Lunes, Nobyembre 22, 2010

May nangyari na ba sa'yo?

dumilat ka at pagmasdan mo, ang sistemang ginagalawan mo...sa panahong itinagal mo dito...may nangyari na ba sayo?

sa bawat araw na lumipas...sa oras ng iyong mag upo diyan sa iyong mesa, ngumiti ka na ba ng maaliwalas, gumagaan ba ang pakiramdam mo? may nagyari na ba sa'yo?

sa dediksayong ginawa mo para sa ikauunlad ng sistema mo, sa bawat paggawa mo ng batas, sa bawat mag tupad mo ng iyong tungkulin... may nangyari na ba sa iyo?

sa pag unlad ng mga kasama mo jan sa sistema mo, nagiging masaya ka ba para sa kanila? isa ka sa dahilan ng kanilang pag unlad, isa ka sa nag asikaso ng kanilang pangangailangan, at ng magawa mo na ang lahat para sa kanila...may nangyari na ba sa'yo?

sa sistemang ginagalawan mo, isang maliit na bagay na hiling lang ng mas mababa sayo, ang dami mong tanong..pero sa kasama mong dinala mo, pitong taong sahod ang katumbas ng hiniling sayo. agad na natupad...at ikaw na nagdadala sa kanya... may nagyari na ba sayo?

hindi mo ba napapansin? isa isang nawawala ang iyong mga kasama..hindi ka ba nagtataka, hindi mo ba naiisip, nasaan ang problema..sa sitemang panpatupad mo diba? at magandang sistema para sa iyong mga mata...pero asan ka na? may nagyari na ba sa'yo?

hindi nakapagtataka, bakit isa isang nawawala, ang dahilan, humahanap ng bagong sistema..nagbabakasakaling doon nila matagpuan ang hindi nila makita dito sa iyong sistema..sa sistemang hindi mo na nagawang baguhin dahil sa kasaganahan ang hatid para sa iyong dinadala...pero ikaw sa mismong sarili mo, gusto mo ba ang iyong sistema? may nagyari na ba sa'yo?

sana lang sa pagdating ng panahon...sa pagpapatuloy mo ng iyong sistema...may mangyari na sa'yo...

3 komento:

  1. @Riza - ayun o, may nagcomment dito hahaha.. kakatuwa, ito kasi ang isa sa unang post ko. di ko alam kung pano simulan ang blog eh.. salamat po marekoy

    TumugonBurahin
  2. tAmaaaaaaaaa!! Grabe mga katanungan sa ating mga buhay?! Salamat sa pag-shashare!! :))

    TumugonBurahin