Lunes, Enero 31, 2011

PILOTO

Patay sindi ang ilaw, matindi ang kapit ng mga pasahero sa kanilang upuan. may mga pagkakataong biglang bubulusok, tatagilid, aangat ang aming sinasakyan. Malakas ang hangin at ulan sa labas at manakanakang pagliwanag dulot ng kidlat. Nagbagsakan na ang emergency oxygen sa bawat katapat ng upuan. Halata sa mga pasahero ang takot na nadarama. Yan ang eksena sa loob ng eroplanong sinasakyan ko.

Hindi inaasahan na mapadaan ang eroplano sa kalawakan na iba iba ang lakas ng ihip ng hangin, may pakaliwa, may pakanan may kasamang pagulan at kidlat.. may bagyo yata. Kaya naman wala sa tamang paglipad ang eroplano. Parang nililindol kami sa loob ng sasakyang iyon.

May nakapikit, may umiiyak an parang ito na ang aming katapusan. Ang aking katabi, may sinasabi sa akin.

"Ito na yata ang katapusan, iho bakit sa kabila ng nangyayari, nakukuha mo parin mglaro ng PSP, bakit relax na relax ka? samantalang kaming mga kasama mo dito'y di na malaman ang gagawin.?"

"Ano pong ikinatatakot nyo?"

"Hindi ka natatakot? Maaring bumagsak na ang eroplano"

"Hindi ho"

"Bakit?"

"Dahil ang piloto ho nito ay ang tatay ko"








***Ikaw, kanino mo pinagkakatiwala ang buhay mo?







 











59 (na) komento:

  1. naks! parang commercial ng kape...hindi nga lang bumabangon...hahahah

    Fiction ba to?

    TumugonBurahin
  2. reminds me of something.

    anu ba ang tunay na kahulugan ng pagtitiwala?

    ang mga bata, pag inihahagis sila sa hangin, imbes na makaramdam ng takot, natutuwa pa ang mga ito. dahil alam nila, marahil, na nanjan ang magulang nila para sumalo. yun ang tiwala para sa akin.

    kanino ko nga ba ipagkakatiwala ang buhay ko kung sakali? sa pamilya.

    TumugonBurahin
  3. true to life ba ito??

    walang magulang ang gustong mapahamak ang kanilang anak, kaya tama ka jan... confident ung sumagot na hindi sya natatakot.. alam kong gagawin din nung piloto ang lahat lahat para maligtas sila kasi andun anak nya...


    pinagkakatiwala ko buhay ko, sa mga magulang ko din at kay Lord..

    TumugonBurahin
  4. Pang coke o Nescafe commercial ito Kapatid!

    TumugonBurahin
  5. astig ng storya.. hehe. i dont know kung fiction siya o hindi pero astig..may lesson ^_^

    TumugonBurahin
  6. Ikaw para kanino ka bumabangon?

    Dumugo ang balahibo ko sa ilong Banjo. Dumugo.

    Alam ko na kahit ano pa ang gawin ko, babalik at babalik ako sa paniniwalang may mas maalam kesa sa akin subalit kalimita'y binibigo ko itong friend ko na ito, pero hindi bale, mag-uusap din kami nito masinsinan, hindi ko lamang masabi kung kailan.

    Pwede ko bang ipagkatiwala ang buhay ko sa aking kapuwa muna? Salamat.

    TumugonBurahin
  7. @moks - parekoy, una maraming salamat sa pic greet.. fiction lang yan parekoy heheh..may ibig lang ako ipahiwatig.. sana makuha ng iba hehehe


    @rainbow - naku salamat.. hindi mo nakuha ang ibig ko sabihin hehehe...


    @Leonharp - parang nilagay ko lang sa eksena ang buhay ko, parang kwento ko lang.. pero fiction lang yan.. at may ibig lang ako ipakahulugan,.. tama ka parekoy.. kumbaga ang buhay ko, ang buhay natin mga tao at ipinagkakatiwala ko ang buhay ko sa piloto na syang may hawak ng buhay ko.. un ay si LORD..


    @Joey - hehehe para comercial lang.. ccchheerrss parekoy

    TumugonBurahin
  8. eroplano? pa uwi pa naman ako, 9 hourssa plane, nakaktakot, sana tatay ko yung Pilot,hehehe

    TumugonBurahin
  9. COOL. WANTED TO BE A PILOT BEFORE. NICE POST PAREKOY

    TumugonBurahin
  10. @banjo Nanghingi ka ba ng picture greeting????????? Ha Dre? Di ko alam.. o hindi ko naalala.. nakita ko lang din kase pic greet ni Mokz sayo... ikaw pa na halos ka-close ko di ko nabigyan...

    inihaw.. ako kay God. Di ko alam.. pero nung sinabi mo na ang piloto ng eropplano na ito... si God naisip ko.. pero tatay sinabi mo.. pero naisip ko si God pa din..

    hmmmm.... parang ang dami ko pa sasabihin..pero dahil sa topic ni Kuya bino sa kabila.. nakikiramdam ako sa paligid ko... mag-isa lang kase ako..waaaaah.natatakot ako.. lol

    TumugonBurahin
  11. @kikilabots - fiction lang talaga yan hehehe.. may aral na nakatago, at may ibig akong ipahiwatig


    @Jkulisap - sir, magandang araw sa inyo.. sa mga panahong nasa pagsubok ang buhay natin, nakakaramdam tayo ng takot, ng pangamba. naiisip natin pano tayo makakaligtas pa, pano natin malalampasan. Nandun na tayo. Kulang sa pananampalataya..

    ang bata sir, walang pangamba, kasi tiwala siya sa tatay nya. sa kakayahan na maliligtas pa din sila dahil sa pagtitiwala nya.. ang tao ba sir, kung buo ang paniniwala natin sa kanya, ang pananampalataya, makakaramdam pa ba tayo ng kaba? anong kinatatakot natin diba? ang lahat naman iisa ang kahahantungan.. yun ang kamatayan diba?

    magtiwala sir, sa TAAS na syang piloto ng buhay natin.. un ang punto ko...

    salamat sir kulisap sa muli nyong pagdaan :)

    TumugonBurahin
  12. @Adang - safe ka makakauwi dito satin parekoy.. trust lang sa piloto hindi ng eroplano kundi ng buhay mo hehehe.. cchheerrss paralubong


    @DEMIGOD - salamat parekoy... tsk sayang, sarap maging piloto, around the world hehehe

    @Kamila - ay sensya na marekoy, hindi naman ako nanghingi ng pic greet ang nagpost lang ako ng birthday ko e nung mismong bday ko na hehehe.. salamat marekoy.. naks.. salamat ng many haa.. nakuha mo ibig sabihin ko, tatay simbolized god, and ako simbolized tao.. galing naman marekoy... :)

    TumugonBurahin
  13. @Riza - ayun, ey marekoy.. mustasa na?

    TumugonBurahin
  14. hehe okay lang ^_^


    p.s. parekoy matanong lang si LOrd ba 'yang sinasabi mong ama mo ang nag maniho? ang biloogical father mo talaga hehe,...sorry curious lang...

    TumugonBurahin
  15. @Riza - fiction yan no, hahaha.. literal much naman itetch marekoy na itetch ahahayyy... Ama natin lahat si GOD marekoy, at kapatid kita.. o diba? hihi...

    TumugonBurahin
  16. @Lhuloy - hi atekoy.. salamat ng many.. :)

    TumugonBurahin
  17. haha! ay sorry parekoy...

    at sorry ulit...--->>>mag-usap ba naman sa comment box mo...wehehee

    TumugonBurahin
  18. @Riza - oks lang marekoy hihihi.. sana may thread din ang comment box ko... apir marekoy... :))

    TumugonBurahin
  19. astig! palagi akong napapabilib sa t'wing dadaan ako dito. lagi kasing may saysay at aral ang mga kwento. at higit sa lahat, laging may impact sa readers. tulad nito, napatanong tuloy ako bigla, kanino ko nga kaya ipagkakatiwala ang buhay ko?

    TumugonBurahin
  20. ang aral nito ay "wag matakot sa mga nangyayari sa ating buhay, harapin ito at magtiwala." :D

    TumugonBurahin
  21. @BatangG - tama batangG.. salamat sa pagbisita ha.. ipagtiwala ang sarili sa totong may likha sa atin


    @Empi - sakto parekoy, magtiwala tayo sa may LIKHA.. sya lang ang ating kaligtasan. ano man pangyayari sa ating buhay, maniwala tayong ito ay naayon sa kanyang kagustuhan.. maraming tanong sa ating sarili, bakit sa dinami dami ng tao, tayo pa diba? pero ni minsan natanong din ba natin na sa dinami dami ng pagkakataon at masasayang pangyayari sa atin, nakapagpasalamat ba tayo sa kanya? salamat parekoy...

    TumugonBurahin
  22. @lhuloy, paraan ko lang ng paggalang un hehehe..(papikit pikit pa :)

    TumugonBurahin
  23. hanep..ang tanung ilang taon knb? jeje

    TumugonBurahin
  24. Nakss.. Pang TV ad. Haha. Madami ako pinagkakatiwalaan ng buhay ko, kaya naman naging pariwara ako. Haha. Joke lang.

    TumugonBurahin
  25. @ISTAMBAY HAHA. SA IBA MAREKOY TAWAG MO.
    PAGDATING KAY LHULOY, ATEkoy.
    LUFET. NATAWA KO RON.

    AND YES, IF WE MAKE GOD THE PILOT OF OUR LIFE, WE'LL REACH OUR DESTINATION SAFELY. DAMI MO PANG MADADALANG "BALIKBAYAN BOXES" FULL OF BLESSINGS.

    TumugonBurahin
  26. Galing nito. Faith always works. Minsan kailngan lang talaga magtiwala tayu sa Tatay natin. :)

    TumugonBurahin
  27. @Lhuloy - secret ehehe.. matanda na ang lolo mo, aba kita mo, may isip na nung mangyari ang edsa dos (see edsa dos) hehehe


    @Yow - salamat sa pagbisita, ganun ba hehehe.. napariwara na din minsan buhay ko.. :)


    @Demigod - Marekoy, atekoy, heheh.. oo nga, ung ate koy eh yung medyo teenage pa, ung marekoy eh, parang nasa kaedaran ko na haha juk...


    @Houseboy - tapos na ba magwalis? Tumpak ang sinabi mo parekoy.. apir...:)

    TumugonBurahin
  28. aba ang galing nito parekoy ah. hanga ako.hehehe

    TumugonBurahin
  29. galing naman..=) nice post kuya..hehehe

    TumugonBurahin
  30. nakapagpadala na rin po pala ng picture greeting..=)

    TumugonBurahin
  31. @Kyle - salamat parekoy... cchheerrzz


    @SupareJaid - ay salamat ha, narecieve ko na ung picgreet.. wow, salamat talaga .. ;))

    @Cheenee - dumaan lang? hmmmmm.. ay advance happy vlanetines day sayo.. thanks thanks po..

    TumugonBurahin
  32. okay tumalon ang puso ko! chos...
    Tama...Sbi NIYA nga kay Jerimiah, do not be afraid for i am with you.. :)

    TumugonBurahin
  33. wow, ang galing nmn. matalinghaga :)

    TumugonBurahin
  34. Si God ang Piloto ko.. wahehhe...

    pwedeng itag sa nescafe ang last question.. wahehhe

    TumugonBurahin
  35. hahaha! gusto ko yung sagot ni kikomaxxx.

    TumugonBurahin
  36. kaloka ha!

    pangcommercial ang dating!

    TumugonBurahin
  37. maiksi pero magaling ah. congrats :)

    TumugonBurahin
  38. Magtiwala sa Dakilang Lumikha at di nya tayo pababayaan...

    :))

    TumugonBurahin
  39. kung gustuhin Nyang kunin ka na, kukunin ka Nya, kung hindi pa, nasa sa Kanya din yun...Sya nga ang piloto eh :)

    TumugonBurahin
  40. whahaha pambihira ka yan yung homily ni father yung sunday!!! parehas ba tayo ng pari.. astig tong homily :D

    TumugonBurahin
  41. trust is the main reason why we live.sana gnyan din tayo kpag my problema..trust must be our weapon.

    TumugonBurahin
  42. @Jhengpot - salamat ng madami... apir..


    @Ate bhing - salamat din po, galing ako sa bahay mo at ikaw ang tunay na magaling.. :)


    @neneng Kilabot - salamat sa pagdaan atekoy...

    TumugonBurahin
  43. @Kiko - tama parekoy, si GOD ang piloto ng ating buhay.. salamat


    @Sean - salamat, magaling talaga si kiko.. idol ko yan hehehehe


    @Bino - salamat sir..

    TumugonBurahin
  44. @Jay - tama, siya ang nakakaalam ng ating kapalaran.. magtiwala tayo sa KANYA..:)


    @LordCM - salamat sir, Tama po.. cchheerrzzz


    @Axl - naks parekoy, hindi kaya ang pari sa inyo at sa amin ay iisa? hmmm malapit na tayo magkita kung ganon hehehe.. salamat parekoy...

    TumugonBurahin
  45. @emmanuel - trust sa TAAS.. yan ang ating sandata... salamat sa pagdaan.. :)

    TumugonBurahin
  46. waaa... di ko to naintindihan..... grabe..

    TumugonBurahin
  47. @EgG - naku dapat nagsimba ka noong sunday hehehe...

    TumugonBurahin
  48. ay nagets ko na... tenk u naman sa mga comment nila lol..

    si God pala ang me hawak ng ating kapalaran..

    I trust Lord.. :)

    tenks kua banjo :)

    TumugonBurahin
  49. @banjo

    nagsimba ako nun sunday noh... yun nga lang every month lang ako magsimba lol.... :)

    huminge ng tawad at kinuwentuhan si Lord... hehehe... :D

    fiesta ng silang bukas... wala lang... hahaha :D
    saka
    KUNG HEI FAT CHOOOIIIIIII....

    TumugonBurahin
  50. @EgG - homily nbi father yan dito sa amin nung sunday.. sabi nga ni parekoy Axl baka iisa ang aming pari.. oo nga pala, bukas ay pista sa Silang, nandun ka ba? panigurado may marching bands dun.. kaya lang sikip na sa plaza.. ingat ka don parekoy.. ako'y may pasok dito sa opisina kaya hindi ako makakapamista, at isa pa wala naman ako papamistahan doon hehehe... :)

    TumugonBurahin
  51. naks! kaya naman binabalik balikan ko ang blog na ito dahil sa mga kakaibang kwento.

    TumugonBurahin
  52. @Kraehe - salamat naman po.. wag ka sana magsawa ha.. salamat ng many.. lagi din ako sa bahay mo.. :)

    TumugonBurahin
  53. panalo... nakuha ko pala ang meaning niyan dre... hahha lol.

    TumugonBurahin
  54. @Kamila - salamat ng many.. apir... :)

    TumugonBurahin