Kanina lang, dumaan ako ng Gas Station at nag pa Full tank ng sasakyan, habang nagrerefill si kuyang gasoline boy, narinig kong nagrereklamo ang isang driver ng dyip na kasabay ko din nag papakarga ng gatong.
"Masaya nga ang pagsalubong sa bagong taon, hindi naman maganda ang pasok sa atin. Tanginang buhay yan, pano ka ba naman kikita sa ganitong sistema, walang tigil ang pagtaas na langis, at........ blah blah blah"
May punto si Manong, Naging masaya nga ang pagdiriwang ng ating sambayanan nitong bagong taon, kabila kabila ang huni ng torotot, ang naglalakasang paputok, puno ang hain ng bawat mesa, umaasang maging masagana ang buhay sa pagpasok nitong 2011. Bagong taon at syempre bagong pag asa. Subalit hindi natin maitatanggi, sa aminin man natin at hindi, hindi maganda ang pagpasok sa atin ng 2011. Kaliwa't kanan ang pagtataas ng presyo sa merkado ang sumalubong sa atin, Presyo ng produktong petrolyo (na talaga naman isang beses mag rollback ay sampung ulit o higit pa kung mag taas ng presyo), toll fee hanggang sa pamasahe (sa jeep, sa taxi, maging sa MRT at LRT), presyo ng asukal, bigas, ng tubig at napakarami pang iba.
Sa sabay sabay na pagtaaas na bilihin nating iyan, sa mga ganitong pagkakataon. Anong ang hakbang na magagawa nating mga pinoy? Rally, strike, kabikabilang protesta. Tama, karapatan natin ang umalma, ilabas sa ano mang paraang mabuti ang ating mga saloobin, kalampagin ang Gobyerno sa paglobo ng suliraning ito. Pero hind lamang ito ang solusyon, hinding hindi agad mapapababa ng mga protestang ito ang suliranin sa taas ng ating bilihin. Tanging mga bagay na nasa ating kontrol lang, tamang diskarte ang tanging makakatulong sa ating mga sarili sa ganitong pagkakataon.
Ibayong pagtitipid ang sa aking pananaw ay pinakamabisang solusyon. Hindi ako naniniwalang sagad na sagad na tayo sa pagtitipid, dito tayo sanay na mga pinoy. Ang mga bagay na gusto (wants) ng karamihan, nakakaya pa. Subukan naman nating bawasan ang wants na yan at pagtuunan ang totoong pangangailangan (needs) natin at ng iba? Marami eh, sa text na lamang, internet load, magagarang gadget, magagandang damit. Madami naman, hindi naman ikamamatay ng isang indibidwal kung mawala o limitahan man sa kanila ang mga ito. Pero kung needs ng bawat isa ang mawala, paano na tayo?
Hindi naman mahirap gawin, pero kung talagang wala ng ibang alternatibo at hindi na mapigil ang pagtaas ng presyo ng pangunahin nating pangangailangan, maoobliga din tayong magtipid sa kahit na anong paraan, panigurado yan.

tama... determinate the wants and needs...... apir...
TumugonBurahinheavy toh ah.. pero totoo naman na lagi na lang pataas ng pataas ang needs.. pero afford pa din natin ang wants natin. hehe. mga tao nga naman..
TumugonBurahinButi na lang WANT ko lang kumain at NEED na need kong gumala! nyahahhahahahahhahaha.... magkamatayan na! lol.... nyahahahahhahaha
TumugonBurahinoo nga, kapit bahay namin daw sa pinas, bonga yung paputok, pero nanghinhi ng spaghetti sa nanay ko. isipin mo yun?
TumugonBurahinMga estudyante sa public school naka iphone. di naman sa pangmamaliit pero sa hirap ng buhay ngayon, di naman necessity yun.
tama~~~
TumugonBurahinako need ko talga ang internet connection dahil sa work ko,,pero mabubuhay akong walang magagandang gadgets except sa pc...ahihi~~~
napadaan dito at nakiepal hehe...
@axl - apir parekoy.. korak yan
TumugonBurahin@chiklet - hindi pa kasi ramdam ng iba ang gutom eh hahaha.. paro hindi rin tatagal maoobliga na sila
seryosong seryoso tayo ah.haha. juk! siguro ganun nga tipid na lang. meron kasing iba na walang ginawa kundi magreklamo ng magreklamo pero wala namang ginagawang aksyon, sinisisi sa gobyerno kung bakit mahirap ang buhay, eh ang tanong, sila ba may nagawa na para tulungan ang sarili nila? tapos...tapos...wait, hanggang dito na lang. ang daldal ko masyado. haha. nice post btw. :)
TumugonBurahin@Xprosaic - hahaha, sensya na parekoy, nadale ng konti.. isama mo naman ko sa galaan hahaha. salamat parekoy
TumugonBurahin@lakwatsero - natawa ko sa paputok, oo nga, pagkatapos ay ano diba? ayun hingi spag, nagugutom na eh hahaha.. salamat din po parekoy
@Unni-Glaze - need ko din internet dahil sa work hehehe.. pasok yan sa needs ko.. need eh (gulo ko hahaha) salamat po sa pagdaan at pag iwan ng bakas
TumugonBurahin@batangG - oh musta na, ok na ba? korak, reklamo o the max, imbes na isipin ang solusyon, ang iniisip eh humarang ng kalsada, oo nga't naiparating na, pagkatapos dun na lang aasa diba? hayyss.. ganyan talaga.. oooppsss teka lang din at baka maging entry na hahahaha.. salamat batangG sa pagdalaw
TumugonBurahinoo nga yun ang key word mag tipid..
TumugonBurahin"Lahat nalang tumataas panty nalang ang bumababa"
TumugonBurahinunting higpit pa ng sinturon ang kailangan natin gawin. Kung dati nakakapagmeryenda tayo bakit di nalang natin ipunin muna at ilaan sa ibang bagay ang dapat na pangmeryenda total naman may almusal tanghalian at hapunan naman di ba? Marami nga jan isang beses lang kumain pero sabagay nasa demokrasyang bayan naman tayo kaya karapatan ng bawat isa satin kung ano ang dapat gawin at kung anak kayo ng mga mayayaman o di kaya ng mga buwayang politiko may karapatan kayong maglustay ng kayamanan nyo, sige gumastos kayo hanggang gusto nyo pero wag kayong ngangawa pagdating ng araw na nauubusan kayo ng datong at isisi lahat sa gobyerno..Nadadala ako sa usaping ito masyado akong sensitibo pagdating dito :D
weee.. buti nalang at di ako taga dyan.. at wala kaming mrt o lrt o toll gate... pero hanep naman umareba mga taxi driver kahit walang resibo eh nagtataas parin...
TumugonBurahinnaks tinamaan ako doon ah... wants and needs hehehe...
TumugonBurahinisa na lang ang wants ko promise...SLR hehhehe
magiipon na ko... promise lol
@Adang - natumbok mo parekoy
TumugonBurahin@Joey - may tama ka parekoy, ung konting tipid na yan, pag naipon malaking tulong na din sa hinaharap. salamat parekoy
@Kiko - parekoy, mabuti na nga lang walang toll fee jan.. lintek, halos triple ang itinaas, un nga lang parekoy, dahil sa toll fee na yan at sabayan ng pagtaas ng langis, tataas din ang pamasahe, at sa bandang huli, tayo din ang mahihirapan.. tsk tsk..
TumugonBurahin@Uno - isa na lang ba parekoy hahaha. Hindi naman panawagan hehehe.. kumulit lang ang kukote ko haha..
salamat mga parekoy at marekoy na kaibigan
toooooomooooooh! =)
TumugonBurahinikawww na!!!! ang future journalist na susunod sa yapak ni kabayan... (payag ka?)
TumugonBurahin--------------
tama... magtipid ang kailangan... manunuod sana ako ng sine this week pero naisip ko wag na lang sa ibang makabuluhang bagay ko nalang gamitin...... salamat sa post na to.. :)
salamat
@Riza - salamatssss sa muling pagdaan.. magkasalungat ang entry natin hahaha... ccchhheeerrrrzzz
TumugonBurahin@EgG - uy parekoy, mustasa? at ako na ba? hahaha.. salamat parekoy, tuloy mo lang panonood mo ng sine.. ganda ng enteng kabisote hahaha...
cool ka lang. relax ka lang. simple lang ang buhay maglakad ka nalang, hahahaha.
TumugonBurahin@Ester - cool na cool marekoy hahaha.. salamat at muling napadaan
TumugonBurahinkailangan din na nasa tama ang pagtitipid. :)
TumugonBurahinAy nakow! Kaya nga ako, hindi nagte textmate. hahaha.. estorbo na, gastos pa.. at grrr! nang dahil sa textmate.. *breathe.. okay na. hehe.. kalmado nako..
TumugonBurahinAnewei, tama kang talaga. Tayong mga Pinoy, mahihilig lang talagang gumastos. Kita mo, sabi nasa crisis na ang lahat ng Pinoy, pero bakit punong-puno pa rin ang mga malls? Kahit mahal ang sine, andami pa ring nanonood? Kahit ang mamahal ng mga cellphone at ano pang gadgets, andami pa ring gustong bumili ng bago? Kahit mahal ang mga inumin, kahit na walang pera, andami paring lasing!
Kasi luho lang.. we just want them, though we honestly don't need them.
So dapat.. marunong tayong magdetermine kung anong kinakailangan.. hindi yung kung ano ang gusto..
Haba na.. hehe. Gandang gabi. Umistambay din ako dito.. Salamat nga pala sa komento mo. Medyo okay nako. Ingat. =)
ay super tipid ako dini, Cory daw ako ayon sa aking sistah!
TumugonBurahinpero kailangan eh dumadami anak eh;)
@Empi - may tama ka dyan parekoy.. salamat sa pagdaan
TumugonBurahin@Ate leah - korak po. salamat sa pagdaan.. maluho lang tayong mga pinoy pero sanay sa gipitan, dyan natin sila napapabilib hahaha..
@Ate mayet - Ok lang na masabing kuripot. sa panahon ngayon, kahit sila kuripot din..ayaw lang nila pahalata hahah.. salamat po ng many..
ang problema parekoy, hanggang kailan tayo magtitipid habang ang mga nakaupo sa gobyerno ay nagpapasasa sa ibinabayad nating buwis? tayo na lang ba lage ang dapat mahirapan?
TumugonBurahinnapadaan lang parekoy :)
@LordCM - Masyado nasanay ang mga pinoy na sa loob ng 9 na taon, kurakot talaga, kaliwat kanan ang inatupag ng nasa pwesto lalo ng nung pandak. This time parekoy, nagbago ang nakaupo sa pwesto, nangako ng tamang landas at sa tingin ko naman, patuloy na tayong magmamatyag sa kilos ng ating bagong gobyerno, hindi na natin hahayaan pang mangyari ang 9 years na nasayang sa buhay nating mga pinoy.
TumugonBurahinMaraming salamat parekoy idol sa pagdaan..
Whoa, every people say what they wanna say about this issue. Hahai, ewan ko ba bakit nga ba sobrang mahal ng gas. Lahat mahal. Wala namang ng mamahal sa akin. huhuhu
TumugonBurahinhindi ko na alam nangyayari sa gobyerno natin.. pero totoo lang hindi naman pwede na sisihin na lang natin ng sisihin yung gobyerno...
TumugonBurahinang pakiramdam ko kay Ninoy... parang maganda ngacintensyon niya..pero parang nalalamangan naman yata siya ng mga taong nakapaligid sa kanya...
ewan...
naiisip ko nga dito.. kahit mahihirap na pamilya katulad namin dito..nakakaen pa din ng masarap... ewan... di tulad jan..pag mahirap..daga ka talaga....
ewan...
hayy...
@Tim - maraming nagmamahal sayo parekoy, lalo na dito sa blogsphere... salamat parekoy sa pagdaan
TumugonBurahin@kamila - sa gobyerno kasi dito sa atin, lagin may makakaliwa. yan ang nakakainis, lahat di umano kontra kurakot, kontra lang sa salita.. tsk tsk
salamat marekoy sa pagdaan
Off topic comment: natuwa ako masyado jan sa pic mo sa gilid inspired by Avatar! (at least hindi Avatar XXX hehe)
TumugonBurahintama ka, mas dapat bigyang importansya ang mga dapat unahin tulad ng pangangalingaan naten sa araw, kaya male ang term ng "sagad na kame sa pagtitipid" lumalabas, parang gusto nang gastusin ang pera para maubos....tsk2
TumugonBurahin:)
haha uu nga eh! napansin ko rin...but it doesn't mean na against ako dito ha...hehe opposite lang talaga..hehe cheeeeeeerssssssssssss!!!!!
TumugonBurahin@glentot - napagtripan ko lang i-edit sa photoshop parekoy..
TumugonBurahin@Aureius - hangga't may isasagad pa, jan sanay ang pinoy.. salamat parekoy
@Riza - cccheeerrrzzz marekoy...