Isang hapon, nakatambay ako sa harap ng tindahan ng nanay ko ng dumaan ang aming kapitbahay na may dalang balde na pinaglagyan ng kaning baboy at may pasan na isang buwig ng saging..
Banjo: Ka isyong, daan muna kayo, eh eh, ginabi yata kayo masyado?
Dumaan nga sa tindahan naupo pa sa may tapat ko, nagtanggal ng sumbrero at nagpaypay (paraan ko lang iyong ng pagbati haha kasi kalimitan pag pinadaan mo ang isang tagabaryo, ang isasagot ay "sige na at akoy may gagawin pa" o kaya "akoy may pupuntahan pa.)
Ka Isyong: Akoy napahunta dyan sa ibaba kaya ako'y ngayon laang.
Banjo: Sinasabi ko na nga ba't nasabit na naman ang nguso nyo eh no hahaha. Ilan na ho ba ang baboy nyo sa pulo?
Ka Isyong: Ay utoy, ang inahin ko'y buntis na. ang laki.. tiyak kong malulusog na naman ang magiging biik nyan.. hindi ako gumagamit ng feeds na yan, etong kaning baboy, sakwa (laman o pinag-ugatan ng saging o gabi na nakabaon sa ilalim ng lupa) lang ng punong gabi at saging ayos na.. mas masustansya pa.. hukayin ko nga lahat ng sakwa ah.. itinira ko na lang ung mapapakinabangan pa..
Langya, ang layo ng sagot sa tanong ko eh.. kaya madalas masabit nguso nito.. ang hilig humunta hehehe
Banjo: Teka ho't ako'y magtitimpla lang ng kape..
Kung maghihintay nga ng kape, maghahanda na rin ako ng San Mig light para sa mahabahabang huntahan..
Ka Isyong: kay tagal naman hehehe... biro lang utoy, wag na at malapit na din naman maghapunan.. ay sya ako'y paparine na..
Hehehehehe (sa isip isip ko lang)
Banjo: ay sige ho.. maglalabas pa naman sana ko ng pulutan at alak.. hahahaha...
Ka Isyong: Dyaskeng bata ire ah.. masakit ba..bangon jan... matapang iyan..
Napatingin ako sa sinabihan ng matanda.. Isang bata pala nadapa.. Naapakan ang isang kahoy na nalalglag sa traysikel na may dalang mga sinibak na kahoy panggatong. Tumayo lang ang bata, parang walang nangyari, tumingin sa kanyang pinaggalingan.. (yan ang batang nayon.. matapang) inayos muli ang kahoy sa daraan.. (langya, inayos pa eh, napaisip tuloy ako sa inasal ng bata)
Maya maya, may batang humahagibis ng takbo, naapakan ulit ang kahoy, nadapa din.. pero ganon din.. tiningnan lang ang paligid kung may nakakita.. palibhasa, medyo tago ako dahil sa pader na nakaharang sa gilid ng tindahan. nagpagpag lang ng damit.. hinayaan lang si kahoy..tumakbo na muli..
Kalokong bata nung nauna, para lang may matisod ulit kaya pala inayos pa ang magkakaharang ng kahot sa daan.. tsk tsk..
Papasok na ko sa loob ng bahay ng may narinig na naman ako na parang nadapa.. kilala ko ito.. anak ito ni Ka isyong. naglaro pa siguro sa ibaba kaya ngayon lang umuwi... oo nga pala kasama sya kanina ni ka isyong nung mapansin kong papunta pa lang sila sa pulo.. narinig kong nagsalita ang bata..
Bata: Aray ko.. tsk sino bang naglagay nito dito.. alam na nakakatalisod eh.. hmmmpp, jan ka nga sa tabi, mamaya may matisod pa ulit sayo..
Kinuha si kahoy at inilagay sa may tabi ng daan.. Napangiti ako sa inasal ng anak ni Ka Isyong.. Sa loob loob ko.. Yan ang bata, matapang na, may kababaang loob pa, ayaw nyang may matisod pa ulit kaya itinabi nya ang kahoy na panggatong..
Hindi pa ko umaalis sa pwesto ko dahil malalim ang aking pagiisip sa ginawi ng anak ni Ka Isyong, maya maya bumalik ang bata sa kanya pinagkadapaan, kinuha si kahoy at binitbit pauwi.. Aba, at mautak pa..
naks... ganda ng series ha :D
TumugonBurahinMaraming salamat axl.. morepower po sa site mo... wala lang magawa.. hahaha... mamatz ng many po..
TumugonBurahin