Martes, Disyembre 07, 2010

DISMIS!!!

Sa isang silid paaralan

Titser: Ok klas, malapit na ang Fathers Day.. ito ang topic natin ngayon.  Klas, sabihin nyo sakin ngayon kung anong trabaho ng tatay nyo ok?

Titser:Ikaw Jepoy, anong trabaho ng tatay mo?

Jepoy: Ma'am, Seaman po ang tatay ko. Sa barko po sya nakasakay

Titser: Good Jepoy, nakakatulong ang seaman sa pagpapasok ng dolyar sa ating bansa. o ikaw gary

Gary: Driver lang po ang tatay ko..

Titser: Wag mong nila "lang" ang trabaho ng tatay mo Garry, ang driver ay may malaking naitutulong sa ating pamayanan. Sila ang naghahatid ng pasahero sa kanilang paroroonan diba? Garry, dapat nating ipagmalaki ang trabaho ng tatay natin basta marangal at walang inaagrabyadong tao.

Gary: Ma'am, Driver po ang tatay ko

Titser: Good Garry.. o ikaw Banjo

Banjo: Ma'am, karpintero po ang tatay ko, sila ang gumagawa ng bahay ng mayayaman sa amin.

Titser: Tama Banjo, ang karpintero din ang gumawa ng paaralan natin. Malaki ang naitutulong nila sa ating bayan.. Ikaw alex anong trabaho ng tatay mo?

Alex: Ma'am Congressman po ang tatay ko.

Titser: U may take your sit alex.. ikaw Jonel

Jonel: Ma'am mayor po ang tatay ko

Titser: Ikaw Bong

Bong: Ma'am Baranggay captain po tapos tatakbo ng konsehal ng bayan sa susunod na eleksyon.

Titser: Klas.. Dismis!.....

6 (na) komento:

  1. Hahaha!!! Na dismiss agad! Puro na kasi politiko.. No comment na si Titser. Hihi...

    TumugonBurahin
  2. natakot na si titser sa pulitika... baka daw matumbungan siya sa darating na eleksyon sa 2013 lol :) peace!!!!

    TumugonBurahin
  3. wahaha:)) ang kulet! pag dating sa pulitiko tumahimik na si titser, wala sya siguro ibang masabi. hahaha:)))

    TumugonBurahin
  4. LOL. natawa ako dito at mas natuwa ako sa verification code: ERSETERA (a funny term for bisayas)

    TumugonBurahin
  5. uy mga prepapipss.. salamat sa pagcomment... kakainis talaga ang pulitika hahaha...
    Leah, kiko, egg, BatangG, Ester..

    TumugonBurahin