Isang araw sa gubat.. naguusap ang buwaya at hunyango..
" hunyango, aalis ako ngayon.. "
" san ka pupunta buwaya?"
"sa isa pang gubat, may meeting kami ng mga kapwa ko buwaya"
" sige, ingat na lang po kayo. anong oras kayo aalis?
" mamaya ng kaunti, bubuwelo pa ko, nanjan pa ang haring leon eh'
hehehehe"
at nagpatuloy sa ginagawa nila ang hunyango at buwaya.
Habang lumilipas ang oras, mapapansin na hindi mapakali sa
upuan at patingin tingin sa orasan si buwaya na tila ba naiinip at
minsan o madalas ay laging may kausap sa telepono... at tila ba
nilalaro ng kanyang anghel at pangiti ngiti sa sarili..
hindi naglaon at naghanda na paalis ang haring leon..
nagpaalam na sa hunyango na aalis at kinabukasan na ang balik
dito sa gubat..
tuwang tuwa ang buwaya.. minuto lang ang lumipas at naghanda
na din paalis ang buwaya.. "sa wakas heheheheh" ang sabi ni
buwaya sa sarili..
" hunyango, aalis na ko.. hiram ako ng pera dun sa mga langgam.
kailangan ko ng umalis at mahuhuli na ko sa meeting namin.."
at umalis na si buwaya na tila ba nagmamadali...
sa isang lugar naman sa gubat, seryosong naguusap ang
banyagang donkey at ang ang mukhang alien na si ewoks? (ewoks,
pinangalan ko lang sa kanya pero ang totoo, isa syang kuhol hehehe)
tungkol sa trabaho.. madalas na malakas ang boses ng donkey na tila ba
laging naguguglat, at hindi maintindihan kung ano ang sinasabi
(palibhasa kamukha sya ni mr bean hehehe).. " haaaaaaa???
uuuuuuuhhhhhh??? why??.. hmmmmmmm... haaaaaaaa???
uuuuhhhh??? hahahahahaha... " ang mga katagang madalas na
maririnig kapag kinakausap si donkey...( may kasamang pagkamot
sa ulo, sa ilong, pabiling biling minsan na parang may hinahanap eh nasa
harap lang naman pala nya ung hinhanap nya at pag nakita
nya eh tatawa, taena)... madalas syang kinakausap ni ewoks na kahit
walang kakkuwekuwenta ang sinasabi, basta makasipsip lang
(palibhasa isa syang kuhol hehehe).. isa pa para itong taga
DPWH si ewoks, panay ang widening ng papel este road hehehe..
Habang naguusap ang donkey at ewoks..
"oo nga, oo nga, oo nga"
" dapat ganito' tama ka ewoks, dapat ganon"
" oo nga, oo nga, oo nga"
si ostrich, sumawsaw na naman sa usapan...
maya maya pa tatlo na sila naguutuan hehehe
sa isang banda naman, masayang naguusap ang mga insekto,
si tipaklong, si bubuyog, at si paroparo.. masayang nagkukuwentuhan
at madalas nagtatawan sapagkat laging bida itong si tipaklong sa
huntahan.. "ahihihi... hahahaha.. hehehehe.. hihihihi" ang hagikihikan
ng tatlo. ewan ko lang kung anong pinaguusapan dahil hindi ko sila marinig. hehehehe...
patingin tingin ang ostrich sa kanila... mayamaya,
"hehehe, ganon nga paruparo, ano yang nasa table mo na kulay green?"
si ostrich, sumawsaw na naman... nakasnipe na naman hehehehe...
biglang tumunog ang telepono sa gubat..
(sosyal kasi ang gubat dito hehehe,modern ang gubat na ire eh)
"kriiiiiiiinnnnnnnggggggggggg, kringgggggggggggg. outside call kasi
mahaba ang ring eh...
sinagot naman ni hunyango
" hello magandang umaga maam" ang sabi sa kabilang linya
" magandang umaga din po, anong pong maipaglilingkod ko sa kanila?"
ang sabi ni hunyango.
" pede po sa buwaya? may follow up lang po kami para sa delivery nyo?"
" saan po sila sir, anong name po nila?"
" sa kabilang gubat po maam, ako po si buwaya ng kabilang gubat"
" naku, nakaalis na po kanina pa.. hindi pa po ba sya nadating jan? kanina
pa po umalis mga 5 hrs na ang nakakaraan, may meeting daw po kayo sir"
" maam, wala po kami meeting, kaya po ko tumawag para makausap sya
kasi bullilyaso na ko sa delivery nyo samin.. stop na po ang produksyon
namin" ang sabi ni buwaya sa kabilang gubat.
(hala buking si buwaya hehehe, nagdahilan pa)
(sadyang inihalintulad ko sa hayop ang katauhan ng aking mga kasama batay na din sa kanilang paguugali)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento