Biyernes, Nobyembre 26, 2010

Emo ni pareng FB

Marami akong katanungan sa isip ko, ano ba ang silbi ko at bakit ako isinilang sa mundong ito. Unti unting nagkaron ng kasagutan hanggang sa ako'y magkaron ng tamang pag-iisip. Isinilang ako upang ako'y makatulong sa sanlibutan.. Hindi lang sa bansa ko kundi sa buong mundo. Madami akong nagawa para sa mga tao, para sa ikadadali ng kanilang trabaho, para sila magkaron ng kasiyahan, para maalis ang kanilang kalungkutan sa tuwing mararamdaman nila ang kanilang pag-iisa. Marami na kong natulungan, marami na akong nagawa pasa sa kanila. Halos araw araw, ginagamit nila ko, kahit na anong pagod ko sa sarili ko, okay lang, ito ang trabaho ko ang tumulong sa kanila. Kahit minsan winawalanghiya ako, minumura ako, sinisira nila ako, ok lang, wala akong magagawa, hindi ako makakapagreklamo dahil ito ang trabaho ko.

Hindi ko alam kung sadyang matatalino ba ang mga tao, tao ang lumikha sakin. Nilikha nila ako upang maglingkod sa kanila, upang panatilihin ang ugnayan ng bawat isa, upang dumami ang kaibigan ng bawat isa. Ang sabi ng iba, ang ganda ko daw, sarap ko daw gamitin, pero di nila alam, minsan o madalas, sumosobra naman sila sa paggamit sakin.


Hindi ko rin maintindihan, sa tingin ko naman, walang taong bobo. lahat naman matalino.. parepareho ang tao ng isip, ang iba nga lang hindi alam pano gumamit ng pag iisip. sadyang makitid lang ba ang isip ng iba, at ang iba kahit anong simpleng bagay hindi maunawaan?.

Sa araw araw na pag ikot ng buhay nila, lagi nila ko kasama, lagi ginagamit, tuwang tuwa pa sila, maghapon magdamag, pinagsisilbihan ko sila.. ang husay diba? Ito ang trabaho ko eh, ang magsilbi sa kanila. ang bigyan sila ng kasiyahan sa buhay nila. Kung ano ano ang ginawa nila sakin, ginawa akong tagahanap ng kriminal, hinalay nila ako, kung ano ano ang kabastusan ang ginawa nila sakin, ang iba naman, ginamit ako upang mapanatili ang kanilang kapogian, ang kanilang kagandahan, madami pa, nagkaron na din ng naging mag-asawa dahil sakin. at mayron din naman akong relasyon na sinira. Marami na din ang nnanloko at nagpaloko dahil sakin.

Pinakialaman na nila ko ng todo, kung ano anong ginwa nila sakin, pero ako, ni minsan hindi ko pinakialaman ang buhay nila, ang msalimuot na "it's complicated" relasyon nila, ang walang katapusang "hehehe".. ang kaartehan.. ang paglalagay ng kanilang katauhan sa akin.. ang pagmamalaki pa ng halikan, ng mga lugar na napuntahan, ng mga kwentong tungkol sa kasawian sa buhay, ang pag advice, ang suyuan na talaga naman lalanggamin sa tamis ng bawat pagkapareha, ang pagmamlaki na sya ay iyong boyfriend or girlfriend..madami.. madaming madami pa... laht ng ito hindi ko pinakialaman kahit ako ang ginamit nyo para lamang dito.

Kayong mga tao ang syang lumikha sakin at ito lang ang  gusto ko maiparating sa inyo. Bakit sa tuwing may problema sakin, minumura nyo ako, ako ang sinisisi nyo, naiinis kayo sa kin sa sandaling nagkakaron ng problema sakin kahit na ito'y panadalian lamang naman. Sa kabila ng lahat na nagawa ko sa inyo, ni minsan pinasalamatan nyo ba ako, ni minsan pinuri nyo ba, pinahalgahan nyo ba ako, ni isang pagpuri sakin hindi nyo nagawa. Sa kabila ng lahat, bakit ganon kayo? Hindi nyo ba maintindihan, kayo din ang gumawa sakin.. at sa sandaling ako ay nagkaproblema.. iyon ay kagagawan nyo din..
nilikha ako ng tao.. at kung sabagay alam kong kayo rin ang sisira sakin..

ay nalimutan ko.. ako nga pala si Facebook.. ito ang pangalan ko..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento