Huwebes, Enero 13, 2011

PAG-ASA SA KANILA

Nakikita ng kabataan ang ano mang mali sa kanilang hinaharap, kamalian na maaring nakikita sa kanilang henerasyong sinusundan, karanasan na maitutuwid nila sa sandaling tumuntong sila bilang isang sibilisado at edukadong mamamayan. Isa yan marahil kung bakit nasabing "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan". Nasa kanila ang lakas, ang talino, ang pangarap.

Marahil noon, sumasalamin sa ating mga kabataan ang pagiging makabayan. Pagpapaunlad ng kaalaman ng batay sa kanilang karanasan, sa ugali at tradisyon na kinagisnan. Katulad ng mga laro noon (taguan, patintero, luksong baka, at iba pa) na ang gamit ay buong katawan, humahasa ng lakas, isip at ng talento. Marahil din noong panahong iyon, ang mag-aaral ay nagsasaliksik ng kanilang takdang aralin sa kanilang pamamaraan, nagtitiyagang maglipat sa kanilang kwaderno ng kaalamang sa aklat na sa silid-aklatan lang nila matatagpuan, gamit ang daliri at lapis o ballpen. Dahil sa ganitong karanasan, naging likas na mapamaraan ang mga kabataan. Noon din, karaniwang pangarap din ng isang bata ang maging titser, sundalo, doctor at arkitekto, simpleng pangarap din ang maging magaling na karpintero. Kapag tinanong ang isang bata noon kung bakit ganito nila gusto maging paglaki nila, ang karaniwang sagot ay "Para mapaunlad ang Bayan, o makatulong para sa pag-unlad ng bayan o para tumulong sa mga mamamayan"

Sa panahong ito ngayon, sa ating henerasyon, naging maginhawa ang buhay at dahil yan sa makabagong teknolohiya. Cellphone, digicam, ipod, lalong lalo ng ang internet. Hindi maikakailang malaking tulong sa atin ng internet, mabilis ang komunikasyon.  Ngunit kasabay din ng pagbabago o pagunlad na ito ay ang unti unting paglimot sa ating kinagisnang kultura at pag-uugali. Ang mga bata ngayon, mata lang at ang daliri ang gumagana. Internet lang kailangan, solve na. Hindi ko alam kung ano ang nalilinang sa kanila ng mga larong ito. Siguro nga for entertainment lang o kasiyahan. Ang takdang aralin ng mag-aaral ay isang click na lamang, si pareng google lang ang katapat at presto, may assignment na, ang siste pa karaniwang larawan lang at keywords ang binabasa. Ating tanungin ngayon kung ano ang gusto maging ng mga bata, siguro iyon pa din naman ang sagot nila, maging titser, doctor, etc.. kapag tinanong kung bakit, ang sagot nila "upang tumulong o makatulong sa mahihirap" at ano pa? "upang makatulong sa mahihirap" at ano pa? "Upang makatulong sa mahihirap". Ang iba naman gusto maging, ang magakapagtrabaho sa ibang bansa, at upang makaahon sa hirap. Malayo na ang agwat ng pagkakaiba.


Malaki ang tulong ng ating tekonolohiya sa pag-unlad ng bayan at pag ginhawa ng buhay ng bawat isa. Kaya lamang ang pag-unlad na ito ay sumesentro lamang sa kabuhayan ng bansa. Hindi lahat nadadala ng teknolohiyang ito sa pag-unlad, at minsan pa nga nakakaapekto pa sa kabuhayan ng iba? Pansinin ang ating mga kababayang katutubo at ibang taga probinsya, sa aminin natin at sa hindi, apektado sila ng teknolohiya. Bumababa mula sa kabundukan upang makipagsapalaran. Paano kasi, nasisira na ang kanilang kabuhayan.

Ang riyalidad na nag lipana ang batang lansangan ang patunay na may umuunlad at merong hindi. Ang iba naman, palaboy at sumisinghot ng rugby para pamalit sa gutom, napipiltang gumawa ng masama para lang may makain.

Hindi ko alam kung nakikita ng ating kabataan ngayon ang mali sa hinaharap o ang mismong kamalian ngayon. Kaya pa ba nila ituwid ito para sa lugar na kanilang kinagisnan o para sa sarili na lamang? Nasa kanila pa rin ang lakas, ang talino at ang pangarap. At sa tamang pagsubaybay sa kanilang paglaki at pagdisiplina ng magulang, sila pa din ang Pag-asa ng Bayan.




17 komento:

  1. that's why train up a child in the way he should go... para pagtanda nila di sila mawala sa landas.. galing sa bible yan... wahehe

    TumugonBurahin
  2. Wow naman. Ang lalim. Haha. Napepressure naman daw ako. Oo, kabataan pa naman ako eh. Haha.

    TumugonBurahin
  3. basta hopeful naman tayong lahat, may pag-asa.hahaha parang tinagalog ko lang.LOL

    seriously, tama si kiko, dapat manggaling din sa magulang o sa nakakatanda kung ano at paano siya palalakihin ng mga ito.

    TumugonBurahin
  4. @Kiko - Tama parekoy, eh konting pagsubaybay man lang sana.. ok na heheheh

    @Yow - oh parekoy, maligayang pagbabalik.. tagal ka din nawala eh.. salamat naman at nakadalaw ka.. at napepressure ba, sorry naman hehehe

    @Kyle - ayun ang hindi nawawala satin parekoy, kahit na alam na natin imposible, patuloy pa din tayo umaasa, ang pag asa ang hidi dapat mahala satin.. salamat parekoy..

    TumugonBurahin
  5. pambihira.... sabi ko sayo eh.. join ka na sa student bulletin ng manila bullentin astigin angentry.. may bugot.. ang lamim... :D

    TumugonBurahin
  6. @AxL - salamat parekoy.. salamat talaga. makulit lang talaga ang kukote ng tambay. sinabihan na din ako na isali ko daw ang mga sulat ko sa isng newspaper ng La Salle Dasma, ung kasi utol ng officemate ko eh writter dun. Medyo busy sa trabaho kaya hindi k na nauuna.. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  7. Bow!
    Ang lalim ng mga kahulugan ng post mo.

    TumugonBurahin
  8. @empi - napasobra ng hukay parekoy hahaha.. mamatz ng many sa pagdaan at pagiwan ng bakas

    TumugonBurahin
  9. pagkatapos ko basahin....

    naaalala ko tuloy yung kabataan ko... papausbong pa lang ang internet non peru di ako marunong pang magcomputer dat tym... pero sempre pag assignment sa library talaga at mega research at hiram2x ng libro... pahirapan... nangarap din ako.. pero di natupad.. arekup..

    iba na sgro ang henerasyon ngayon.. more modern technology... yun nga lang yung ibang kabataan mnsan naaabusado.. kasi pinangdodota lang or SF.. iba pesbuk lng ng pesbuk.. pero lam ko di prn nla nkklimutan mga pangarap nila... sempre para magtagumpay sila... :)

    ay sensya na wala ako sa topic hahaha.... yan lang ang pumasok sa aking isipan after reading...

    tnx brad!!! hihihihi :)

    TumugonBurahin
  10. hands down ako sa post na 'to. napapanahon at makatotohanan. tinamaan rin ako. haha:)) hindi ko alam kung anong nangyari, sometimes po kasi, ang tingin ko sa mga kabataan ngayon, live now, bahala na later. siguro dahil nga sa pagbabago ng panahon, at lipunang ginagalawan natin. pero umaasa pa rin ako, na pagdating ng takdang panahon, at ang kabataan na ang mamumuno, sana, sana, meron na talagang pagbabago... nice post! :)

    TumugonBurahin
  11. @Ronster - salamat din parekoy sa pagbisita at pagiwan ng bakas.. tama ka parekoy

    @EgG - kasabay ng pagusbong ng modernong teknolohiya ay pagbabago at unti unting paglimot sa ating unang kinagisnan, yan ang riyalidad. madalas masasabi na boring ang way of life noon? nasasabi lang yan dahil sa ibang pamamaraan na ng buhay ngayon. At sana parekoy, ang pangarap ng kabataan ngayon, hindi lang pansarili at para na din sa lupang kanilang pinagmulan..

    masayado malalim ang nasabi ko hehehehe

    salamat parekoy

    TumugonBurahin
  12. @BatangG - Ang darting na mamumuno satin sa susunod ay isang kabataan din ngayon, hindi nga lang natin alam kung anong paguugali meron.. pero for sure, anak yan ng politiko, ibig sabihin nyan trained na sya hahaha... so sad pero sana nga may pagbabago..

    salamat ng marami sayo.. ccheerrrzz sa paggala hahaha

    TumugonBurahin
  13. ok tong post na to. totoo yan. Dapat itrain na kaming mga kabataan habang bata pa. hahaha.. kapal

    TumugonBurahin
  14. At ang mga bata ay malalabo na ang mata at mga duling na kaka-PSP..

    dati naaalala ko nung bata ako naglalaro kame lage ng kung anu anong pinoy na laro.. mga nabanggit mo.. pero ngayon..wala na akong nakikitang bata sa min.. tapos laging puno ang mga computer shop.

    ano na nga ba gagawin natin?

    Sabi nila pagbata ka.. pangarap mo ay para sa buong mundo.
    pagnadagdagan pa ulit age, para sa bansa..
    kunting tanda pa.. para sa bayan..
    kunti pa.. para sa pamilya..
    kunti pa.. para sa sarili...

    parang sa sobrang hirap na ng buhay ngayon.. parang kailangan mo muna isalba sarili mo.. ang mga nasa ibang bansa.. hindi ko din maisip kailangan pa pumunta sa ibang bansa.. kung pwede magkaroon ng simpleng buhay sa pinas...

    madali sabihin ang salitang simple.. pero paano kung ang katotohanan eh wala na makaen sa pinas... hay.. napapalalim ako dito Banjo,,..nyahahah

    TumugonBurahin
  15. @Arvin - At talagang kabataan ka pa din ha.. ako din naman (noon nga lang hahaha) salamat parekoy

    @Kamila - korek, tingnan natin noon ang sagot ng bata Noon: Para makatulong sa pag-unlad ng bayan
    Nagyon: Para tumulong sa mahihirap
    ang lakit ng pagkakaiba diba? kaya nga naisip ko, ang teknolohiya, ung sentro lang ng kabuhayan ng bansa ang pinauunlad, samantalang ang ibang lugar, naapektuhan naman nito sa pagkasira ng kanilang kabuhayan diba? kaya ayun, san ba galing ang mga batang lansangan, sa probinsya at sa kabundukan diba? yun ang nakikita ko.. pano na sila magiging pag-asa ng bayan kung mismong sarili nila para inalisan na ng pagasang lumaki pa sila.. tsk tsk..

    at napahaba na din ang reply ko marekoy.. salamats ng many...

    TumugonBurahin
  16. dapat maisip nating tumulong sa iba lalo na sa kabataan. Dun kasi sa walang means, tsansa lang naman ang kailangan nila (tulad ng makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan).

    TumugonBurahin
  17. @sean - korek parekoy, tsansa lang ang kailangan..un nga lang napakailap ng tsansa na yun.. tsk tsk

    salamat parekoy

    TumugonBurahin