Lunes, Nobyembre 29, 2010

Inventory Trip

Physical count namin for the month of November.. Every month meron kami inventory ng mga gamit para sa prodcution ng product namin (automotive products). Eto naman ang gusto ko, kasi every inventory, ako ang OIC.. o ha, Officer ha... appointed ng aking kagalang galang na walang kwentang anak ng tipaklong na aking BOSS... pag ganitong time, ako ang masusunod bwahahahahahahahahahha....
Last saturday lang ang taking ng physical count, langya, ewan ko ba bakit ganitong inventory ko lakas ko mang trip. wahahaha. adik mode ako nung saturday.. langya. Ito ung moment ko POWER TRIP ni BANJO... walang magawa
Ganito setup ng manual counting namin. may isa or dalawa na counter, then may isa na checker.. tapos ako random checking lang.. ikot ikot kung, parang naghahanap lang ng kabute.. ganyan. maghapon, inventory lang kami.. sa dami ng materials namin, tapos ang mga name ng part.. talaga naman.. mahaba pa sa pangalan ko kahit isulat ko ng buo eh... langya.. ano ba kasi naiisip ng japanese sa mga kukote nila..

Start ng bilangan, breifing muna..

Banjo: "Okay guys, labas nyo na mga brief nyo" Tilian ang mga ati...wahahah

Serious..

Banjo: "Same as last month.. Touch count tayo ha.. walang dapat makaligtaan bilangin.. Tanong lang po sa Warehouse staff kung hindi nyo alam ang part no. ng materials natin. blah blah blah blah blah blah blah blah blah..... Leaders and subleaders, kayo ang checkers.. ako random checking lang.. bwahahahaha"

Leader1: "Na naman"

Banjo: "OK, dito ka at jan ako.. palit tayo" taray ko no... power trip nga eh.. sipain kita jan..

Nagkalat na ang operators sa warehouse, kanya kanyang bilang, kanya kanyang ungkutan, kanya kanyang tsikahan.. yan din ang gusto nila sa inventory.. tsismisan time habang nagbibilang. Ako naman, ayun nga.. iko't ikot lang tingin ng tags kung tama ang bilang.. recheck.. trabaho ko yan pag ganitong event. makitsismis.. mang trip. kung anong makita ko kakaiba sa operator, lalapitan ko, pupunahin ko.. walang magawa eh.. wahahahahaha.

Tatlong operator ang nakaupo habang nagbibilang at syempre nagtsisismisan..

Banjo: "Pre, kita na brief mo ah, labas ang kuyukot eh" (sa boses na malaki)

Operatorgay1: "ayyyyy, sirrrrr, sinilipan nyo ko ha" sabay pacutify ng mata laki din ng boses..

Langya, pinaghinalaan pa ko eh ang libag ng brief nya kaya kapansin pansin may sulat pa ng ballpen..

Banjo: "langya ka, alam ko ang brand ng brief mo, TIGLI no?

Operatorgay1:"Sir, anong TIGLI?"

Banjo: "TIGLIlimampiso bwahahahahahaha."

Operatorgay1: "ay sir hindi ha, herbench yan" sabay irap

Nak ng pusang gala.. Isang kasama sumawsaw,

OperatorGUY": "Sir, may sulat ba ng ballpen?"

Banjo: "OO meron"

OperatorGUY: "bwahahahahahaha (lakas ng tawa eh).. kahapon Sir, napagtripan namin sulatan ang brief nya habang natutulog sya... bwhahahahhahah".

Banjo: "Bwahahahaha... ano yan cassette tape? side A side B.. bwahahahahaha... Pre, bwahahahah...ayos yan.. bwahahahahah...malay mo jan ka ...bwahahahahahah... yumaman, makita mo jan sa brief mo ang bwahahahahah.... ang.. bwaahahahaha....mapa kung san nakatago ang Yamashita trea... bwahahahaha.. sure.. bwahahahahah.... " sakit ng tyan ko... takbo ko ng CR sabog ihi ko hahaha...

Gala na naman ako.. Random check ulit.. may napansin na naman.. nagtsitsismisan.. nacurious ako kung anong pinauusapan.. bungisngisan kasi ng bungisngisan. (tsismoso ko din no).. hindi nila namalayan ang paglapit ko.. busy ang mga nguso at tenga sa palitan nila ng kurokuro..

Oparator Girl 1: "Uy sis, mas comportable ang avon isuot no.. Mura pa sis.. may brochure ako dala, order ka"

Oparator Girl 2: "Mas gusto ko ang herbench, ung T-back.. kakakiliti ng pwet eh.. hihihi... suot ko nga ngayon"

huuwaaaaaaattttt? panty ang pinaguusapan ng mga ito? nakakamanyak naman.

Oparator Girl 3: "Ako din hihih, ganyan din suot ko.. kulay white.. hihihi.."

anak ng tipaklong.. patay malisya ko na lumapit kunwari may tsine-check na inventory tag

Oparator Girl 1 & 2: "Hi Sir"

Banjo: "O tapos na kayo?, ano bang topic natin jan at mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" pasimpleng hindi ko alam.. hehehe

Oparator Girl 3:"Panty Sir hihihih"

Banjo: "Hahahaha.. ang daming dapat pagusapan, panty pa.. ano naman meron sa panty na yan?" langya.. gumagana na naman kamanyakan ko... wahahahah.. akalain mo nga naman

Oparator Girl 1: "eh Sir, nagpapagandahan lang kami ng panty hihih... gusto mo sumali?" hihihi

OOOpppsss... primera

Oparator Girl 2: "Sir, hulaan ko kulay ng brief mo.. white no?" hihihi.. haigikgikan ang mga malalandi..

wwahahah.. pinagpawisan ako ng malapot dine eh...  naks naman, akalain mong dito pala ko makakakita ng kabute.. ano kaya't hukayin ko at sabawan ko na din dito...hehehehe.. kaya nakilandi na din ako.. (SM lang mga kapatid hahaha)

Banjo: "Naku, mali ka jan.. kayumanggi ang kulay  wahahahaha..."

Tilian ang mga haliparot na itetch....

Banjo: "Hoy kung maka irit kayo jan, wag kayo eskandalosa, mamaya may makarinig sa inyo"

Oparator Girl 3: "Sir patingin nga? hihihi...

Segunda

3 in 1..san ka pa.. inaatake na ko ng kamanyakan...

Banjo: "Kayo ang lilibog nyo. isa isa lang bwahahahahaha"

Oparator Girl 2: "ay type sir, dun tayo o sa sulok tayo muna..look out muna ang 2 ito" sabay tingin sa baba ko..

Tresera

Banjo: "Bwahahahaha"

Oparator Girl 1: Sir, ikaw gusto mo din ba makita. kayumanggi din kulay ng suot namin" hihihihi.. tilian na naman.. mga sabik yata mga ito ah..

Kuwarta

Banjo: "Langya kayo, pinagtitripan nyo ko, di nyo ko kayanin. Putok ang murang ugat nyo sakin. bwahahahahaha.."

Oparator Girl 2: "Subukan lang sir..hihihi, ihi lang pahinga mo, may boso pa" hihihihih

Aba't may alam din...... langya.....

Kinta

Taena.. sa kakatawa nung isang operator namin, tumalsik ang pustiso..

Banjo: "Bwahahahahah... langya kayo, ayos na eh, biglang comedy naman trip mo" 

Oparator Girl 1 & 2: "YUckkk sis...." wahahahahah...hahahahaha....

Oparator Girl 3:"Oy wag kayo maingay ha" habang namumula sa kahihiyan pero natatawa din naman...

Banjo: "Ok, tama na.. tapos na ba kayo?" kung tapos na tulungan nyo ung iba" tama na yan tsismisan nyo.., pero day (sabay tingin ko sa naka pustiso) galing mo ha.. unique style mo sa comedy...

Oparator Girl 3:"Sir naman eh"

Release...nuetral na.... hayssss nakahinga ko ng maluwag ng magsialisan na ang tatlo.. aba at nalingon pa.. langya,, kapogi ko naman... tsk tsk..

Hindi pa ko nakakarecover sa kalibugang tsismisan na nauwi sa comedy ng may mapansin ulit ko.. dalawang operator habang nagbibilang ng box.. Palapit na ko sa kanila ng may mapansin akong palawit lawit na kung ano, palibhasa may kaliitan kaya nilapitan ko pa..
Nak ng tipaklong, gagamba.. bakit may gagamba sa loob ng warehouse.. palibhasa di naman ako takot sa gagamba, kaya hinuli ko.. ayun may pumasok na naman kakaibang trip sa kukote ko..
Lumapit ako sa dalawang operator na seryosong nagbibilang na akala mo magkagalit sa isa't isa. na kala mo nawalan ng mga kaanak.
Nilagay ko sa balikat ng babae un gagamba, patay malisyang patingin tingin din ako sa tag na nakadikit sa bawat materyales...
Natatawa ko kasi kamot ng kamot yung babae sa leeg nya.. un pala ung gagamba, naglalakbay na sa makamundo nyang pagnanasa wahahahaha

Oparator Girl 4: "Eeeeeeeee.... Spider.. eeeee..."

Langya, sosyal naman nito...sabay takbo sakin at yakap saking braso

Oparator Girl 4: "Sir gagamba, alisin mo naman jan oh"

Banjo: "San, san ko aalisin." sabay tingin ko sa kanya na nakakagat labi hehehe

Oparator Girl 4: "Ayan Sir oh, naglalakad sa semento" sabay tingin sa gagamba na nasa semento na pala.

Oparator Girl 4: "Sige na Sir, alisin mo ung gagamba" humihigpit ang kapit sa braso ko, langya, ano ba naman ito, pag sinuwesrte ka nga naman, ang lambot. ang boobs kumikiskis sa braso ko..

Oparator Girl 4: "Sir naman eh, dali na, hindi ko matatapos ang binibilang ko"

ako nakatingin lang sa gagamba..

Oparator Girl 4: "Sir?!"

wala ko reaksyon..

Oparator Girl 4: "Sir ano ba, takot ka din ba jan" nagmamaktol na.. lumuwag na ang kapit

Banjo: "Ha.. ahhh.. ehh oo, oo aalisin ko na, sus para gagamba lang eh.... o ayan na wala na" sabay tapon ko sa gagamba, sabay pasasalamat sa kanya (thank you spider.. yo d man.. yeahhhhh)

Oparator Girl 4: "Salamat sir"

Banjo: "Salamat din.. este.. walang anuman.. sige na tuloy na.. dapat matapos na tayo bago mag alas singko"

Promise, hindi ko sinasadya ang lahat.. nangyari lang na talagang ewan ko ba.. bahala kayo heheheh...

Beep beep.. beep beep..

Banjo: "tang*na mo.. beep beep ka din"

Dumaan ang forklift na busina na lang ng busina

Ngumisi lang ang kumpareng driver ko..

Driver ng Forklift: "Pre, SMB"

Banjo: "Tang*na mo pre, ang lammmbbbooootttttt"

sabay

Banjo: "Eto'ng sayo.. ummmm" Middle finger ko, naiwan sa mukha nya bwahahahaha..

Driver ng Forklift: "I love You too pare" f*ck you.. bwahahahaha.

Ganyan kami magmahalan..

Natapos din ang Inventory at ako'y tumaas na dito sa opisina.. Langyang buhay ito.. powertrip ba o manyak trip itong nagawa ko wahahahaha.. Hinintay ko munang magalisan ang mga operators at leaders bago ko umalis ng opisina.. ayaw kong makita ung 3 haliparot at baka ako'y matawa na naman..

Ngayon, eto ako.. after ng powertrip o ng manyaktrip noong sabado.. nakasubsob ang ulo ko at sakit ng utak ko sa pagaanalyze ng variances na yan.. Eto ang ayaw ko, Ang magcompare ng System Balance ang ng Actual Count Balance ng Materyals na binilang tapos iaanalyze ko kung bakit eto o ganon... susmaryanong garapon...
walangya.. ang laki ng discrepancies.. Mukhang. magagamit ko na naman ang kapangyarihang tinuro sakin ni pareng David Blaine..

Naalala ko tuloy ngayon ang komersyal  sa TV na hindi ko alam ang ang title.. napapanood ko yun noon pagkatapos ng eat bulaga at valiente. pero parang napanood ka na din un noon, pagkatapos ng flordeluna..

Isang dalagang babae na umiiyak habang bitbit ng istriktong ama galing sa isang Party.

Anak: "Tay aray ko po, tama na po"

Pagkapasok sa loob ng bahay

Ama: (sabay tingin pa sa ibang mga anak) "ito ang tandaan nyo, kapag inuna ang ligaya, kasunod ay luha"

Di ko alam ang title nya, pero eto ako ngayon at mangiyakngiyak na....

4 (na) komento:

  1. Ang saya naman jan sa inyo! Haha! At apihin daw ba yung operator dahil sa side a & b na brief?! Bully much?! Nakakatuwa kang magkwento, tuloy mo lng yan pre! :)

    TumugonBurahin
  2. haha ang sweet lang nila o... hahaha ayus dyan ah....

    TumugonBurahin