Martes, Nobyembre 23, 2010

Upcoming X 'mas party

Hala esep esep ng pede gawin presentation para sa christmas party namin. Kakatapos lang ng meeting namin regarding chirstmas party.. group presentation at ako ang nagrepresent ng group n0. 2 para sa grupo.. langya, ako na lang lagi.. hirap maging pogi (sa isip ko lang yun hehe). Kailangan ko mabuo ang group.. malaki din ang premyo.. tulad last year.. umaatikabong hindi ko alam wahahaha.. nak ng tipaklong.. wala ako nahita sa premyo namin last year, kahit kulelat kami may pakunswelo naman un... langya, palibhasa kasi hindi ako mahilig gumimik, pero oks lang. wapakels

Hala, naisip ko eto na naman, chirstmas party na naman.. pabonggahan na naman ng presentasyon, hmmmm ano kaya at gawin ko sa group eh Carnibal type naman.. wahahahah.. may kumakain ng blade, kumakain ng buhay na manok.. kumakain ng apoy, at ako kaya.. hmmm ano makain ko.. aha.. tama, ung MC wahahahaha.. at may kumakain ng seking MC... (sa isip ko lang yan wahahah)

Pero eto ang sure na magandang part sa pagcecelebrate ng Chirtmas party namin.. ang presentation ng out of school youth, orphan children sa party namin(sana guset ulit namin sila at madagdagan pa). Ito ang kumukumpleto ng Chirstmas Party para sakin.. sa pamamagitan nila.. nakikita ko ang diwa at reason na selebrasyon. Sa pamamagitan nila, nakakapagbigay ako ng regalong na alam kong buong puso nilang pinasasalamatan.. alam kong may patutunguhan.. sa pamamagitan nila may matatawag akong Christmas Party.

For fun lang at para sa bonding ang group presentation na yan.. hindi naman yan importante para sakin, ayokong makisawsaw sa usapan ng tungkol sa event.. sila sila ang gumanap, sila sila ang nagpapayabangan wahahaha... pero ni minsan tulad last year.. wala ako narinig ni isang comment tungkol sa presentation ng VIP guest namin.. langya..

Bahala sila...

2 komento:

  1. Naks.. Ikaw pala talented at taga gawa eh. Haha. Parehas tayo lagi ng role. Nyahahaha. Ambait naman. Nakakamiss din tuloy magoutreach sa Home for the Girls dito sa amin. Masarap tumulong lalo na ngayong pasko. :)

    TumugonBurahin
  2. hahaha.. oo yow, nak ng tipaklong.. hindi makatulog pag breaktime.. praktis..praktis.. praktis...

    TumugonBurahin