isa ka ba sa mga nilalang na hindi nakakakita? o nakakapagsalilta? o nakakarinig? kung wala sa iyo ang mga mga kapansanang iyon, mapalad ka? nakikita mo ang iyong paligid..nasasabi mo ang ibig mong iparating, nakakarinig ka ng magagandang musika. normal ang iyong buhay... malungkot man o masaya, normal ka pa din namumuhay...ano man ang iyong kalagayan, mahirap man o mayaman...normal pa din ang iyong pamumuhay. napakapalad ng mga taong may nakakakita, nakakapagsalita, at nakakadinig. sa kabila ng kahirapan, ng karangyaan, nagagawa mo ang iyong gustong gawin...ke masama o mabuti man...sa kabila ng lahat ng ito..hindi kaya mas mapalad kesa sa yo ang mga may kapansanan, ang mga hindi nakakakita, nakakapagsalita, nakakadinig...kahit pa sa iisang nilalalang iyon matatagpuan..mas mapalad pa din sa kesa sayo..bakit? dahil sila, hindi na nakakapaminsala pa...dahil sila, patuloy na lumalaban at humaharap sa buhay...dahil sila, may mga pangarap pa, dahil sila, may takot pang nararamdaman...sila ang higit na mas mapalad kesa sayo...sayo ng kumpleto, walang pinsala, walang kapansanan...
ngunit paano kung ang pagiging bulag, pipi, at bingi ay hindi sa kapwa mo makikita..kundi sa sistemang iyong ginagalawan...ano ng mangyayari sayo..kaya mo pa bang lumaban? mismong sistema mo mo na ang bulag, pipi, at bingi sa katotohanan..ang iyong sistemang kinagisnan. binalot na ng kaplastikan...paano mo haharapin ang buhay? at ikaw na may hawak na sistemang ito...pano naatim na mangyari ito sa iyong mismong bakuran? hindi ka bulag, nakakakita ka.., hindi ka pipi, nakakasigaw ka pa nga eh, at lalong hindi ka naman bingi, nadidinig mo pa nga kahit bulong lang...pero sa kabila ng lahat ng ito, mas masahol ka pa sa isang taong bulag, sa isang taong bingi, sa isang taong pipi...at kahit na sa isang taong bulag na, pipi at bingi pa...mas masahol ka pa sa kanila..natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit? bakit ganito ang iyong sistema, malinaw na malinaw ang iyong mga mata pero bulag ka sa totoong nangyayari sa iyong sistema..harapan na ang pananamantala pero mistulang bulag ka at hindi mo pinapansin ang kabikabilang pananamantala...ikaw na malakas pa sa sirena ng ambulansya ang iyong boses...pero asan ang boses mo pag kapakanan ng iyong nasasakupan...nasaan ang boses sa harapang pananamantala...nakatikom na mistulang pipi hindi ba? at sa mga hinaing ng iba..sa konting bagay na hiling nila para sa ikaayos ng iyong sistema, naririnig mo ba? siguro naririnig mo nga pero lampasan sa magkabilang tenga...daig pa ang isang bingi hindi ba?
paningin, pananalita, pandinig..sa isang sistema...kailangan..wag naman sanang dumating sa iyo mismong sarili ang ganitong kapansanan...baka doon mo lang maramdaman ang hirap ng ganong buhay...kung kailan huli na ang lahat magsisi ka man...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento