa sitwasyon na yan, nais ko lang ipakita ang tunay na pagmamahal, ang pagbalanse ng puso at ng isip sa larangan ng pagmamahal. cheerrzz sa inyo mga friends. :)
Dahil sa post ko na yan, may nagbansag sakin bilang "Tatlong mukha ng kamatayan"
Parang sa probinsya lang, kung magbigay ka ng isang aso o tuta sa kapitbahay o kakilala, asahan mong ang magiging pangalan ng aso ay ang pangalan mo.
always listen to your heart..
TumugonBurahinits on the left side..
but its always right.
ang aga parekoy haha.. naks aman.. hinalukay ko lang yan sa kukote ko parekoy hehehe.. salamat at congrats na pala... cchheerrzz
TumugonBurahindun din sana ako pangatlo,hahaha
TumugonBurahin@adang - tama sana hehehe.. salamat parekoy
TumugonBurahinAng hirap pumili. Mahal ko ang buhay ko d ako pipili. Pero kung tlagang pipili ako dun ako sa narin ako sa pangalawa. Paparape nalang din ako. hahaha
TumugonBurahinAy birthday mo? Happy birthday.. hehehe...
TumugonBurahinNaintriga naman ako sa title ng blog post mo kaya ako napapunta dito sa blog. Nang simulan ko nang basahin.. hmm.. about love. Parang ayoko nang ituloy (bitter nga kasi. hehehehe).. pero naintriga ako sa sinabi mong meron kang post sa FB.. so.. sige, binasa ko rin.
Actually sa tatlong pagpipilian.. isa lang ang naisip ko. ANG HIRAP NAMAN!! Automatic talaga.. naisip ko, kapag sa una, jusko, masusunog pala ako. KUng sa pangalawa, hala, baka mareyp ako.. sa pangatlo, patay ako.. leon at tigre kaya yun! Naisip ko ring sagot.. "Ako ang babae, siya ang lumapit noh!"
Hehe.. Walang halong biro.. yun ang mga initial reaction/answers ko.. Naisip ko, ano ba to? Quiz bee yata.. hehehe. Pero sa huli, naintidihan ko ang punto mo. Kapag nagmamahal, kailangan ring gamitin ang utak.
Dahl sa mga nangyari sa akin the past months, napag isip isip ko rin. Minahal ko nang todo ang taong yun, mas higit pa sa aking sarili. HInayaan kong siya ang maging sentro ng buhay ko. HInayaan ko na lang din na abusuhin nya ako...
Tama kang talaga. Karamihan, nagiging tanga sa pag-ibig. Ako, naging tanga rin. Pero ngayon, na-realize ko.. love is not just a "noun". It's also a "verb". Ginagawa, ipinapakita.. isang bagay na pinag-iisipan. Ginagamitan ng brain cells..
Ang ganda ng post mo.. supper relate ako. ang sarap tumambay. Hehe,...
P.S.
Psensya na.. medyo mahaba. nag-share din.. :)
My Tasty Treasures
Everyday Letters
@arvin - hahaha, paparapre ka din.. pero may killer dun.. tapos mong marape, ayun tigok hehehe.. pero salamat parekoy.. nakita mo ung point ko? hehehe chheerrzz
TumugonBurahin@Ate leah - una sa lahat, congrats po sa pagkapanalo sa TABA..
TumugonBurahinmabuti naman po at related sayo, sabi ko na nga ba? ganyan naman po ang tao pag nagmahal, ok lang naman na magmahal tayo hanggang saan natin makakaya ipakita ang pagmamamahal sa taong iyon, wag lang sana natin pati ang respeto sa sarili at kalimutan at isakripisyo. Kaya nakakatanga ang love eh, kasi ibinibigay ang lahat at hindi nagiiwan ng para sa sarili.. in the end na hindi magwork ang relationship, napakahirap mag move on. Pero makakapagmove on pa din, mahirap nga lang and it takes time.. hindi maiiwasan na alalahanin ang lahat ng masasaya at masasakit ng pangyayari sa inyong buhay, pero part un ng healing process.. darating din ang time na tatawanan na lang natin ang nagdaan at maaring maging thank ful pa tayo...
napahaba na din yata ate leah.. salamat po sa pag daan.. diretso lang hanggang sa 30th day.. chheerrzz po...
nice post hahaha. habang di ko pa nababasa ang comments, pison ang nasa isip ko...sasagasaan ko ang mga pinto, ang brutal ko di ba? lol
TumugonBurahinwahahaha..grabeh..natatawa ako..di ko alam kung baket..cguru dhil nakakarelate dn ako...haha..can't help but laugh na lang..haha..nice post...I lililililiili like it!!!! Apir!!!!!
TumugonBurahin@Kraehe - napatawa ko haha.. kaya lang wala sa chocies ang pison.. nakita mo sana ung point ko hahaha..
TumugonBurahin@Lhuloy - ang kachat sa blog, nakarelate ba? sana parehas ang nasa isip natin.. hindi sana maging tanga sa larangan ng pag ibig hahaha..pero may gamot naman sa tanga diba? un ay ang pagkukusa... ^__^
when its real it will shine khit na gaano kadelicado ang nakaharang. kahit aling pinto ang daanan jn, parehas lng ang result pag TOTOO mapapasayo. :)
TumugonBurahinay ate bhing musta po? slamat sa pagbisita.. naku ang sagot po ay binanggit ko sa hulihan.. at ang point ko sa post na yun.. ang dami nagcomment sa FB dati, parang biro lang sa kanila.. but if titingnan sa isa pang anggulo, nandun ang point ko, they take it as pahula or biro, at nung nalaman nila ang point ko why i post it.. ayun sabi nila, oo nga no..hahaha.. ay nalimutan ko, ang FB funpage kasi na yun ay Page na pang emo hehehe... salamat atekoy...
TumugonBurahinNapaisip tuloy ako sa huling sinabi mo... talaga? ipapangalan sa iyo?! lol
TumugonBurahin@Xprosaic - naku parekoy, uso sa amin yan.. kaya ako hindi nagbibigay ng anak ng aso namin hahaha... slamat parekoy..
TumugonBurahinhaha! very true iyong nagbigay ng tuta iyon na ang pangalan ng tuta kya si mama kapag namimigay ng tuta sinasabihan ung binibigyan wag ipapangalan sa knya. lol!
TumugonBurahinAY LAB DIS POST BANJO....
TumugonBurahinme natutunan ako kahit pano...
hayyy.. di lang pala puro puso... dapat paganahin din ang utak kahit mahina lol...
thanks and belated hapibeerday... :)
@ate bhing - trulalu hahaha.. nakakainis naman pag ikaw na pagbigay ng tuta then pagbalik mo, mapapalingon ko kasi aaakalain mo na ikaw ang tinatawag, un pala eh yung aso na bigay mo.. musta naman un hahaha.. salamat ng many po... :)
TumugonBurahin@EgG - salamat sa pagbisita lagi parekoy, para sakin, walang taong mahina ang utak, nasa paraan lang yan ng paggamit.. ccchheerrzzz parekoy
Wang ganda dre!!!! huhuhu.. totoo lang hindi ako makapili nung hindi ko pa nababasa lahat.. pero ang ganda nung huling sagot... waaaaahhhh... in that case.. ang dali naman pala makamit ng pagmamahal na yun... pero gagamitan ng utak... hay... wala lang dre,
TumugonBurahinYeah, nakita ko ang point mo. Iba lang talaga ako magsolve ng ganyang problem hehehe. Di pa naglelevel ang problem solving ko haha. Ayokong aminin na tanga-tanga din ako minsan wehehe.
TumugonBurahinWala akong mapili... hehehehe
TumugonBurahinhaha..sinasabi ko na nga ba..may ibinigay din akong "riddle" tulad nito (wala lang yang pag-ibig2x) sa mga kaibigan ko noon. Astig din kasi nagawa mong lagyan ng aral yung palaisipan. Galing!
TumugonBurahinwaaaahhh... napaisip ako dun ah.. akala ko tuloy may pagka-psychological test tong entry na to. hehe... pero eto ang mga unang reaction ko...
TumugonBurahinunang-una, nung nabasa ko kung ano meron sa mga pinto na yun, nagdecide ako na wag nlng sya puntahan or di na ako tatawid. Kasi kung magkita man kami, malamang patay na din ako nun sa sunog.. sa mga goons, or sa mga leon... pero nung nabasa ko na ang explanation na hindi kaya ng mga leon at tigre na mabuhay ng 3 years na walang kinakain, dun ako napa-OO sa sagot. sa isip ko, ang tanga ko talaga! wala akong common sense! ahahaha...
pero dahil sa wala nga akong common sense, naisip ko din na BAKIT MAY PINTO SA KALYE??? eh daanan un eh... ahahaha... wala lang... sory, may pagka gago lang eh. LOL
hindi din ako makapili... Ang hirap! hindi ako makapili kasi anu naman papasukan ko... Nung mabasa ko yung panalong comment, napaisip ako... Sugod ako ng sugod, puro puso pinapairal ko... galing mo tlga kuyakoy! apir! tara magbonding ng matauhan ako! hahaha
TumugonBurahinsasabihan ko na lang yung mahal na mahal ko nang''bakit ba kasi sa dinami dami nang pwede mong tambayan diyan pa?...buwis buhay kapalit yakap mo?...ang arte arte mo naman...ikaw ang pumunta dito!''...heheheheh
TumugonBurahintalagang napaisip ako nung binigay mo yung tatlong scenarios. buti na lang may kodigo sa huli. muntik na rin akong magahasa hehe. tama ka nga banjo. dapat parehong puso at isip ang pinapairal.
TumugonBurahinang galing ah! buti na lang ung ikatlong pinto ang pinili ko. heheheh. honest answer yan!
TumugonBurahinnaisip ko rin nung nakita ko yung 3 years na hindi pa kumakaen, sabe ko... "di ba magwawala ang pusa kapag gutom? and possibleng magpatayan yang mga yan eh,"
TumugonBurahinkaya sabe ko yung 3rd na lang, hehehe
oo tama you, isip at puso ay dapat balanse....hindi puro puso lang...
:D
tama tama ang galing galing hahaha
TumugonBurahinkanusta ang pagkuha ng driver;s licensed?
hahaha.. oo nga naman hindi lahat ng pagkakataon ay puso ang paiiralin.. kailangan may utak din.. common sense kung baga.. wahehehe
TumugonBurahinsa totoo lang wala akong mapili nung una, nyahaha.pero teka, natawa ako dun sa huli, ganon ba yon? ipapangalan talaga? lol.
TumugonBurahinPS: taga silang ako kuya, kayo ho ba? :))
true yan! dapat hindi lagi puso. pairalin din dapat atay at lungs. chos! utak at puso ! :D
TumugonBurahinhala! na stress ako bigla sa ikinomment mo sa kanila parekoy!!! hehehe idol na kita..hehe XD
TumugonBurahinnadale ako dun ah, iniisip ko rin lang kung ano nga ba sa tatlo ang pwedeng daanan, ayun naging tanga rin at di naisip na 3 taon na palang di kumakain ang mga HAYUP na yan! lolzz
TumugonBurahinnasa taas palang ako ng post...
TumugonBurahinung pangalawa din ang napili ko...heheehe
isang malaking NO pala..
ui belated happy bday pala parekoy...
ako, kahit saang pinto pa ako sumuong..basta ang armas mo ay ang panalangin, tiwala sa sarili at pananampalataya na makakayanan mong labanan ang mga unos na iyong tatahakin.
TumugonBurahin@Kamila - salamat marekoy, gamitin ang utak paminsan minsan hehehe
TumugonBurahin@Kraehe - ay ganon ba, sorry naman hehehe... ako din naging tanga na minsan...slamat po
@Moks - pili ng isa parekoy hehehe... salamat sa pagdaan po
@kristian - salamat at nadaan ka s munting bahay... balik ka ha... hilig ko dati ang riddle, ewan ko ba at nalagyan ko ng sense ang palaisipan na yan hehehehe
@leonrap - oo nga no parekoy, hmmm isipin na lang na ang pinto eh nasa gilid ng daan, na kailangan mong daanan para makarating sa kabila ng kalsada heheh.. salamat parekoy
@jhengpot - apir atekoy, ayan ha.. sige bonding tayo hihihih...
TumugonBurahin@Jobologist - hahaha, natawa ko parekoy.. salamat sa pagbisita.. chhheerrzz
@Sean - marerape ka pag sinunod bigla ang puson este puso pala at di na nagisip.. hahah.. salamat parekoy
@Bino - apir parekoy, gamitin ang utak hehehe.. chheerrsss
@Aurelius - kakadaan ko lang sa bahay mo parekoy.. happy bday din kay papa mo.. salamat sa pagdaan.. tama parekoy balanse dapat ang isip at puso..
@Uno - naku, pumila lang naman ako ng kahaba haba hehehe... salamt parekoy
TumugonBurahin@Kiko - tama parekoy.. common sense, yun nga lang dahil ang tanong eh masalimuot, nahihirapan sa sagot... pero kung tutuusin eh napakasimple.. sa bandang huli at nalaman ang sagot.. sasabihin eh "oo nga no?" hahaha..
@Keso - o wag mo sabihin na hindi nangyari s inyo yan ha.. ay atekoy, malapit lang pala tayo, sa amadeo ako eh. oh EB na hahaha.. salamat atekoy
@Nimmy - koreekkkkkk na malagkit hehehhe.. puso at isip parahong gumagana.. dapat..
@Riza - ayun o, nagbalik na din.. salamat marekoy...
TumugonBurahin@LordCm - nadale ka din ba sir.. hehehe.. mahirap ang tanong pero ang simple ng sagot no hahaha...salamat po sa pagdaan
@jay rules - salamat parekoy.. sa pagbisita at pagbati.. cchheerrzzz
@Emmanuel - tama parekoy, pero dapat din natin gamitin ang isip, kasabay ng tiwala at pananapalataya.. cchheerrzz parekoy... salamatz...
ako sa bintana ako dadaan. joke lang. may macontribute lang. pero ganun naman talaga. kaso relative kasi kung mahihirapan ka papunta sa love or hindi. case to case basis. :) may iba na sobrang bilis at dali lang may love na! may iba na dugot pawis na wala pa ring love. basta. you get the picture.
TumugonBurahin@nyabachoi - ibig sabihin lang nyan, walang pinipiling tao, lugar o ano pa mang ang pagibig. kaya lang, may mga pagkakataong sa maling panahon at sa maling taon nararamdaman.. dun dapat pumasok ang isip diba? sundin mo ang pusong nagmamahal sa taong hindi karapatdapat, mas higit ang sakit na nararamdaman kesa sa kasiyahan... bukod pa jan ang pagkawala mo ng respeto para sa sarili mo.. gets mo din ba? hehehe.. salamat marekoy.. chheerrzz
TumugonBurahinBakit kasi kapag pumapag-ibig dapat laging may pagsubok, hindi ba pwedeng pasok lang nang pasok saka sumigaw ng Aguyyyyyyyyyy, sariwa na naman ako. Ngork.
TumugonBurahinBanjo, happy birthday ulit.
Tama ka, mag-isip, magmahal. Maraming maraming pagmamahal kasi ang sarap umibig.
kasing sarap ng iskrambol ni Aling Belen.
@jkulisap - maraming salamat sir sa pagbati.. mas masarap nga ang iskrambol sir heheh.. the best... :)
TumugonBurahinhintayin ko na lang siya... :)
TumugonBurahinmahilig din ako sa mga riddles pero ako ang tatananungin mas nanaisin ko ang gumawa nito kaysa sa sumagot nito. haha
TumugonBurahinat oo, babalik talaga ako dito..kahit papaano ay masasanay ko muli ang aking pagtatagalog..hehe
sa totoo lang lahat ng tao..tanga pag nagmahal..proven and tested..:)walang ligtas kahit sino..kahit ang pinakamatalinong tao sa mundo..
TumugonBurahinpero sa post mo nato habang binabasa ko, napaisip ako, kung may bintana.. baka mas madali dumaan dun..:)
pero nung patapos na yung scenario at walang bintana sa choices.. naisip ko dun din sa pngatlong pinto tapos isasama ko nalang yung mga taga protekta at taga reserve ng indangerd animals..tapos pag nakuha na nila saka ako dadaan dun,maaring matagalan ang pagaalis ng mga leon and tiger..pero maghihintay ako para sa minamahal ko..hahaha
pero di ko naisip kung buhay paba ang mga yun kasi feeling ko nasa fantasy world ang scenario.. na basta minagic nalang ng malulupit na witch ang mga leon at pinalala ang sitwasyon sa hindi nila pagkain ng 3years..hahah(ano daw??)
ahh basta kung may bintana dun ako dadaan!dahil malamang wala akong susi sa pinto..:)
natuwa naman ako sa comment ni chenee sana nga may bintana para di na mahirapan hehehehe
TumugonBurahin